Monday, November 8, 2010

Anghel Daw Hahaha...

Anghel o ANgel sa salitang ingles na ang ibig sabihin ay isang alagad ng kabutihan at alagad ng Diyos. Hindi ko lubos maisip at makalimutan ang salitang ito na nagpatawa sa akin nitong mga nakaraang araw. Nag-umpisa ang asaran na ito noong matapos ang gabi na dapat sana ay isang stag party pra sa aming isang kaopisina. Oktubre 17, 2010 ng maitala ang araw ng pagdaraos ng aming stag party. Alas syete ng gabi ang usapan, off ko ng araw na iyon at naghihintay ng kanilang text kung saan at anung oras magkikita kita. Sina Hans (pasimuno at pinansyer) na may dala ng sasakyan, si Sherwin (na may dalang payong pa na parang bumbay na nagpaputang), sina Ken, Melchor, Caste, Dan na walang kaproble problema dahil sa nakaduty sila ng araw at pag uwi ay parang mga prinsipe na pupunta pa ng stag party at syempre ako na naghihintay rin sa oras. 
Gabi na, eto na, sinundo kami ni Hans sa labas ng opisina na may dalang isang kotse na sa wari koy 4 hanggang 5 lang ang kasya. Hahaha. Para kaming sardinas sa pinagkasaya sa isang lata. Hala siksikan basta makasama lang, ikaw ba naman stag party to hindi ka sasama? Nang paalis na kami may isang katanungan ang bumabalot sa aming isipan, "asan si Neuz?" kung hindi nyo na itatanong si Neuz lang naman ang dahilan kung bakit kami mag kaka stag party! Waaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Neuz asan ka?! Text dito text doon unahan sa text ang mga aligagang mga unggoy. Nagreply si Neuz, "pre di ako makaksama""basang basa ako ng ulan". Malungkot ang lahat, akala namin di na matutuloy eh! Pero hindi syempre, nanadito na ang tropa eh. Tsaka pa ba ipagpapaliban? Hahahaaha..
Dumiretso kami sa isang tahimik na lugar, jan lang sa may J.P. Rizal. Isang inuman na tahimik, actually walang tao kaya suguro tahimik. Hahaha. Order ng isang bucket! mea mea isa pa, at isa pa. Hanggang sa anung oras na? Mag aalas diyes na ata at tiong si Hans ay nagbayad na ng bill. Tara, show time na! ahahaaha. Anung show time na? Hmmmmmm. Diretso ang grupo sa twighlight at duon nag tuloy ng inuman. Syempre may babaeng sumasayaw at duon nag enjoy ang lahat. 

Kinabukasan, asaran etong si Sherwin di magkaugaga ng kaka "Angel" sa amin. Parang dimenyo na tinamaan ng tamang amats at sobra kung mang asar ng mang asar. Hahahaha. "Lhan! kain tayo sa "Angel's Burger"! ang pang aasar na halos umabot ng isang buong araw ng walang tigil. Lumipas ang isang buong linggo at patuloy na pang aasar na walang humpay. Hay naku basta etong si Sherwin talaga di nauubusan yan ng pang aasar sa aming lahat. Sa personal man, sa text, at maging sa FB ay patuloy ang pang aasar! Mabuti naman at sinasakyan lang ng girlfriend ko at hindi naasar sa mga pangaasar nya.

Kahapon, gabi at oras ng paghatid ko sa aking girlfriend sa kanyang trabaho. Nagsimba muna kami at pagkatapos ay kumain ng bbq sa tabi tabi. Habang nagkwekwentuhan ay may isa syang nabanggit.

"Sabi ni Sherwin tigilan na daw yang Angel Angel na yan". Sabi ko bakit? naiinis na ba sya oh nakita ng asawa nya at pinaglitan sya? Sabi ni Mhay (girlfriend ko), "Hindi, sabi ni Sherwin, sa kaka Angel nya ng Angel sayo ayun sya pala ang mag kaka Angel!" Hahaha. Buntis pala ang asawa nya! Natawa ko ng sobra kasi ang lakas nyang mapang asar yun pala sya pala ang mag kaka Angel hahahaha. Ang karma nga naman di ba? Pero di naman karma yun, blessing nga yun at hopefully maging healthy ang magiging new baby nya. Congrats pre! Hahahaha. Pag nanganak asawa mo at babae ipangalan mo eh "Angel" ha? Hahahaha. Tapos syempre ninong ako dapat! Hahaha.

2 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

ang bilis naman ng karma hehehehehe

LhanLhan said...

ahahaahah. tama di ba? mabilis talaga bino. at mabilis ka ding magkomento! ahahaha...salamat!

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review