Tuesday, November 9, 2010

Mga Dahilan Kung Bakit Nag Facebook

Facebook, sinong tao sa mundo ang wala pang facebook? Nyay! Parang wala na ata ah. Ultimo yung papa at mama ko na magsisingkwenta na gusto pa atang mag facebook ngayon. Teka teka anu bang nagagawa ng facebook n yan at parang napakasikat na nga? Sayo anu bang naiitutulong ng facebook oh ang pangunahing dahilan kung bakit ka nagfafacebook? Eto ang mga naisip kong dahilan kung bakit sila nagfafacebook.

1. Dahil gustong Maging In - unang dahilan siguro ng mga tao ay gustong maging in sa makabagong panahon ngayon. Sino ba nga naman ang gustong mahuli sa uso di ba? Si papa at mama nga gusto matutong magkompyuter eh, at alam mo ba anu unang sinabi? Panu ba mag facebook Lhan? Turuan mo nga kami. hahaha.



2. Dahil gustong makakita ng pwedeng GF/BF - well well well yan naman talaga ang pangunahing dahilan ng gumawa ng facebook. Una nyang ginawa ito para sa Harvard University upang makapagdate, maghanap ng hot na boys oh girls sa school nila. So eto na ata ang pinakapopular at easiest way para nmakahanap ng GF/BF diba? Instant. Laos na yang text mate textmate nagyon. Sa facebook may picturs pa.

3. Dahil Gusto ng may Libreng Chat - eh sa friendster ba may chat dati? Di ba wla naman? Sa facebook kasi naisip nila na upang wag ng umalis ang isang tao sa site na ito ay nilagyan nila ng chat. Tama nga naman, sa friendster dati puro pictures ang makikita mo, mag oopen ka pa ng yahoo mail para makachat mo yung gusto mong makachat at bago mong nakilala sa friendster. Di ako magtataka isang araw na lang may video chat na sa facebook! Hahaha. Oh facebook bigyan nyo ko ng talent fee dyan dahil nagbigay ako ng bagong pwede nyong mailagay ha. hehehe.

4. Upang Makita ang mga Dating mga Kaibigan - eto ang isa sa ikinabibilib ko sa facebook, yung mga dati kong friends na hindi ko na nakikita at nakakausap oh text man lang (as in wala) eh dito mo mahahanap. Tulad nga ng sinabi ko knina, sino ba ang walang facebook account ngayon?

5. Para Maglaro - eto pa ang isang kabilib bilib sa nakaisip ng facebook, biruin mo yung friendster wala kasing games eh. May farmville ba sila na kinabaliwan ko rin dati. Biruin mo nagrerent pa ko dati mapakapag harvest lang ako ng mga tanim ko sa farmville? Parang engot lang diba? Galing pa ko ng duty ng pang gabi at pag uwi ko yung tanim pa sa farmvill ang iniisip ko. Hahahaha. Oh sinu sa inyo di naglaro ng farmville da facebook?


6. Para Magkomento at Mag Like - nauso rin sa facebook yung mga post sa walls di ba? Ayun pag nagoopen ka ng facebook mo una mong titignan yung mga post sa wall ng ibang mga tao. Pag gusto mo magcocomment ka at ila like mo pa di ba?

7. Para Mag Upload ng Pictures at Videos - Tama! Pictures at Videos sa facebook. Libre tingin na sa mga kaibigan at sa ibang mga tao. Nakakagod kasi di ba? Pag may mga okasyon picture jan picture dito, video jan video dito. Tapos ano? hihiramin camera, hihiramin yung memory card mo para makita nila yung mga pictures at videos nila. Eh sa facebook ayun isang upload lang at bongga! kita na ng lahat diba? Kung may pc oh laptop ka imbes na itago or isave mo dun eh di iuupload mo na sa facebook kasi di na mapupuno pc mo at di ka pa nangangambang mawala ang mga yan kung sakaling masira ang kumpyuter mo. Galing!

Hay, sa ngayon eto pa lang naiisip ko kung bakit nagfafacebook ang mga tao. Kung sakaling meron pa kayong alam, wag magatubiling sabihin kay Lhan at ng mailagay natin dito sa notbuk ko. hahaha. Basta ako nung una pinagawayan pa namin yan ni mahmine kasi gumawa sya ng facebook account at ako friendster pa lang. Loyal pa kasi ata ako nun sa friendster. Pero ngayon ang isa sa dahilan at nagfafaceboo ako ay dahil sa pagbablog ko. Isa kasi to sa pinakamadaling paraan para dumami at makilala ang blog or site ng isang tao. Kaya ayun, facebook lang. Hehehe. Syempre isa pa ay para makakachat ko ang mga kaibian ko at ang mahal ko syempre (si mhay/mahmine ko). Oh sya sya inaantok na ata ko. Happy Facebook to all. wag lang kalimutang lahat sa facebook ay pampubliko, lahat ay naaccess kaya mgaingat sa mga impormasyong ibinibigay. Doble ingat mas maganda. ^^

3 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

video chat? alam ko meron na facebook nito eh. hehehehe. Nalaos na tuloy ang friendster sa facebook. parang lasalle vs. ateneo lang ang kulay nila. hehehehe

LhanLhan said...

meron n ba? di ko pa naeexperience eh. hehehe. oo nga nanalo ang ateneo! ahaha.

christian rivarez said...

. .isa pang dahilan '
. .kung bakit nag fefecebook tyo
. .gzto makakakita ng mga magagandang babae at gwapong lalake
. tama ba ha

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review