Sunday, November 21, 2010

Bilis Maubos ng Pera....
















Bilis talga maubos ng pera, Nung isang araw lang umulan ng swerte dahil umpisa na ang bigayan ng bonus namin. Wew! Saya di ba? Excited ang lahat syempre, at ako natural pinagiisip na kung san san mapupunta ang pera. Dumating ang araw at natanggap ko na ang pera. Ang yaman! Dame! hahaha. Pero di ko lubos maissip ngayon kung san na napunta ang mga yun. Biruin mo parang wala akong nabili sa sarili ko at naubos pa? Ewan ko san san napunta. Ang alam ko lang kasi eh pina tiles ko yung sahig ng bahay namin at hanggang ngayon di pa tapos at wala pang bayad ang labor. Siguro aabot sa 3 araw ang labor na babayaran ko. Which
means kulang kulang isang libo pa dahil 350 pesos ang bawat araw ng karpintero namin. Hay! Pero atleast nakikita ko kung san napunta ang pera ko. Yung tiles nga lang! Binigyan ko si mama, si papa binilhan ko ng cherry mobile na cellphone, si utol na mag bday sa december syempre inadvance ko na kasama na pamasko. Yung isa ko pang utol eh nagrereklamo kasi kalahati lang binigay ko, sabi nya sa January bday din daw nya. Sabi ko sa January na kasi uubusin mo lang kakainum pag binigay ko nang lahat. At ayun, yung motor ko pinapaayos ko pa dahil nasira ang preno at busina. Dagdag pa ang bagong uniporme nain sa trabaho na umabot pa ata ng 3ng libo. At baka madadagan ang pa raw dahil sa di pa siguradong mga gastos. Gastos! Puro gastos talaga pag may pera. Di ko pa nabibigyan ang aking mga mahal na lolo at lola. Bukas pa kasi nakaschedule kami ni Mhay (gf ko) na pupunta dun at madalaw man lang. Kalahati ng bonus namin ni mhay ay inipon namin sa bangko para sa nalalapit naming pagpaplanong magpakasal. Nakaktuwa dahil medyo malaki laki na at nakakatuwang isipin na nakaipon na kami ng gnun kalaki ngayon. Pero ganun pa rin, sana yung naipon namin eh matipid namin pagdating ng araw. Kasi ganun lang talaga kabilis maubos ang pera ngayon.

4 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

Ang pera parang hangin lang na dadaan talaga sa kamay. Yung sweldo ko 20% nun nakainvest. Nagbabayad pa ng life insurance. Good job at nakakasave ka pa din. Ü

Bino said...

May new post nga pala ko pre. Bisita ka ha. Hehehe

simply kim said...

korek ka dyan!

LhanLhan said...

hehehe. tama! sige bino bibisita ko!

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review