Friday, December 17, 2010

Ang Tunay Na Diwa Ng Pasko


































Walong araw eksakto at araw na nang Pasko na iniaantay ng lahat ng mga pilipino. Pilipinas ang isa sa pinakamasayang bansa sa buong mundo na pinaka pinaghahandaan ang araw ng pasko. Tayong mga pilipin o ay likas nang masiyahin at mapaghanda sa lahat ng okasyon lalong lao na ang pasko.


Ako mismo ay di ko maikakailang excited ngayong pasko dahil di lang pasko ay sasapit din ang ika-dalawang taon namin ng aking mahal sa buhay (si mhay). Nobyembre pa lang ay ibinibigay na dito sa lokal na gobyerno ang aming bonus dahilan upang maaga kaming mamili para sa mga regalo at sa aming pangsariling mga kagustuhan. Bili ng ganito, bili ng ganun, bili dito may sale, bili dun may mura at bili ng bili hanggang sa maubos ang pera. Regalo sa kamag-anak, sa pamilya at sa mga inaanak na taon taon ay umaasa na ganito palagi ang istorya. 

Masaya tayong lahat sa ganitong buhay, syempre nakakaluwag luwag tao. Kayang bilin ang mga gusto, kung anong makita, kung anong makursunadahan. Pero sila kaya na nasa kalye, ano kaya ang buhay nila ngayong pasko? Paskong walang kasing saya sa nakakaraos na pamilya ngunit sa kabila ng ating mga ngiti ay mga luhang dumaraos ng pagkadismaya sa kanilang mga buhay. 

Ako, mahina ang loob ko sa mga matatandang namamalimos na nakikita ko sa lansangan. Kahit hindi pasko ay marami akong nakikitang ganito kahit saan ako mapadpad. Gusto ko silang tulungan palagi, gusto ko silang bigyan ng makakain. Gusto ko silang pasihayin na kahit sa maliit na bagay ay makikita ko sa kanilang mukha ang kagalakan. Ngunit di sa lahat ng pagkakataon ay maibibigay ko ito, simple lang din akong tao na may mga pangangailangan din. Sana sa mga nakakataas ang nakakaginhawa ay makita nila ito. Maramdaman nilang may tungkulin din silang tumulong sa mga nangangailangan.

Ang pagbibigay ay dapat manaig sa ating mga kaisipan. Hindi porke pasko ay magpapaksaya tayo sa ating sarili lamang. Tamang magpakasaya ngunit huwag tayong maging sakim at marapat na ipamahagi ang biyayang dulot ng Maykapal.

Hiling ko ngayong pasko ay magbigayan ang lahat, simpleng pangangailangan ng bawat isa at huwag nang magnais pa ng sobra sobra, huwag maging sakin sa mga bagay bagay at magtulungan. 

Ito ang tunay na diwa ng pasko sa akin  Pagbibigayan, Pagmamahalan at Pagtutulungan, di man nakikita ng lahat ng tao, sa mata ng diyos ika'y kasiya siya. Di mo man ito anihin ngayon, sa tamang panahon ikaw naman ang kanyang hahandugan ng biyaya. Maligayang Pasko sa inyong lahat!

2 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

sa totoo lang, malambot ang puso pag nakakita ng mga matatandang namamalimos pa sa kalye at sumasama ang loob ko dahil ang mga kapamilya nila'y hinahayaan lang silang magtrabaho sa ganoong katandang edad. sana mabago ito ng gobyerno, mas magiging masaya sana ang pasko

LhanLhan said...

tama ka jan bino! sana nga!

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review