Tuesday, November 23, 2010

Sana Mabigyan Na Sila Ng Katarungan...
















Isang taon na ang lumipas at heto pa rin tayo sa kwentong bumulaga sa buond pilipinas. Isang taon ng pakikibaka ng mga taong walang awang pinagpapaslang alang alang sa mundo ng madilim na pulitika. Hanggang kelan matatapos ang ganitong eksena sa pulitika? Hanggang kelan may mamatay para sa kapangyarihan? Kapag lahat na ng mga tao sa buong mundo ay takot na sa pilipinas? Hanggang kelan maghahari ang pera? Patuloy bang ipapamukha sa lahat na ang katarungan ay nabibili ng pera? Limampu't walo ang pinatay sa karumal dumal na pagpatay na ito at ngayon ay inaalala ang anibersaryo ng kanilang pagkamatay. Di man lubos maisp at tanggapin ng kanilang mga kamag anak ay putoy pa rin silang umaasa sa ating hustisya. Hustisya na sana ay matibay at hindi nagpapagamit sa sino man. Hustisya na magbibigay ng pantay pantay na pagtingin sa lahat. At hustisya na hindi nabibili ng pera. Sana ay mabigyan na sila ng katarungan, managot ang dapat managot. Bigyan ng nararapat na parusa upang hindi na tularan pa ng iba. Pilipinas! ipakita mo namang may "PRINSIPYO" ka! Wag kang umasa kay "Pacquiao". Umpisahan mong linisin ang pangalan mo sa buong mundo at umpisahan mong gawin ang tama at pagmamahal sa kapwa!

4 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

ang tagal ng hustisya dito! Kakabadtrip! Yan ang gusto ko'ng mabago dito sa Pinas.


oopp. may new post ako parekoy. kwentong bus. hehehe

MOKS™ said...

Justice! Tama si Bino ang bagal nga ng justice dito sa Pinas!

Mbah Dukun Bagong said...

wow, is that victim of MORO conflict?

mhay said...

hay! tama sana nga mabigyan na sila ng justice! God Bless!

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review