Thursday, November 18, 2010

DOTA o GF?


















Ayan nakarelate ka ba? Internet games na ang pinakahuhumalingan ngayon ng mga kabataan. Makikita mo kung saan saan ang mga batang naglalaro ng computer games kahit na sa oras ng mga klase. Mahigpit na ipinagbabawal ang mga kabataan na maglaro nang nakauniporme at sa oras ng mga klase. Syempre gusto kumita ng mga compuetr shop kaya ayun kahit na ipinagbabawal ay tuloy pa rin. Nakakasama ang labis na pagkukumpyuter lalo nat napapabayaan ang pagkain. Kaya nga mahihina na risistensya at madali ng magkasakit ang mga kabataan. Di na kasi sila nakakalaro ng mga tulad ng laro namin nung una. Taguan, Piko, Tumbang Preso, Black 123 at marami pang ibang laro pinoy nung panahon namin. Ngayon kasi puro na lang computer games ang uso sa mga bata. Panung di ka mahihilig eh halos lahat na ata ng mga kabahayan ay may mga sariling computer na di katulad ng dati. Dagdag mo pa ang mga computer shops na nagkalat sa lahat ng sulok ng kanto malapit sa inyo. Pero may isa kong kinahihiligan na laro sa internet o online kung tawagin. DOTA, pamilyar ka ba? Isa ka ba sa mga adik sa larong ito na
karamihan ay nagiging dahilan ng pagaaway? Nung una ay wala pa kong laptop at internet sa bahay. Kadalasan ay sa computer shop din ang bagsak ko at halos inaabot ng magdamag makalaro lang. Minsan pagkauwing pagkauwi eh diretso na agad para maglaro. Nakakaadik kasi, ewan ko ba kung bakit sa dinami dami ng mga laro eh ito yung pinagkakaadikan ko ngayon. Last year ng magkalaptop ako ay eto ang unang una kong nilagay ko, simunod na lang yung mga ibang drivers tulad ng antivirus, office at iba pa. Hahaha nauna pa di ba? Marami nag aaway na magkarelasyon sa larong ito, kaya nga ang tanong ng mga babae "DOTA oh ako?" syempre ako takot ko lang kaya "ikaw" ang sagot ko. nasa time management lang naman yan eh. Nung una di ako naniniwlang maraming nagaaway dahil dito, pero nung dalawa sa mga kasamahan ko na baabae ang angkwento na nagaaway sila ng asaawa nila dahil sa DOTA eh naniwala na nga ako. Payo lang sa mga naadik sa larong eto oh kahit anu pang online games eh time management lang yan. Ako, nakukuha kong pagsabayin ang Blogging, Gaming, pati ang GF at ang work ko syempre. Nasa sayo yan kung anu ang una mong ipaprioritize kumbaga. Kaya lang, dapat tama ang desisyon mo sa huli ng di ka magsisi. Oh sya sya na, magdodota pa ko. hehehe. Magandang Umaga sa lahat ng mga adik sa DOTA! DOTA na!

5 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

dahil nga Single ako, DOTA !!!! Wahahahaha. Dota forever!!! :D

LhanLhan said...

ahahaha! DOTA na?!

Moks™ said...

Hahaha dahil married na ko, graduate na ko sa DOTA... Facebook na lang...hehehe

LhanLhan said...

hehehe. pero mrami ako kakilala na married pro tuloy sa Dota! hahaha..

Kraehe said...

graduate na ko sa lahat ng OL games. pero malay natin at maisipan kong magretake wahihihi.

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review