Wednesday, December 22, 2010

Ang Mga Super Hero Ng Aking Kabataan

Sino bang makaklimot sa pagkabata? Natatandaan mo pa ba yung mga paglalaro mo sa kalsada sa labas ng bahay mo? Di natin malilimutan ang ating kabataan, hanggang sa tayo'y tumanda ay mananatili ito sa ating isipan at isa ito sa ating mga binabalik balikan. Natatandaan ko pa dati na dapat kaming matulog ng tanghali para pag gising namin ay makakalaro kami sa labas ng bahay. Tapos dapat ay nasa loob na ng bahay bago mag ala sais dahil hindi kami papapanuorin ng aming mga paboritong palabas. Teka, palabas ba ang sabi ko? Naaalala ko tuloy silang lahat. Ikaw naaalala mo ba sila? Yung mga paborito mong mga super hero noon? Teka halika at magbalik tanaw tau...

Unang una sa mga naaala ko ay ang Ultra Man. Oh natatandaan mo ba to? Alm nyo bang ito ang kanuna unahan kong palabas na napanood sa sine na super hero? Tita ko kasi sinasama ako sa mall tapos nuod daw kami ng sine. Yun pala may kasamang lalake at kadate nya. Ginawa pa kong dahilan para makapag lakwatsa. Pero ok lang napanuod ko naman si Ultra Man!



















Syempre kasunod ni Ultra Man ay si....... 

Magma Man! Ewan ko pero parang ginaya lang naman nila si Ultra Man. Nuong bata ko inaabangan ko ngang maglalaban silang dalawa eh. Hehe. Nuong nagkaisip na ko ayun napagtanto ko na magka-iba pala silang palabas.


























Humanda na kayo, kampon ng kadiliman. Oras na nang pagtutuos... Kasamaan ay dapat matapos... La la la...
Oh syempre alam mo na yang kantang yan diba? Mask Man Anu pa nga ba? Kabisado ko pa nga ata yung gesture ng gma kamay nila pag magtatransform sila eh! Hahaha.





















Red One! Green Two! Blue Three! Yellow Four! Pink Five! Bioman! Unang napanuod ko ata to na ingles pa. Syempre kahit di ko pa maintindihan dati eh go lang dahil action lang naman ang pinapanuod ko. Parang katulad lang din to ng Mask Man eh, yung nga lang ingles pa to dati. Di ko na matandaan kung tinagalog din to at di ko din alam kung sinong nauna sa kanila ng mga Mask Man.
























At sino namang makaklimot kay Battle Hopper at Road Sector na mga motor ng walang iba kundi si Mask Rider Black. Ito ang isa sa mga paborito ko talaga, naiinis nga ko kasi kahit kelan di to tinapos sa telebisyon. Lalabanan pa nya si Shadow Moon eh na kapatid pala niya! Hay ibalik nyo nga to sa telebisyon at matapos namin.






















Ayan na si Annie! Tatalon na at kita pa yung ***** hahaha. Bata pa alng eh inaabangan ko na ata si Annie sa Shaider para tumalon at makita yung ano. Hehehe. Si Shaider na ginaya pa ng Channel 7 sa pamamagitan ni Zaido na di naman bumenta kasi ang corny corny ahaha. Syempre walang tatalo kay Shaider, at ang kalaban niyang si Kuma Leal (ewan ko kung tama spelling). At palaging tinatalo ang kalaban sa madilim na lugar at puro usok ang sahig. Syempre effects para mas gumanda ang labanan nila na talagang kinagigiliwan ko.






























Boknoy! (the fighting ball!) Remember? Nakakamis naman talaga tong si Machine Man oh, biruin mong bumenta talaga sakin ang palabas na to na palagi kong napapanuod kahit na katapat nito sa ibang channel ay Balita. Syempre unang apo, kaya ang Machine Man ang palaging palabas kapag ako ang nanunuod. Hehehe.


























At ang pinakahuli ko atang hero na napanuod ay ang Pwer Rangers. Yung pinaka original ha, yung Mighty Morphin Power Rangers. Madami na kasing naglabasang power rangers ngayon na iba't ibang bersyon. Panget na di katulad nung dati talaga.























Yung iba di ko na maisip eh, may naisip pa kong isa si Poseidon kaya lang di ako makakita ng image nya kaya di ko na sya nailagay pa rito. 

Masayang alalahanin ang nakalipas lalo na kung talagang magagandang ala-ala ang ating naranasan. Masasayang ala-ala na di na natin mababalikan ngunit hindi naman mawawala sa ating ala-ala hanggang sa tayo'y nabubuhay. Gusto ko lamang ibalik ang aking kabataan sa post kong ito, nawa'y nagkaroon din kayo ng pagbalik tanaw sa inyong mga ala-ala. At sana'y napangiti ko kayo at nag iwan ng ngiti sa pagbabalik tanaw natin sa ating mga kinagigiliwan. Maraming Salamat at Magandang Gabi.

6 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

paborito ko sa lahat yung maskman at mask rider black! sarap balikan nang 80s :)

Adang said...

batang shaider ako, gustong gusto ko si Anie,lalo na pag sumisipa..

Kamila said...

at hindi ako masyado naka-relate.. pero yaan mo hindi naman ako ganun kabata.. naabutan ko ;lahat yan

LhanLhan said...

hehe. oonga mask rider black at mask man din paborito ko!

malfegor said...

Koseidon yata ang tinutukoy mo pare

Zhurutang said...

. . . top 3 shits na nagdulot ng long-term depression sa akin nuong ako'y nasa elementary pa lang:

3. kumampi si blue mask sa mga kalaban
2. inalay ni battle hopper ang kanyang buhay para kay robert akizuki
1. namatay si yellow four na isang bayani sa pagsalo ng pamayer (armas) ng kalaban


. . . top 3 best scenes of this shits:

3. nagkapalit ang katawan ng kambal ng fiveman na sila five black at five yellow pero natalo din nila ang kalaban by: pumuwesto si fumiyo sa likod ni remi (si remi ang umaarte pero si fumiyo ang nagsasalita) para kunwari bumalik na sila sa dati nilang mga katawan, kaya nalito si kalaban at pinagpalit uli sila which changed them back to their original selves.

2. ending credits ng turbo rangers

1. pagpasok sa eksena ni tetra boy. ang mini robot ng jetman na nagiging cannon

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review