Friday, December 31, 2010

Maligayang Bagong Taon!!!




















Happy New Year mga kaibigan, kablog, kaopisina, kaklase, kapitbahay, kamag-anak at lahat ng Mahal sa buhay lalong lalo na sa lalabs kong si Mahmine! Salubungin ang bagong taon ng bagong pag-asa sa buhay, iwan ang masamang ugali at matutong magpatawad at pagmamahal sa kapya! Maligayang Bagong taon sa lahat mula sa Notbu ni Lhan!!!


Thursday, December 30, 2010

TABA 2011 Nominees Are...





















First time kong magnominate ng ganito kaya heto ang aking mga nominado sa TABA awards ng adodcespresso.co.

Photoblogger of the Year -sina  AXLat ang Archeoz - sila lang kasi yung photoblog na friend ko at palaging bumibisita.

Most Active Blogger (Blog Category) - si parekoy Bino ng Damuhan -Tambayan ng Pinoy

Best in Enlgish Blogger of the Year - My Regency Blog – nakaka nosebleed pag nagbabasa ko eh. 

Most Promising Blog - Kamila ng Kamilkshake - bagong kakilala ko sa mundo ng blogging at recently i found it promising next year.

Rated X Blogger of the Year - Uno ng Sa Mata ni Uno - kasi x rated minsan nababasa kong post niya ^^

Best Blog Design - Tolits ng The Backpackman - simple at malinis ang blog.

Bibong Blogger of the Year -Halojin sa kanyang self title blog na Halojin - Bibo eh kaya nominate ko

Heto silang lahat at sana ay magwagi isa man sa kanila. Maraming salamat.

Pangarap Ng Aking Kabataan

Kabataan, sa tuwing dumaraan ang aking kaarawan palagi sumasagi sa aking isipan ang mga pangarap ko noong panahon ng aking kabataan. Pero di ko birthday ngayon ha, syempre di naman ako ganun katanda na ngayon, ang ibig ko lang sabihin ay lahat tayo ay may mga pangarap na gawin nung panahon pa ng ating kabataan. Simple lang ako mangarap dati, di naman ako yun pag tinanong ng kung ano gusto ko paglaki ay sasagot ako ng  "Doctor, para po gamutin ang mga may sakit" o di kaya ay "Abogado, para ipagtanggol ang mga inaapi". Mahiyain kasi akong tao na kung di mo kakausapin ay di rin kita kakausapin pwera na lang kung magaan ang loob ko sa iyo o di kaya ay kailangan talaga nating mag usap. 


Ilan sa mga pangarap ko nung kabataan ko ay di ko nagawa o hindi natupad o di kaya ay nagawa ko pero di ko nagawa ng naayon sa aking kagustuhan. Di naman ako nagsisi pero masaya na rin ako at kahit papaano ay nakayanan ko naman. 

Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod...

Tuesday, December 28, 2010

Unang Beses Sa EK

Gabi ng 26 ng Disyembre at naka duty ako ng pang gabi sa trabaho, sa sobrang excited eh hindi nga ko halos makatulog sa sobrang pag iisip sa mangyayari kinabukasan. Wala lang naman, pupunta lang naman kami ng EK (Enchanted Kingdom) at take note kahit nakakhiya mang sabihin na first time ko makakapunta dun. Oh walang tatawa! hahaha. Anim kaming pumuntang magkakatrabaho at diretso kami sa pagpunta sa EK pagkalabas namin sa trabaho ng umaga na bente syete. Di namin alam ang pagpunta dun kaya't naginternet muna ko nun bago ko nalaman pano magpunta. 

Sa mga di nakakalam kung panu pumunta narito ang solusyon;

Galing kami ng city hall ng Makati kaya eto ang aming daan.

Una, sumakay ng jip papuntang Guadalupe (ilalim) at bumaba mismo sa may guadalupe. Aakyat ka papunta MRT para mas mabilis kasi iikot pa yung jip.

Doon sa ibaba ng MRT station (North Bound) may sakayan dun ng Guadalupe Cartimar. Sakyan mo ito at bumaba ka sa Buendia Taft. (Pakisabi nalang sa driver)

Pagbaba mo dun tumawid ka sa kabilang side at nandun mismo yung bus ng Jam Liner at sakyan mo yung biyaheng Balibago.

Sa bus sabihin mo na sa Walter Mart ka lang. 57 pesos ang binayaran namin hanggang doon.

Pagbaba mo sa Walter Mart ay may mga tricycle na nagaabang at sumakay ka doon para ihatid ka nila sa EK. At presto nasa EK ka na.

Sana natulungan kita sa simpleng way na ito. 

Friday, December 24, 2010

MALIGAYANG PASKO SA LAHAT!














Muli ang pagbati ko sa aking mga kaibigan, kasamahan sa trabaho, kapitbahay, kaaway, kablog, ka-opisina, mga nakakataas sa akin sa opisina at ang lahat lahat, MALIGAYANG PASKO! sa inyong lahat mula sa aking Notbuk. Patuloy sana tayong magmahalan, magtulungan at magbigayan at hindi lamang sa araw ng pasko. Pinatatawad ko na ang mga taong naging akaalitan ko at nawa'y maging magkakaibigan muli tayong lahat. Maraming salamat at may the peace on Earth be with us! Happy Birthday Jesus!

Wednesday, December 22, 2010

Ang Mga Super Hero Ng Aking Kabataan

Sino bang makaklimot sa pagkabata? Natatandaan mo pa ba yung mga paglalaro mo sa kalsada sa labas ng bahay mo? Di natin malilimutan ang ating kabataan, hanggang sa tayo'y tumanda ay mananatili ito sa ating isipan at isa ito sa ating mga binabalik balikan. Natatandaan ko pa dati na dapat kaming matulog ng tanghali para pag gising namin ay makakalaro kami sa labas ng bahay. Tapos dapat ay nasa loob na ng bahay bago mag ala sais dahil hindi kami papapanuorin ng aming mga paboritong palabas. Teka, palabas ba ang sabi ko? Naaalala ko tuloy silang lahat. Ikaw naaalala mo ba sila? Yung mga paborito mong mga super hero noon? Teka halika at magbalik tanaw tau...

Unang una sa mga naaala ko ay ang Ultra Man. Oh natatandaan mo ba to? Alm nyo bang ito ang kanuna unahan kong palabas na napanood sa sine na super hero? Tita ko kasi sinasama ako sa mall tapos nuod daw kami ng sine. Yun pala may kasamang lalake at kadate nya. Ginawa pa kong dahilan para makapag lakwatsa. Pero ok lang napanuod ko naman si Ultra Man!

















Tuesday, December 21, 2010

Mga Christmas Party Experience Ko


















Simula pa nung umpisa akong makipaglahok at makisalai sa mga christmas party na iyan ay aking napagtanto na hindi ako ganun kasweter sa bunutan. Andyan yung tipong mabubunot ako kung kelan huli na at ang premyo ay hindi na ganun kaganda. Ang malas nga sa bunutan ika nga. Kahapon sa aming christmas party ay nagpa-abot ng pakikipagsaya ang aming Mayor na si Binay at nagpadala ng pang paraffle. Syempre excited ang lahat dahil sa galing sa aming butihing mayor ang mga papremyo at lahat ay nagaasam na mabunot kahit isa man lang sana.

Monday, December 20, 2010

Ang Alak Bow...



































Nang makita ko ang larawang ito aynatawa talaga ako ng sobra. Biruin mo ay makaisip pa talaga ng ganito ang mga taong adik sa alak. Na sa huling sandali pa rin ng kanilang mga buhay ay alak pa rin ang nasa isip. Di ako ganun kalakas uminom ng alak. Ika nga eh occasionally lang ako uminom at hindi rin yung sobra sobra. Siguro pag may problema ( lalo na sa pag ibig) hehehe eh dun mo lang ako makikitang uminom  ng sobra sobra. Naalala ko tuloy yung kapatid kong nadengue na palagi naming tinutukso na kulang lang yan sa alak kaya sya nag kasakit at tinablan ng dengue. Na wala kasing alak sa katawan nya nung araw na kinagat siya ng lamok kaya may nanaig yung virus ng dengue.

Friday, December 17, 2010

Ang Tunay Na Diwa Ng Pasko


































Walong araw eksakto at araw na nang Pasko na iniaantay ng lahat ng mga pilipino. Pilipinas ang isa sa pinakamasayang bansa sa buong mundo na pinaka pinaghahandaan ang araw ng pasko. Tayong mga pilipin o ay likas nang masiyahin at mapaghanda sa lahat ng okasyon lalong lao na ang pasko.

Wednesday, December 15, 2010

Nagugunaw Na Ata Ang Mundo Natin

 Malapit na ang pasok pero di ko pa rin ramdam ang lamig niya. Dati rati November pa lang eh mararamdaman mo na and lamig ng pasko. Pagkagising ko sa umaga para pumasok sa eskwela ay nagpapainit pa ko ng tubig sa tatay ko para maging maligamgam ang tubig. Tapos pag martes at huwebes ay di ako naliligo kasi nga malamig, araw araw ba naman ang pasok ko at pang umaga pa ko. Hehehe nug elementary at hayskul lang yun ha baka isipin nyo hanggang ngayon pa. Tunay ngang nagbabago na ang ating mundo, patunay dyan ang pababgo bagong klima at hindi na natataon sa dapat nyang kalagyan. Tag araw pero umuulan, tagulan pero ang init naman, ngayon magpapasko pero walang ramdam na lamig. Baka sa susunod sabay na, umuulan ng malaks tapos sa kabilang lalawigan eh napakainit na. Sana naman eh matuto tayong pangalagaan ang ating kalikasan. Masaya tayo ngayon pero iniisip ba natin ang mga susunod nating henerasyon. Tanungin mo ang sarili mo, Pano na ang mga anak mo? Mga apo mo? Ang mga apo mo sa tuhod at iba pa? Ikaw masaya ka ngayon pero ang mga susunod sayo malamang kamuhiaan tayong lahat dahil sa mga pinaggagawa natin. Mga kalamidad na ubod ng lalakas,  pagputok ng bulkan, pagbaha, pag-uulan, tagtuyo't ay ilan lamang sa mga nararanasan natin. Ipinagmamalaki pa natin sa mga dayuhan na magaganda ang mga lugar dito sa atin pero ang totoo kung makikita nila yun kabilang banda eh baka wala ng mga dayuhan pang magsipagpunta. Sana magising na tayo sa katotohanan na ang lahat ng itoy para sa atin. Sa atin na dapat lang nating pangalagaan. Sinasabi ko ito upang tayong lahat ay umaksyong bago pa mahuli ang lahat. Walang nagmamalinis, lahat tayo ay may kasalanan, kasalanan na dapat nating tigilan at iwasan. Magsimula bago pa mahuli ang lahat.

Sunday, December 5, 2010

Salamat At Bumubuti Na...

 Pag kalipas ng matiniding paghahanap sa halos umabot ilang araw na aligaga sa lahat na ng mga pwedeng pagtanungan sa pagkuha ng platelets ng dugo ay unti unti ng nakakrekober ang aking kapatid. Umabot sa 25 counts na lang ang platelets ng kanyang dugo at muntikan na kaming mawalan ng pag asa. Tatlong araw mahigit na kaming naghahanap pero walang makuha dahil sa nangyaring pagkaubos ng mga dugo dahil na rin sa nababalitang maruruming dugo. A plus (+) ang dugo ng aking kapatid kaparehas naming lahat, si papa lang ang naiibang dugo na type O naman. Hirap maghanap, hirap magtanung tanung, kung saan saan na kami nagtanung tanung na maski ang pwersa ko sa aming opisina ay ginamit ko na para makahanap pa rin ng dugo. Ngutnit wala talaga, hanggang sa ngayon ay puro pag hihintay lang ang ginagawa nila sa amin. Water therapy ang ginawa namin sa utol ko, tubig dito tubig doon, inum dito inum doon. Nkakatawa ngang isipin na sa bawat ihi ng kapatid ko, puro painom ulit kame sa kanya ng tubig. Sa ngayon ay nasa 55 na ang kanyang platelet count at hoping na patuloy na itong tumaas pagdating ng mga araw at hindi na kailangan pang salinan sya. Muli nagpapasamat ako sa mga tumulong sa amin, sa mga ka office mates ko, sa mga kaibigan, kamag anak, kakilala at mga kapit bahay na hindi nagdalawang isip na tumulong sa amin. Di pa man fully nakakarecover eh nandun na yung signs ng unti unti nyang paggaling. Maraming salamat ulit!

Friday, December 3, 2010

Nakakasama Lang Ng Loob


















Nakakatakot magbantay sa hospital, parang ako mismo ay magkakasakit sa mga nakikita at naamoy ko dun. Kanina nagbantay ako sa hospital sa aking apatid na naconfine dahil sa dengue. Mga 3 oras din akong namalagi dun dahil kinakausap ko ang mga doctor para sa pagbili ng dugo ng kapatid ko na sasalinan na daw. Kanina kasing hapon ang sabi ay mag stand by sa mga donors para palitan ang dugong gagamitin para sa kapatid ko. Dahil sa emergency hot loine ako nagtatrabaho ay palagian kaming nagdodonate ng dugo kayat di ko na inisip na mamroblema pa sa pagdodonate nito. Tinawagan ko agad ang mga kasamahan ko at willing silang lahat na magdonate. Ikinatuwa ko iyong ngunit biglang nag iba ang ihip ng hangin dahil ang sabi ng doctor ay need na daw bumili dahil walang stock. Awww! sumakit ang ulo ko dun ah, kung kelan handa na ang lahat eh biglang nagbago pa. Mga 700 daw yung isang bag ng dugo at nangangailangan ng 6 na bag para sa pagsasalin. Nakakinis dahil bigla bigla nila iniiba ang sinabi nila t ngayon ay kelangan pa naming problemahin ito. Ang isa ko pang ikinaiinis ay ang redcross at cpru na opisina sa amin, naiisip ko kapag may donation ng dugo eh ang bibilis nilang mag sipag kuhaan at ngayon mismong nangangailanang ako eh wala akong maasahan. Sabi ng isa kong kasama na tumawag sa redcross ay may bayad din daw yun at mas mataas pa dahil 1200 daw ang bawat isa nun. Sumama ang loob ko ng marinig ko yung, kaya nga ko nagpapatulong na kontakin ang redcross ay dahil para hindi lumaki ang gastos namin yun pala eh may bayad din. Naisip ko tuloy na wag na muling magdonate ng dugo. Ganun din naman eh, di ko rin sila maasahan sa oras ng aming pangangailangan. Ayokong magtanim ng sama ng loob pero sana magawan pa ng paraan bukas at iba ang kahinatnan ng istorya. Ipagdasal na lang natin na gumaling agad ang aking kapatid. Salamat.


Monday, November 29, 2010

Masarap Pala Ang Manok Sa Mang Inasal

Nung una parang ayoko kumain sa Mang Inasal or sa kahit anung mga Inasal na mga food chain or kainan. Akala ko parang isang tipikal ding pritong manok na niluluto sa mainit na mantika at lalagyan ng bredings. Hindi pala, (sensya na di kasi talaga ko nagluluto) puro kain lang kasi ang alam ko. Pero kahapon ng nasa MOA kami ni mahmine ko eh syempre need na huminto muna sa paglalakad at sumandaling magpahinga upang kumain. Nagtatanungan kami san kami kakain. Jolibee, Mcdo, Chowking, Greenwich at iba pang kainan na madalas na talagang kainan ng mga pilipino. Habang naglalakd kami ay napadaan kami sa Mang Inasal at nagkatinignan kami at sabay sabing try natin dito naman sa Mang Inasal. Muntik pa kaming hindi matuloy kumain dito dahil sa walang bakanteng upuan. Pero, wait lang biglang may tumayo dun sa isang upuan at dali dali ay pinaupo ko si mahmine kahit hidi pa nalilinis ng mga crew ang lamesa at ang pinagkainan nung mga umalis. Eto na, order, dalawang PM2 (ewan ko kung anu yun) basta nakita ko ayun yung title na ang ibig sabihin ay dalawang pitso at kanin. "Sir drinks?" sabi ng tindera at "coke" naman ang sinabi ko sabay dagdag na "large na pareho". Sir 260+ po, at angbayad na ko na akala ko ay mas malaki pa ang babayaran ko. Nag antay kami kasi medyo maraming tao talaga at medyo matagal na ang order namin.

Sunday, November 28, 2010

Gusto Ko Ng LEGO


















Tignan mo nga naman ang abot langit ng mga ngiti ko ng muli kong masilayan ang gustong gusto kong laruan nung bata pa ako. LEGO, sinung nakakarelate sa laruang ito? Una masasabi ko na nagkaroon na ko nito noong bata pa ako na ipinadala sa akin ng tiyahin ko nung nasa saudi pa siya nagtatrabaho. Syempre unang apo ako kaya't lahat ng luho ay gustong ibigay sa akin ng mga lolo at lola ko pati na mga tiyahin ko. Mahal

Tuesday, November 23, 2010

Sana Mabigyan Na Sila Ng Katarungan...
















Isang taon na ang lumipas at heto pa rin tayo sa kwentong bumulaga sa buond pilipinas. Isang taon ng pakikibaka ng mga taong walang awang pinagpapaslang alang alang sa mundo ng madilim na pulitika. Hanggang kelan matatapos ang ganitong eksena sa pulitika? Hanggang kelan may mamatay para sa kapangyarihan? Kapag lahat na ng mga tao sa buong mundo ay takot na sa pilipinas? Hanggang kelan maghahari ang pera? Patuloy bang ipapamukha sa lahat na ang katarungan ay nabibili ng pera? Limampu't walo ang pinatay sa karumal dumal na pagpatay na ito at ngayon ay inaalala ang anibersaryo ng kanilang pagkamatay. Di man lubos maisp at tanggapin ng kanilang mga kamag anak ay putoy pa rin silang umaasa sa ating hustisya. Hustisya na sana ay matibay at hindi nagpapagamit sa sino man. Hustisya na magbibigay ng pantay pantay na pagtingin sa lahat. At hustisya na hindi nabibili ng pera. Sana ay mabigyan na sila ng katarungan, managot ang dapat managot. Bigyan ng nararapat na parusa upang hindi na tularan pa ng iba. Pilipinas! ipakita mo namang may "PRINSIPYO" ka! Wag kang umasa kay "Pacquiao". Umpisahan mong linisin ang pangalan mo sa buong mundo at umpisahan mong gawin ang tama at pagmamahal sa kapwa!

Monday, November 22, 2010

Pagod Ako Ngayong Araw...

Wala akong maisip na maipost muna ngayon dahil siguro sa pagod sa mga activity ko ngayong araw. Anyway, naulanan lang naman ako, natuyuan ng pawis, binaha, nagastusan ng medyo malaki sa pagpapagawa ng motor at napagod. Hay, kaya siguro wala akong maisip na magandang maipost. Babawi ako sa mga susunod na araw, Pasensya na sa mga readers (kung meron man) at magpapahinga muna ko ng maaga ngayon ha. Aga pa ang pasok bukas. I hope tomorrow is a good day. Good Night!

Sunday, November 21, 2010

Bilis Maubos ng Pera....
















Bilis talga maubos ng pera, Nung isang araw lang umulan ng swerte dahil umpisa na ang bigayan ng bonus namin. Wew! Saya di ba? Excited ang lahat syempre, at ako natural pinagiisip na kung san san mapupunta ang pera. Dumating ang araw at natanggap ko na ang pera. Ang yaman! Dame! hahaha. Pero di ko lubos maissip ngayon kung san na napunta ang mga yun. Biruin mo parang wala akong nabili sa sarili ko at naubos pa? Ewan ko san san napunta. Ang alam ko lang kasi eh pina tiles ko yung sahig ng bahay namin at hanggang ngayon di pa tapos at wala pang bayad ang labor. Siguro aabot sa 3 araw ang labor na babayaran ko. Which

Thursday, November 18, 2010

DOTA o GF?


















Ayan nakarelate ka ba? Internet games na ang pinakahuhumalingan ngayon ng mga kabataan. Makikita mo kung saan saan ang mga batang naglalaro ng computer games kahit na sa oras ng mga klase. Mahigpit na ipinagbabawal ang mga kabataan na maglaro nang nakauniporme at sa oras ng mga klase. Syempre gusto kumita ng mga compuetr shop kaya ayun kahit na ipinagbabawal ay tuloy pa rin. Nakakasama ang labis na pagkukumpyuter lalo nat napapabayaan ang pagkain. Kaya nga mahihina na risistensya at madali ng magkasakit ang mga kabataan. Di na kasi sila nakakalaro ng mga tulad ng laro namin nung una. Taguan, Piko, Tumbang Preso, Black 123 at marami pang ibang laro pinoy nung panahon namin. Ngayon kasi puro na lang computer games ang uso sa mga bata. Panung di ka mahihilig eh halos lahat na ata ng mga kabahayan ay may mga sariling computer na di katulad ng dati. Dagdag mo pa ang mga computer shops na nagkalat sa lahat ng sulok ng kanto malapit sa inyo. Pero may isa kong kinahihiligan na laro sa internet o online kung tawagin. DOTA, pamilyar ka ba? Isa ka ba sa mga adik sa larong ito na

Sunday, November 14, 2010

Anu Ka Ngayon Margarito?

Unang una congatulations sayo Cong. Manny Pacman Pacquiao sa pagkapanalo ng ika 8 titulo sa ika walong dibisyon sa mundo ng boksing. Muli ay napatunayan mo sa buong mundo ang bagsik ng kamao ng mga pilipino sa boksing. At kay Margarito nga pla, nagpalit ka na daw ng apelyido at hindi na Margarito. Ang usap usapan eh, "MAGA-rito" na daw ang apelyido mo. Hahaha. Oo nga naman, kasi sa lahat ng pagyayabang na ginawa mo eh pinakain ka ni Manny ng magkabilang suntok at bagsik ng kanyang kamao di ba? Hahaha. Ang nakakabilib lang sa iyo eh hindi ka bumagsak sa mga pinaulang suntok ni Manny sayo. Dyan naman ako bumilib sayo at tsaka lumalaban ka di tulad ni Clottey dati na puro sangga at salag lang ang ginawa sa buong laban. At isa nga pala, yung isang kasama ni Margarito na si Rios na nasa under card ng laban, napakayang mag salita kay Manny, sabi nya sa mga video nila sa Pacquiao Margarito 24/7 eh bitch daw si Pacquiao. Paulit ulit nyang sinabi yun na ikinabad trip ko sa kanya. Kung boksingero lang ako hahamunin ko na sya eh, hehehe. Pero ayun anung napala ng mga pinagyayabang mo? Pasa at Bugbog lang di ba? Sa susunod, wag ka muna magyabang pwede? Ha Rios? Tsaka puro ka satsat, eh labanan mo kaya si Manny, tignan natin hanggang ilang rounds ka lang! Hahaha. Congratulations ulit kay Manny!  Idol!

Saturday, November 13, 2010

Napansin Nyo Ba To Sa Paborito Mong Red Horse?

Napansin nyo na ba to sa paborito nyong red horse? Ako hindi pa sa totoo lang. Ang sabi ng mga batikang manginginom ay may ganito nga sa isang case na Red Horse. May isang happy horse na animo'y nakatawa sa iyo dahil pag inom mo nitong ang lakas ng sipa sa iyo. Hindi pa talaga ko nakakakita ng ganito mula ng matuto akong uminom at ngayon ko lang ito nakita sa picture lang. Ayoko pa sanang maniwala kasi picture nga lang pero pag nakakita talaga ako ay tsaka ko maniniwala. Kapag may inuman sa bahay o di kaya ay kung saan, palagi ko itong tinigtignan at nagbabakasakali na makakita nga ako. Hehehe. Hirap di ba? Well, di ko namang pangarap sa buhay na makakita lang ng ganito syempre. Curious lang ako kung totoo nga. Ikaw nakakakita ka na ba ng ganito?

Thursday, November 11, 2010

Nakikisama Rin Ang Ulan Minsan

Panahon ng tag ulan, mea mea umuulan, mea mea baha. Kaninang umaga may pasok ako sa trabaho simula alas 7 ng umaga hanggang ngayon alas 7 ng gabi. Kahapon ng nasa bahay ako ay maghapong umulan at inisip ko na baka bukas sa pasok ko ay ganun din at maguulan. Di sana problema ang ulan kung nasa opisina lang sana, di mababasa at presko at malamig pa. Pero nanalangin ako kagabi na sana ay wag umulan dahil wala ako sa opisina at nandun ako sa kontrobersyal ngayon na "West Tower Leak" sa Bangkal Makati. Ang opisina namin kasi ay isang 24 oras na Emergency Hotline sa Makati kaya't kaming mga tauhan at nag iiskedyul kung kelan kami matataon na magbantay sa command post duon sa West Tower. Ayun, kaninang umaga at himala na bahagyang tumigil pansamantala ang ulan at nagamit ko ang motor ko sa pagsundo sa kasama ko at dumiretso na kami ng West Tower. Unang pakikisama ng ulan sakin sa araw na ito. Pagdating sa West Tower ay bahagyan umulan dahilan upang muling magpasalamat at nakarating muna kami bago tuluyang umulan. Ayun ang ikalawa nyang pakikisama.

Tuesday, November 9, 2010

Mga Dahilan Kung Bakit Nag Facebook

Facebook, sinong tao sa mundo ang wala pang facebook? Nyay! Parang wala na ata ah. Ultimo yung papa at mama ko na magsisingkwenta na gusto pa atang mag facebook ngayon. Teka teka anu bang nagagawa ng facebook n yan at parang napakasikat na nga? Sayo anu bang naiitutulong ng facebook oh ang pangunahing dahilan kung bakit ka nagfafacebook? Eto ang mga naisip kong dahilan kung bakit sila nagfafacebook.

1. Dahil gustong Maging In - unang dahilan siguro ng mga tao ay gustong maging in sa makabagong panahon ngayon. Sino ba nga naman ang gustong mahuli sa uso di ba? Si papa at mama nga gusto matutong magkompyuter eh, at alam mo ba anu unang sinabi? Panu ba mag facebook Lhan? Turuan mo nga kami. hahaha.

Monday, November 8, 2010

Anghel Daw Hahaha...

Anghel o ANgel sa salitang ingles na ang ibig sabihin ay isang alagad ng kabutihan at alagad ng Diyos. Hindi ko lubos maisip at makalimutan ang salitang ito na nagpatawa sa akin nitong mga nakaraang araw. Nag-umpisa ang asaran na ito noong matapos ang gabi na dapat sana ay isang stag party pra sa aming isang kaopisina. Oktubre 17, 2010 ng maitala ang araw ng pagdaraos ng aming stag party. Alas syete ng gabi ang usapan, off ko ng araw na iyon at naghihintay ng kanilang text kung saan at anung oras magkikita kita. Sina Hans (pasimuno at pinansyer) na may dala ng sasakyan, si Sherwin (na may dalang payong pa na parang bumbay na nagpaputang), sina Ken, Melchor, Caste, Dan na walang kaproble problema dahil sa nakaduty sila ng araw at pag uwi ay parang mga prinsipe na pupunta pa ng stag party at syempre ako na naghihintay rin sa oras. 

Sunday, November 7, 2010

Ang Aking Bagong Notbuk

Magandang araw sa inyo mga kaibigan kong mga bloggers at hindi mga bloggers. Ito ang isa ko pang blog na walang ibang gagawin kundi magkwento ng mga istoryang naangkop sa ating mga pilipino. Syempre ang aking mga liriko ay pawang tagalog lamang upang mas lubusan tayong magkaintindihan. Sa simula nahihirapan akong mag-isip ng pangalan ng aking lilikhaing bagong blog. Pero naisip ko yung notebook ko sa opisina. Hahaha. Naisip ko na magsulat ng aking mga experyensa sa buhay gamit ang salitang pilipino at alam ko na napakadaming pilipino na mga bloggers sa mundo. Ngayon welcome sa aking bagong blog, sa aking bagong pagsusulat. Humanda ang mga dapat humanda, heheeh joke lang. Pero pramis lahat ng mga masasaya at pwede ding malungkot ay mababasa nyo rito. Sana tangkilikin nyo rin mga kaibigan. Kampai para sa aking bagong pahina sa mundo ng mga bloggers. Magandanag gabi sa lahat!

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review