Thursday, November 11, 2010

Nakikisama Rin Ang Ulan Minsan

Panahon ng tag ulan, mea mea umuulan, mea mea baha. Kaninang umaga may pasok ako sa trabaho simula alas 7 ng umaga hanggang ngayon alas 7 ng gabi. Kahapon ng nasa bahay ako ay maghapong umulan at inisip ko na baka bukas sa pasok ko ay ganun din at maguulan. Di sana problema ang ulan kung nasa opisina lang sana, di mababasa at presko at malamig pa. Pero nanalangin ako kagabi na sana ay wag umulan dahil wala ako sa opisina at nandun ako sa kontrobersyal ngayon na "West Tower Leak" sa Bangkal Makati. Ang opisina namin kasi ay isang 24 oras na Emergency Hotline sa Makati kaya't kaming mga tauhan at nag iiskedyul kung kelan kami matataon na magbantay sa command post duon sa West Tower. Ayun, kaninang umaga at himala na bahagyang tumigil pansamantala ang ulan at nagamit ko ang motor ko sa pagsundo sa kasama ko at dumiretso na kami ng West Tower. Unang pakikisama ng ulan sakin sa araw na ito. Pagdating sa West Tower ay bahagyan umulan dahilan upang muling magpasalamat at nakarating muna kami bago tuluyang umulan. Ayun ang ikalawa nyang pakikisama.
Wala namang problema sa West Tower kung tatanungin mo ko sa update duon (hehehe gusto mo mauna sa balita ha). Ngunit sa aking pagbabantay duon ay nakakaantok at kulang na lang ay matulog kami pero walang tyansang makatulog dahil baka may magradyo at di ko masagot. Masaya naman duon, relax, panuod nuod tv, palaro laro ng PSP, paupo upo at pakain kain lang dahil sa mga dumarating na libreng pagkain sa aminng lahat. Nakaramdam ako ng pagkatamad ng araw na ito. Ayokong magsulat sa opisina, ayoko ng bumalik duon at gusto ko na dito na lang buong maghapon sana.

Sabi ko, "sana umulan ng malakas para di makapunta yung papalit samin" ang sama ko hahaha. Ala una na ng panahong yun at mea mea ay papalitan na sana kami ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Wow! Galing ah, pangatlong pakikisama ng ulan sakin yan ngayong araw na to. Mea mea ay ang radyo ang mam ko at sinabing magstraight na lang kami dahil di na makakapunta yung kapalit namin dahil sa lakas ng ulan. Galing at saktong sakto sa pagkatamad ko ngayong araw. Sana sa linggo ay hindi muan umulan at makisama syang muli. Duty ulit kasi ako dun. Sakto sa laban ni Pacquiao dahil may cable tv dun na makakpanuod ako di katulad pag nasa opisina ako. Sana makisama muli si ulan. ^^ Gandang Gabi!


2 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

oo nga buti na lang marunong makisama ang ulan. sana sa sabado di umulan kasi enchanted kingdom kami nun. hehehehehe

LhanLhan said...

wow! sarap! sana nga di umulan bino! ^^

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review