Tuesday, December 28, 2010

Unang Beses Sa EK

Gabi ng 26 ng Disyembre at naka duty ako ng pang gabi sa trabaho, sa sobrang excited eh hindi nga ko halos makatulog sa sobrang pag iisip sa mangyayari kinabukasan. Wala lang naman, pupunta lang naman kami ng EK (Enchanted Kingdom) at take note kahit nakakhiya mang sabihin na first time ko makakapunta dun. Oh walang tatawa! hahaha. Anim kaming pumuntang magkakatrabaho at diretso kami sa pagpunta sa EK pagkalabas namin sa trabaho ng umaga na bente syete. Di namin alam ang pagpunta dun kaya't naginternet muna ko nun bago ko nalaman pano magpunta. 

Sa mga di nakakalam kung panu pumunta narito ang solusyon;

Galing kami ng city hall ng Makati kaya eto ang aming daan.

Una, sumakay ng jip papuntang Guadalupe (ilalim) at bumaba mismo sa may guadalupe. Aakyat ka papunta MRT para mas mabilis kasi iikot pa yung jip.

Doon sa ibaba ng MRT station (North Bound) may sakayan dun ng Guadalupe Cartimar. Sakyan mo ito at bumaba ka sa Buendia Taft. (Pakisabi nalang sa driver)

Pagbaba mo dun tumawid ka sa kabilang side at nandun mismo yung bus ng Jam Liner at sakyan mo yung biyaheng Balibago.

Sa bus sabihin mo na sa Walter Mart ka lang. 57 pesos ang binayaran namin hanggang doon.

Pagbaba mo sa Walter Mart ay may mga tricycle na nagaabang at sumakay ka doon para ihatid ka nila sa EK. At presto nasa EK ka na.

Sana natulungan kita sa simpleng way na ito. 


Ituloy na natin ang kwento. Alas onse na ng makarating kami kasi may inantay pa kaming kasama dahilan ng pag ka late namin. Sobrang init at libo libong mga tao ang bumulaga sa amin sa harap pa lamang ng pinto. Naisip ko ganito ba talaga sa EK sobrang dame ng tao palagi?




















Oh diba? Sana ka pa, alas onse nga ng dumating kame pero alas dose na ng makapasok kami sa loob. Animo'y mga batang nakapunta ng peryahan eh dali dali kaming nagusap kung saan kami unang sasakay. At sa Rio Grande Rapids una kaming napadpad. Basang basa pero nakasaya ng una naming eksperyensa dito.



















































Kahit basang basa ako dahil halos lahat ng tubig eh sakin napunta eh enjoy pa rin kame at uulitin ko pa rin to kahit mabasa!


Sumunod na sinakyan namin ay ang Space Shuttle na talagang ikinabog ng dibdib naming lahat. Sobrang haba ng pili at isang oras ata bago kami nakasakay dito. Pagbaba namin ay halos mga hilong trumpo kami dahil sa pagkabigla. Kala ko nga mapuputol na yung bakal sa sobrang diin ng pagkakahawak ko eh. Takot din ako akala ko nung una di ako kakabahan pero ayun isinigaw ko na lang ang lahat. Di ko nakuhanan ng picture kasi baka mahulog at kung anu pang mang yari at  baka matulad pa kami sa Final Destination hehehe.




















































At ang huli naming nasakyan ay ang  Wheek Of Faith or sa madaling pagkakaintindi eh Ferry's Will.






































































































Hay sa sobrang haba ng pila eh tatlo lang nasakyan namin. Sayang talaga kasi may pasok yung isa naming kasama ng gabing iyong kaya't kelangan umuwi ng mga 5pm na. Ayaw naman naming iwan kasi babae at baka mapahamak pa at konsensya pa namin. Pero kahit ganun pa man, kahit bitin sa pag ride eh super like at super enjoy ang first time ko sa EK. Babalik ulit ako dito hanggat di ko nasaksakyan lahat ng mga rides dito. Pramis yan! hahaha. Salamat sa lahat ng mga kaibigan kong kasama dito, at sa mahmine ko! sa uulitin ulit! Love you All!





4 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

finally nakapag enchanted kingdom na rin kayo! sana triny nyo ung ekstreme! the best hehehehehe

LhanLhan said...

oo nga eh, sayng talga pero may next time pa naman ^^

Kamila said...

grabe daming tao... hayyyyy

kapag may pasok hindi ganyan kadami.. kaya kame nagpupunta kapag hindi holiday.. malapit lang bahay ko jan.. hahahahah

pero hindi ganyan kadami tao talaga.. GRABBEEEE yan nung nakita ko picture ng mga tao x( mamamatay ako.... ahhahahahaha

LhanLhan said...

hehehe. san kayo dito sa laguna? dame talga tao! hay!!

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review