Friday, December 31, 2010

Maligayang Bagong Taon!!!




















Happy New Year mga kaibigan, kablog, kaopisina, kaklase, kapitbahay, kamag-anak at lahat ng Mahal sa buhay lalong lalo na sa lalabs kong si Mahmine! Salubungin ang bagong taon ng bagong pag-asa sa buhay, iwan ang masamang ugali at matutong magpatawad at pagmamahal sa kapya! Maligayang Bagong taon sa lahat mula sa Notbu ni Lhan!!!


Thursday, December 30, 2010

TABA 2011 Nominees Are...





















First time kong magnominate ng ganito kaya heto ang aking mga nominado sa TABA awards ng adodcespresso.co.

Photoblogger of the Year -sina  AXLat ang Archeoz - sila lang kasi yung photoblog na friend ko at palaging bumibisita.

Most Active Blogger (Blog Category) - si parekoy Bino ng Damuhan -Tambayan ng Pinoy

Best in Enlgish Blogger of the Year - My Regency Blog – nakaka nosebleed pag nagbabasa ko eh. 

Most Promising Blog - Kamila ng Kamilkshake - bagong kakilala ko sa mundo ng blogging at recently i found it promising next year.

Rated X Blogger of the Year - Uno ng Sa Mata ni Uno - kasi x rated minsan nababasa kong post niya ^^

Best Blog Design - Tolits ng The Backpackman - simple at malinis ang blog.

Bibong Blogger of the Year -Halojin sa kanyang self title blog na Halojin - Bibo eh kaya nominate ko

Heto silang lahat at sana ay magwagi isa man sa kanila. Maraming salamat.

Pangarap Ng Aking Kabataan

Kabataan, sa tuwing dumaraan ang aking kaarawan palagi sumasagi sa aking isipan ang mga pangarap ko noong panahon ng aking kabataan. Pero di ko birthday ngayon ha, syempre di naman ako ganun katanda na ngayon, ang ibig ko lang sabihin ay lahat tayo ay may mga pangarap na gawin nung panahon pa ng ating kabataan. Simple lang ako mangarap dati, di naman ako yun pag tinanong ng kung ano gusto ko paglaki ay sasagot ako ng  "Doctor, para po gamutin ang mga may sakit" o di kaya ay "Abogado, para ipagtanggol ang mga inaapi". Mahiyain kasi akong tao na kung di mo kakausapin ay di rin kita kakausapin pwera na lang kung magaan ang loob ko sa iyo o di kaya ay kailangan talaga nating mag usap. 


Ilan sa mga pangarap ko nung kabataan ko ay di ko nagawa o hindi natupad o di kaya ay nagawa ko pero di ko nagawa ng naayon sa aking kagustuhan. Di naman ako nagsisi pero masaya na rin ako at kahit papaano ay nakayanan ko naman. 

Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod...

Tuesday, December 28, 2010

Unang Beses Sa EK

Gabi ng 26 ng Disyembre at naka duty ako ng pang gabi sa trabaho, sa sobrang excited eh hindi nga ko halos makatulog sa sobrang pag iisip sa mangyayari kinabukasan. Wala lang naman, pupunta lang naman kami ng EK (Enchanted Kingdom) at take note kahit nakakhiya mang sabihin na first time ko makakapunta dun. Oh walang tatawa! hahaha. Anim kaming pumuntang magkakatrabaho at diretso kami sa pagpunta sa EK pagkalabas namin sa trabaho ng umaga na bente syete. Di namin alam ang pagpunta dun kaya't naginternet muna ko nun bago ko nalaman pano magpunta. 

Sa mga di nakakalam kung panu pumunta narito ang solusyon;

Galing kami ng city hall ng Makati kaya eto ang aming daan.

Una, sumakay ng jip papuntang Guadalupe (ilalim) at bumaba mismo sa may guadalupe. Aakyat ka papunta MRT para mas mabilis kasi iikot pa yung jip.

Doon sa ibaba ng MRT station (North Bound) may sakayan dun ng Guadalupe Cartimar. Sakyan mo ito at bumaba ka sa Buendia Taft. (Pakisabi nalang sa driver)

Pagbaba mo dun tumawid ka sa kabilang side at nandun mismo yung bus ng Jam Liner at sakyan mo yung biyaheng Balibago.

Sa bus sabihin mo na sa Walter Mart ka lang. 57 pesos ang binayaran namin hanggang doon.

Pagbaba mo sa Walter Mart ay may mga tricycle na nagaabang at sumakay ka doon para ihatid ka nila sa EK. At presto nasa EK ka na.

Sana natulungan kita sa simpleng way na ito. 

Friday, December 24, 2010

MALIGAYANG PASKO SA LAHAT!














Muli ang pagbati ko sa aking mga kaibigan, kasamahan sa trabaho, kapitbahay, kaaway, kablog, ka-opisina, mga nakakataas sa akin sa opisina at ang lahat lahat, MALIGAYANG PASKO! sa inyong lahat mula sa aking Notbuk. Patuloy sana tayong magmahalan, magtulungan at magbigayan at hindi lamang sa araw ng pasko. Pinatatawad ko na ang mga taong naging akaalitan ko at nawa'y maging magkakaibigan muli tayong lahat. Maraming salamat at may the peace on Earth be with us! Happy Birthday Jesus!

Wednesday, December 22, 2010

Ang Mga Super Hero Ng Aking Kabataan

Sino bang makaklimot sa pagkabata? Natatandaan mo pa ba yung mga paglalaro mo sa kalsada sa labas ng bahay mo? Di natin malilimutan ang ating kabataan, hanggang sa tayo'y tumanda ay mananatili ito sa ating isipan at isa ito sa ating mga binabalik balikan. Natatandaan ko pa dati na dapat kaming matulog ng tanghali para pag gising namin ay makakalaro kami sa labas ng bahay. Tapos dapat ay nasa loob na ng bahay bago mag ala sais dahil hindi kami papapanuorin ng aming mga paboritong palabas. Teka, palabas ba ang sabi ko? Naaalala ko tuloy silang lahat. Ikaw naaalala mo ba sila? Yung mga paborito mong mga super hero noon? Teka halika at magbalik tanaw tau...

Unang una sa mga naaala ko ay ang Ultra Man. Oh natatandaan mo ba to? Alm nyo bang ito ang kanuna unahan kong palabas na napanood sa sine na super hero? Tita ko kasi sinasama ako sa mall tapos nuod daw kami ng sine. Yun pala may kasamang lalake at kadate nya. Ginawa pa kong dahilan para makapag lakwatsa. Pero ok lang napanuod ko naman si Ultra Man!

















Tuesday, December 21, 2010

Mga Christmas Party Experience Ko


















Simula pa nung umpisa akong makipaglahok at makisalai sa mga christmas party na iyan ay aking napagtanto na hindi ako ganun kasweter sa bunutan. Andyan yung tipong mabubunot ako kung kelan huli na at ang premyo ay hindi na ganun kaganda. Ang malas nga sa bunutan ika nga. Kahapon sa aming christmas party ay nagpa-abot ng pakikipagsaya ang aming Mayor na si Binay at nagpadala ng pang paraffle. Syempre excited ang lahat dahil sa galing sa aming butihing mayor ang mga papremyo at lahat ay nagaasam na mabunot kahit isa man lang sana.

Monday, December 20, 2010

Ang Alak Bow...



































Nang makita ko ang larawang ito aynatawa talaga ako ng sobra. Biruin mo ay makaisip pa talaga ng ganito ang mga taong adik sa alak. Na sa huling sandali pa rin ng kanilang mga buhay ay alak pa rin ang nasa isip. Di ako ganun kalakas uminom ng alak. Ika nga eh occasionally lang ako uminom at hindi rin yung sobra sobra. Siguro pag may problema ( lalo na sa pag ibig) hehehe eh dun mo lang ako makikitang uminom  ng sobra sobra. Naalala ko tuloy yung kapatid kong nadengue na palagi naming tinutukso na kulang lang yan sa alak kaya sya nag kasakit at tinablan ng dengue. Na wala kasing alak sa katawan nya nung araw na kinagat siya ng lamok kaya may nanaig yung virus ng dengue.

Friday, December 17, 2010

Ang Tunay Na Diwa Ng Pasko


































Walong araw eksakto at araw na nang Pasko na iniaantay ng lahat ng mga pilipino. Pilipinas ang isa sa pinakamasayang bansa sa buong mundo na pinaka pinaghahandaan ang araw ng pasko. Tayong mga pilipin o ay likas nang masiyahin at mapaghanda sa lahat ng okasyon lalong lao na ang pasko.

Wednesday, December 15, 2010

Nagugunaw Na Ata Ang Mundo Natin

 Malapit na ang pasok pero di ko pa rin ramdam ang lamig niya. Dati rati November pa lang eh mararamdaman mo na and lamig ng pasko. Pagkagising ko sa umaga para pumasok sa eskwela ay nagpapainit pa ko ng tubig sa tatay ko para maging maligamgam ang tubig. Tapos pag martes at huwebes ay di ako naliligo kasi nga malamig, araw araw ba naman ang pasok ko at pang umaga pa ko. Hehehe nug elementary at hayskul lang yun ha baka isipin nyo hanggang ngayon pa. Tunay ngang nagbabago na ang ating mundo, patunay dyan ang pababgo bagong klima at hindi na natataon sa dapat nyang kalagyan. Tag araw pero umuulan, tagulan pero ang init naman, ngayon magpapasko pero walang ramdam na lamig. Baka sa susunod sabay na, umuulan ng malaks tapos sa kabilang lalawigan eh napakainit na. Sana naman eh matuto tayong pangalagaan ang ating kalikasan. Masaya tayo ngayon pero iniisip ba natin ang mga susunod nating henerasyon. Tanungin mo ang sarili mo, Pano na ang mga anak mo? Mga apo mo? Ang mga apo mo sa tuhod at iba pa? Ikaw masaya ka ngayon pero ang mga susunod sayo malamang kamuhiaan tayong lahat dahil sa mga pinaggagawa natin. Mga kalamidad na ubod ng lalakas,  pagputok ng bulkan, pagbaha, pag-uulan, tagtuyo't ay ilan lamang sa mga nararanasan natin. Ipinagmamalaki pa natin sa mga dayuhan na magaganda ang mga lugar dito sa atin pero ang totoo kung makikita nila yun kabilang banda eh baka wala ng mga dayuhan pang magsipagpunta. Sana magising na tayo sa katotohanan na ang lahat ng itoy para sa atin. Sa atin na dapat lang nating pangalagaan. Sinasabi ko ito upang tayong lahat ay umaksyong bago pa mahuli ang lahat. Walang nagmamalinis, lahat tayo ay may kasalanan, kasalanan na dapat nating tigilan at iwasan. Magsimula bago pa mahuli ang lahat.

Sunday, December 5, 2010

Salamat At Bumubuti Na...

 Pag kalipas ng matiniding paghahanap sa halos umabot ilang araw na aligaga sa lahat na ng mga pwedeng pagtanungan sa pagkuha ng platelets ng dugo ay unti unti ng nakakrekober ang aking kapatid. Umabot sa 25 counts na lang ang platelets ng kanyang dugo at muntikan na kaming mawalan ng pag asa. Tatlong araw mahigit na kaming naghahanap pero walang makuha dahil sa nangyaring pagkaubos ng mga dugo dahil na rin sa nababalitang maruruming dugo. A plus (+) ang dugo ng aking kapatid kaparehas naming lahat, si papa lang ang naiibang dugo na type O naman. Hirap maghanap, hirap magtanung tanung, kung saan saan na kami nagtanung tanung na maski ang pwersa ko sa aming opisina ay ginamit ko na para makahanap pa rin ng dugo. Ngutnit wala talaga, hanggang sa ngayon ay puro pag hihintay lang ang ginagawa nila sa amin. Water therapy ang ginawa namin sa utol ko, tubig dito tubig doon, inum dito inum doon. Nkakatawa ngang isipin na sa bawat ihi ng kapatid ko, puro painom ulit kame sa kanya ng tubig. Sa ngayon ay nasa 55 na ang kanyang platelet count at hoping na patuloy na itong tumaas pagdating ng mga araw at hindi na kailangan pang salinan sya. Muli nagpapasamat ako sa mga tumulong sa amin, sa mga ka office mates ko, sa mga kaibigan, kamag anak, kakilala at mga kapit bahay na hindi nagdalawang isip na tumulong sa amin. Di pa man fully nakakarecover eh nandun na yung signs ng unti unti nyang paggaling. Maraming salamat ulit!

Friday, December 3, 2010

Nakakasama Lang Ng Loob


















Nakakatakot magbantay sa hospital, parang ako mismo ay magkakasakit sa mga nakikita at naamoy ko dun. Kanina nagbantay ako sa hospital sa aking apatid na naconfine dahil sa dengue. Mga 3 oras din akong namalagi dun dahil kinakausap ko ang mga doctor para sa pagbili ng dugo ng kapatid ko na sasalinan na daw. Kanina kasing hapon ang sabi ay mag stand by sa mga donors para palitan ang dugong gagamitin para sa kapatid ko. Dahil sa emergency hot loine ako nagtatrabaho ay palagian kaming nagdodonate ng dugo kayat di ko na inisip na mamroblema pa sa pagdodonate nito. Tinawagan ko agad ang mga kasamahan ko at willing silang lahat na magdonate. Ikinatuwa ko iyong ngunit biglang nag iba ang ihip ng hangin dahil ang sabi ng doctor ay need na daw bumili dahil walang stock. Awww! sumakit ang ulo ko dun ah, kung kelan handa na ang lahat eh biglang nagbago pa. Mga 700 daw yung isang bag ng dugo at nangangailangan ng 6 na bag para sa pagsasalin. Nakakinis dahil bigla bigla nila iniiba ang sinabi nila t ngayon ay kelangan pa naming problemahin ito. Ang isa ko pang ikinaiinis ay ang redcross at cpru na opisina sa amin, naiisip ko kapag may donation ng dugo eh ang bibilis nilang mag sipag kuhaan at ngayon mismong nangangailanang ako eh wala akong maasahan. Sabi ng isa kong kasama na tumawag sa redcross ay may bayad din daw yun at mas mataas pa dahil 1200 daw ang bawat isa nun. Sumama ang loob ko ng marinig ko yung, kaya nga ko nagpapatulong na kontakin ang redcross ay dahil para hindi lumaki ang gastos namin yun pala eh may bayad din. Naisip ko tuloy na wag na muling magdonate ng dugo. Ganun din naman eh, di ko rin sila maasahan sa oras ng aming pangangailangan. Ayokong magtanim ng sama ng loob pero sana magawan pa ng paraan bukas at iba ang kahinatnan ng istorya. Ipagdasal na lang natin na gumaling agad ang aking kapatid. Salamat.


 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review