Thursday, December 30, 2010

Pangarap Ng Aking Kabataan

Kabataan, sa tuwing dumaraan ang aking kaarawan palagi sumasagi sa aking isipan ang mga pangarap ko noong panahon ng aking kabataan. Pero di ko birthday ngayon ha, syempre di naman ako ganun katanda na ngayon, ang ibig ko lang sabihin ay lahat tayo ay may mga pangarap na gawin nung panahon pa ng ating kabataan. Simple lang ako mangarap dati, di naman ako yun pag tinanong ng kung ano gusto ko paglaki ay sasagot ako ng  "Doctor, para po gamutin ang mga may sakit" o di kaya ay "Abogado, para ipagtanggol ang mga inaapi". Mahiyain kasi akong tao na kung di mo kakausapin ay di rin kita kakausapin pwera na lang kung magaan ang loob ko sa iyo o di kaya ay kailangan talaga nating mag usap. 


Ilan sa mga pangarap ko nung kabataan ko ay di ko nagawa o hindi natupad o di kaya ay nagawa ko pero di ko nagawa ng naayon sa aking kagustuhan. Di naman ako nagsisi pero masaya na rin ako at kahit papaano ay nakayanan ko naman. 

Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod...




















1. Pangarap Kong Sumayaw, (Dancer)

- Dati tuwing x-mas party sa eskwela ay isa ako sa mga nagpepresinta na magsayaw o magsasayaw. Gustong gusto ko magsayaw na hanggang sa ngayon ay gusto ko pa rin. Nagagawa ko namang magsayaw, sa mga party, sa mga play, sa mga kasiyahan pero ang pangarap ko talaga dati ay ang makasama sa isang adnce group at makilala tulad ng street boys na idolong idolo ko hanggang sa ngayon.


























2. Pangarap kong kumanta, (Singer)

- Gusto ko ding mgaing singer dati, gary v na singer na napakagaling pang sumayaw, ika nga eh performer talaga sa entablado. Yung pagsasayaw sa tingin ko mas madali kesa sa kumanta kasi kahit na anong gawin ko para gumanda ang boses ko eh parang ayaw talaga sa akin ng pagkanta.






































3. Pangarap kong magkaroon ng sariling banda, (Rock Band)

- Kasunod ng pangarap kong kumanta ay ang pangarap kong tumugtog o magkaroon ng sariling banda. Masaya na ko kahit hindi ako ang bokalista ng banda. Gusto kong gumaling sa pagtugtog ng iba't ibang instrumento. Naalala ko pa tuloy noong bata ako, nagpapaturo ako sa tatay kong mag gitara pero sya pala ay di rin marunong. Sa lolo ko ako nagpaturo pero di naman sya seryoso magturo kaya wala akong nagawa kundi ang mag-aral magisa tumugtog. Nung matuto naman ako ay plano kong turuan ang mga kapatid ko dahil naisip ko na sila ang pwedeng makatulong para makabuo kami ng banda. 

Pero parang di talaga sa amin ang musika at ni isa sa mga kapatid ko ay ayaw tumugtog ng musika. Nagkaroon naman ako ng banda ng mapunta ako sa isang Christian church na kalaunan ay iniwan ko rin. Doon ko nahasa ang aking talento pero di rin nagtagal dahil nagkaroon ng problema. Natuto akong mag bass, mag drums (pero di ganun kagaling) mag lead guitar sa pagsisikap ng nagtuturo sa aming pastor. Isa ito sa mga medyo natupad na aking pangarap pero hindi nagtagal.
















4. Pangarap kong maging magaling na manlalangoy, (Swimmer)

- Gusto ko ding lumangoy, dati kasi pag may eskarsyon ang pamilya o di kaya may swimming na magaganap ay wisik wisik lang at basa basa lang sa gilid ng pool ang aking nagagawa. Natatandaan ko pa na inilangoy ako ng isang kaibigan sa gitna nang pool at muntik muntikan na kong malunod dahil gusto niyang matuto ako at para daw matuto ay kailangang malunod muna ako. Ano ba yun?! Kailangang lunurin talaga? Simula noon ay pinangarap ko nang lumangoy, di man magaling lumangoy pero at least marunong lumangoy. Sa kabutihang palad, simula ng mapunta ko sa aking trabaho ngayon ay mayroon kaing swimming lesson na naganap, paunti unti ay natutunan kong luamngoy hanggang sa nitong mga nakaraan pagpapraktis ko ay nakaka laps na ako sa isang Olympic size swimming pool dito sa makati. Sa ngayon ang pag treading na lang ang gusto ko pa ring matutunan, yung bang kahit ilang oras akong nakalutang ay hindi pa rin ako lulubog sa tubig. Kapag nagawa ko na ito masasabi kong natupad ang pangarap kong ito.

























5. Pangarap kong maging Player (Basketball)

 - Basketall, halos lahat ng kalalakihan ay nahihilig sa sports na ito, bawat kanto may ring na pwedeng paglaruan, may court na pwedeng pagpraktisan. Naaalala ko pa nung bata ako na sa loob ng aming bahay ay may ring kaming magkakapatid at doon kami naglalaro. Kaya lang ang problema palagi kami pinagagalitan dahil pag naglalaro kami ay umaalog ang buon bahay. Syempre di naman makukumpleto ang laro pag kulang sa players kaya invite ng mga kalaro ang kailangan. Hahaha. Kung di nga nasunog yung bahay namin sa malabon ngayong taon lang na ito eh kukuhanan ko ng picutre sana. Nandoon pa rin kasi yung sana hanggang nayon. Pagbabasketball talaga ang hilig ko, dumadayo pa kami noon sa ibang lugar para lang makipagpustahan at may ibang makalaban. Putol ang tsinelas pero tuloy pa rin sa laro kahit na magka paltos paltos na ang aming paa. Pero di rin ito natupad, pangarap ko kasi mapunta sa PBA na sinamang palad dahil sa hindi naman ako ganon katangkad. Wala pa akong magagandang sapatos na pwedeng gamitin dahil sa wala naman kaming pang bili. 
Sa ngayon kuntento na kong naglalaro every saturday and sunday dito sa aming complex sa makati. Masasabi ko na di man to natupad, nagagawa ko pa rin naman to hanggang sa ngayon at ayos na sa akin iyon.


Simple lang naman akong mangarap, pero sabi nga nila mangangarap ka lang din naman ay taasan mo na. Kanya kanya tayo ng paniniwala, kanya kanya tayo ng gusto sa buhay, ang mahalaga ay makuntento ka sa kung anong meron ka at natamo mo. Kung talagang gusto mo ang isang bagay ay dapat mong pagsikapan. Walang mapapala kung puro ka lang pangarap, dapat ay kumilos ka habang maaga para makamit ang tagumpay. Magandang Umaga!



3 Nakiusyoso sa usapan:

Axl Powerhouse Production Inc, said...

naks...... ako din gusto maging isang swimmer... kahit di ako marunong lumangon heheh :D

LhanLhan said...

hhehe.

bryan19973 said...

wew...parihas tau ng pangarap ah..

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review