Monday, December 20, 2010

Ang Alak Bow...



































Nang makita ko ang larawang ito aynatawa talaga ako ng sobra. Biruin mo ay makaisip pa talaga ng ganito ang mga taong adik sa alak. Na sa huling sandali pa rin ng kanilang mga buhay ay alak pa rin ang nasa isip. Di ako ganun kalakas uminom ng alak. Ika nga eh occasionally lang ako uminom at hindi rin yung sobra sobra. Siguro pag may problema ( lalo na sa pag ibig) hehehe eh dun mo lang ako makikitang uminom  ng sobra sobra. Naalala ko tuloy yung kapatid kong nadengue na palagi naming tinutukso na kulang lang yan sa alak kaya sya nag kasakit at tinablan ng dengue. Na wala kasing alak sa katawan nya nung araw na kinagat siya ng lamok kaya may nanaig yung virus ng dengue.


Syempre biro lang naman yun sa utol ko, kahit papano'y kinabahan kami dun dahil sa bumaba ng husto ang platelet nya at kelangan ng salinan at wala pa kaming mapagkuhanan. Pero tapos na yung istoryang yun, mabalik naman tau sa alak na ito. Nung una kong post sa alak na ito ay yung may smiling horse pa sa paborito nating red horse na ito. Di ko nga alam yun eh, dun ko lang nalaman nung may nakita akong larawan at ipost ko at may mga nag confirm na totoo nga.

















Una kong natutuong uminom nung high school sa pa ko sa Malabon. Syempre buhay high school nga daw ang pinaka masarap kaya lahat ng mga curious akong gawin eh nagawa ko nung high school ako. Mag cutting, mag yosi, uminom ng alak, mangopya, magkodigo, magsugal, manligaw at marami pang iba. Pero syempre ang natira nalang sa mga yun sa lahat eh ang pag inum ng alak. Di ko kasi nagustuhang magyosi at walang maitutulong sa akin yun at sa lahat.

Sabi nga din ni doc eh minsana kelangan pa rin natin ang alkohol sa katawan kaya ayun hehehe umiinom pa rin ako paminsan minsan. Pero baala sa lahat ng mga manginginom, ang labis ay nakakasama pa rin. Anumang labis sa iyong mga ginagawa at pupuedeng makasama sa iyo at sa ibang mga taong nakapaligid sa iyo. Natuto na ko sa aking lolo na simula pa lang ng aking kabataan ay nakita ko na siya kung panu nya abusuhin ang sarili niya sa alak.

Natatandaan ko pa nga dati ng high school pa kami:

Ganito ang nangyari, 

Umaga at gumising na kami ng utol ko (yung nadengue) upang maghanda at pumasok sa eskwela. Pareho kasi kaming pang umaga at kelangan gumising ng maaga dahil hirap din kami gisingin ni papa. Syempre kasarapan ng tulog tapos gigisingin ka? hehehe. Ang maagang yun ay nabalot ng katatawanan dahil sa isang pangyayari. Si lolo na lasinggero ay maaga pa lang ay alak na ang almusal na wari mo'y kapeng tinuungga tungga pa. Inutusan ng aking papa ang kapatid kong bumili ng "gel' (yung ginagamit pampatigas sa buhok). Sa sobrang kalaliman ng tulog ng kapatid ko eh imbes na gel ang bilin eh "gin" ang binili sa tindahan. Nagulat ang tatay ko at bakit daw gin imbes na gel ang binili. Sabi ng kapatid ko ay kala nya si lolo ang nagpapautos kaya yun ang binili nya. Hahaha. Si lolo kasi palagi kami inuutusang bumili ng gin kaya ayun nabingi ata kapatid ko at gin ang binili.

Eto nga pala ang itsura ng lolo ko, 70 plus anyos pa alng sya pero di na sya makatayo bunga na ng labis na pagmamalabis sa kanyang sarili.



































Di naman kami galit sa lolo ko, infact mahal na mahal namin yan lalo na ako. Paborito kasi ako nyan dahil sa ako ang kanyang unang apo sa lahat. 

So paalala sa lahat, wag abusuhin ang katawan at ng di magsisi sa bandang huli. Di mo mauubos ang alak, ikaw kaya k nyang ubusin ng unti unti. Wag maging garapal sa pag inom, hina'y hina'y ng di bumilis ang buhay.

Paalala mula sa mga sumusunod;






















New Red Horse Nebulizer.




















At ng New Red Horse Vitamins with Extra Strong Tama!

Magandang araw sa lahat.







2 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

hindi ko nakahiligang uminom ng red horse eh. minsan lang kasi madali ako'ng malasing. kaya laging san mig light lang. hehe

LhanLhan said...

hehe. madali ka palang tamaan sa alak pareng bino ^^

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review