Monday, November 29, 2010

Masarap Pala Ang Manok Sa Mang Inasal

Nung una parang ayoko kumain sa Mang Inasal or sa kahit anung mga Inasal na mga food chain or kainan. Akala ko parang isang tipikal ding pritong manok na niluluto sa mainit na mantika at lalagyan ng bredings. Hindi pala, (sensya na di kasi talaga ko nagluluto) puro kain lang kasi ang alam ko. Pero kahapon ng nasa MOA kami ni mahmine ko eh syempre need na huminto muna sa paglalakad at sumandaling magpahinga upang kumain. Nagtatanungan kami san kami kakain. Jolibee, Mcdo, Chowking, Greenwich at iba pang kainan na madalas na talagang kainan ng mga pilipino. Habang naglalakd kami ay napadaan kami sa Mang Inasal at nagkatinignan kami at sabay sabing try natin dito naman sa Mang Inasal. Muntik pa kaming hindi matuloy kumain dito dahil sa walang bakanteng upuan. Pero, wait lang biglang may tumayo dun sa isang upuan at dali dali ay pinaupo ko si mahmine kahit hidi pa nalilinis ng mga crew ang lamesa at ang pinagkainan nung mga umalis. Eto na, order, dalawang PM2 (ewan ko kung anu yun) basta nakita ko ayun yung title na ang ibig sabihin ay dalawang pitso at kanin. "Sir drinks?" sabi ng tindera at "coke" naman ang sinabi ko sabay dagdag na "large na pareho". Sir 260+ po, at angbayad na ko na akala ko ay mas malaki pa ang babayaran ko. Nag antay kami kasi medyo maraming tao talaga at medyo matagal na ang order namin.




































Oh diba parang hindi lang gutom di ba? Hahaha. At syempre eto naman ako habang nagaantay at gutom na gutom na.


































Pero lahat ng pagaantay namain ay biglang nabalewala. Masarap pala talaga ang manok dito, ewan ko pero siguro syempre may secret resepi pa rin sila sa pagtitimpla ng kanilang manok. Sabi ko nga sa mahmine ko, "may paborito na ako ngayong bago" hehehe syempre yung manok dito sa Mang Inasal. Oppps di ako nagplug ng ads ha, walang bayad to, talagan natuwa lang ako sa sarap. Tignan mo tong palto ko pagkatapos kong kumain.



































Hahaha. Di po ako matakaw, naka 1 buong pitso lang naman ako at 3ng kanin dahil unlimited rice din pala dito. Swak na swak sa budget ng mga pinoy. Mura na, Masarap pa! Eto na ang paborito kong manok ngayon. Parang gusto ko ulit tuloy kumain. Hehehe.  Magandang Gabi sa lahat. Kain tayo!

5 Nakiusyoso sa usapan:

MOKS™ said...

wahhh nagutom ako..favorite ko yan..lalo na kung lalagyan mo ng chicken oil yung rice...yumyum! hehehe kakagutom suki ako nyan...nakaka 3 extra rice ako dyan libre kasi. hehehe

Bino said...

hahaha. masarap dyan ung chicken oil na ilalagay sa unlimited rice. the best :D

LhanLhan said...

tama! d best talga!

Tsina said...

woaaaa. 3 rice? panalo. hahaha.

benjienious said...

heheh
unlimited rice
sulit kumain doon

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review