Tuesday, December 21, 2010

Mga Christmas Party Experience Ko


















Simula pa nung umpisa akong makipaglahok at makisalai sa mga christmas party na iyan ay aking napagtanto na hindi ako ganun kasweter sa bunutan. Andyan yung tipong mabubunot ako kung kelan huli na at ang premyo ay hindi na ganun kaganda. Ang malas nga sa bunutan ika nga. Kahapon sa aming christmas party ay nagpa-abot ng pakikipagsaya ang aming Mayor na si Binay at nagpadala ng pang paraffle. Syempre excited ang lahat dahil sa galing sa aming butihing mayor ang mga papremyo at lahat ay nagaasam na mabunot kahit isa man lang sana.

Dumaan ang 5 tawag, hindi pa rin ako tinatawag. Ayos lang may 5 pa namang susunod at baka sakali sa limang yun eh ako na ang susunod. Cross fingers, dasal, haha at wala pa rin! Sinasabi ko na nga ba at malas talaga ako sa bunutang ito. Di na ko nadala haha, paulit ulit na lang ay umaasa na mabubunot pero atleast di pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Pero ayos na rin ang bunutan dahil sa 10 na binunot ay kasama dun ang aking mahmine. Aba teka 2 years in a row na sya ha. Nung nakaraang taon eh nabunot din sya sa pa raffle na iyon pero di pa mayor nun sa Mayor Binay, konsehal pa lang sya. Siguro si mahmine ang swerte sa bunutan at ako naman ang malas. Baka kasi pag pareho kaming swerte eh wala nang matira pa sa iba. Ngayong gabi ay may x-mas party naman kaming aatenan at ito ay buong city hall na. Naku pu! 3000 mga empleyado ng city hall ang aking mga kalaban. Eh yung sa opisina nga lang na 40 kame eh di na ko natawag eh panu pa kaya ang 3000? Anyway wala namang masama kung ako'y aasa diba? Walang mawawala basta mangarap lang at umasa sa kung anong ibibigay nya. Di man palarin ay maswerte nang ako'y isa sa mga empleyado ng city hall ng makati na inaasam asam ng iba. Magandang Hapon!

2 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

hahah pareho tayong di maswerte sa bunutan pero sa christmas party lang :D

LhanLhan said...

oo nga bino! malas kakauwi ko lng ngayon at wala talgang panalo sa bunutan! hahahaha

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review