Sunday, December 5, 2010

Salamat At Bumubuti Na...

 Pag kalipas ng matiniding paghahanap sa halos umabot ilang araw na aligaga sa lahat na ng mga pwedeng pagtanungan sa pagkuha ng platelets ng dugo ay unti unti ng nakakrekober ang aking kapatid. Umabot sa 25 counts na lang ang platelets ng kanyang dugo at muntikan na kaming mawalan ng pag asa. Tatlong araw mahigit na kaming naghahanap pero walang makuha dahil sa nangyaring pagkaubos ng mga dugo dahil na rin sa nababalitang maruruming dugo. A plus (+) ang dugo ng aking kapatid kaparehas naming lahat, si papa lang ang naiibang dugo na type O naman. Hirap maghanap, hirap magtanung tanung, kung saan saan na kami nagtanung tanung na maski ang pwersa ko sa aming opisina ay ginamit ko na para makahanap pa rin ng dugo. Ngutnit wala talaga, hanggang sa ngayon ay puro pag hihintay lang ang ginagawa nila sa amin. Water therapy ang ginawa namin sa utol ko, tubig dito tubig doon, inum dito inum doon. Nkakatawa ngang isipin na sa bawat ihi ng kapatid ko, puro painom ulit kame sa kanya ng tubig. Sa ngayon ay nasa 55 na ang kanyang platelet count at hoping na patuloy na itong tumaas pagdating ng mga araw at hindi na kailangan pang salinan sya. Muli nagpapasamat ako sa mga tumulong sa amin, sa mga ka office mates ko, sa mga kaibigan, kamag anak, kakilala at mga kapit bahay na hindi nagdalawang isip na tumulong sa amin. Di pa man fully nakakarecover eh nandun na yung signs ng unti unti nyang paggaling. Maraming salamat ulit!

5 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

mabuti naman at bumubuti na ang lagay nya parekoy. pagdadasal ko ang tuluyan nyang paggaling :)

LhanLhan said...

salamat bino!

Axl Powerhouse Production Inc, said...

ooh thanks god on that :D
sabi nga nila everthing happen to reason and only god know the reason :D

Kris Edison said...

buti naman at di kayo nawalan ng pag-asa. more power po..

Noble Vengeance

LhanLhan said...

@kris - oo tlagang di dapat mawalan ng pag asa! god is with us!

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review