Sunday, November 28, 2010

Gusto Ko Ng LEGO


















Tignan mo nga naman ang abot langit ng mga ngiti ko ng muli kong masilayan ang gustong gusto kong laruan nung bata pa ako. LEGO, sinung nakakarelate sa laruang ito? Una masasabi ko na nagkaroon na ko nito noong bata pa ako na ipinadala sa akin ng tiyahin ko nung nasa saudi pa siya nagtatrabaho. Syempre unang apo ako kaya't lahat ng luho ay gustong ibigay sa akin ng mga lolo at lola ko pati na mga tiyahin ko. Mahal
ang lego kung tutuusin, kanina ng makita ko ang mga preyso nito ay napa "ano?" na lang ang nasabi ko dahil di ko akalaing mas mahal pa to sa gameboy na gusto ko rin dati. Yung mga maliit na mga lego ay mura pero makakbuo ka ba ng ganyan kagandang design kung di ka bibili ng ganun kadaming piraso? Hay! nung makita namin to ni Mahmine (Mhay) ko kanina eh nanumbalik samin yung kagustuhan namin nung kabataan namin na balang araw paglaki namin ay makakbili na rin kami ng sarili naming LEGO at pagagndahin namin. Pero ng makita namin ang presyo ay biglang "di na tayo bata!" hahaha yun nalang ang aming nasabi sa isa't isa. Ang mahal di ba? Siguro kung mas mura mura pa to or nagsale to kanina eh bumili na kami agad. Wew! LEGO pangarap ko nung kabataan ko, ngayong malaki na ko pangarap pa rin pala. Hahaha. Gandang Gabi!


Eto pa ang mga pictures ng mga LEGO na nagpainggit lang samin kanina.

































































5 Nakiusyoso sa usapan:

Pinoy AdvenTurista said...

wow! i was there the other day... nakita ko nga yan... it's nice...

gingerSnaps said...

hahaha lego? pambata lang yon:D

MOKS™ said...

pareho pala tayo...yan ang favorite toy ko noong kabataan ko... nagkaroon ako mga 2 sets galing sa tita ko uwi nya sa akin pag galing nya ng london hehehe nakkamiss maglaro ng lego

Surimi said...

gustong gusto ko ren magkaroon nyan when I was young. Yun nga lang you can deny the fact na medyo may kamahalan and during those times di namin afford hehehe
~~~ www.sugarcoatedkismet.blogspot.com ~~~
~~~ www.surimigoesto.blogspot.com ~~~

LhanLhan said...

@moks - mukhang lahat naman ng bata gusto tlga to! sinu b naman ang ayaw dba?
@surimi - thanks for the visit and comment! yup! mahal nga talga!

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review