Saturday, December 31, 2011

Dalawang Libo't Labing Dalawa: Manigong Bagong Taon

Eto na naman, magbabagong taon na naman. May mga natupad ba kayo sa new years resolution nyo last year? Oh karamihan hindi natupad?

Ganun naman talaga eh, pag new year lang nakakaisip na may baguhin oh may iibahin oh may hindi na gagawin. Tsk tsk, pero kung ano pa man yung mga yun, sana ay naging maligaya pa rin ang nakalipas na taong 2011.

Sa papasok na taong 2012, may mga panibagong news years resolution na naman tayo. Sana magawa rin nating lahat ang mga ito at ng pagdating ng susunod na taon ay may masabi rin tayong may natupad sa mga ito.

Oh, sya sya Maligayang Bagong Taon nga po pala sa lahat ng mga kamag-anak ko, kaibigan, kaklase, ka-opismeyt, kapitbahay, kapwa blogero, sa mga napapadalaw at mga tagasubay ng bog na ito at sa lahat ng mga nakakakilala. 

Maligayang Bagong taon sa inyong lahat ulit! At nawa'y walang maputukan! Keep safe!



***batian portion***

Special mention nga pala, Happy 1st Bunny Anniversary kila Zyra at Lester. Hindi na ko nakasali sa pakontest mo pero eto, may special mention and batian portion ka nga pala. Happy Anniversary ulit Zyra and Lester!

Tuesday, December 27, 2011

Jowk Taym: Memorial Plan

Mrs: Honey!




Juan: Yes Honey?




Mrs: Anung gusto mong gift?




Juan: Wag ka nang mag-abala honey. Pero kahit ano ok lang.




Mrs: Pag niregaluhan ba kita sa birthday mo bukas, gagamitin mo agad yung niregalo ko?

 

 

Juan: Oo naman! Ano ba ireregalo mo?


 


Mrs: MEMORIAL PLAN!!!




Hahahaha. Sige gamitin mo na!

Monday, December 26, 2011

Astig! Future NBA Star







Nakita ko lang to sa FB eh, akala ko simpe lang. Namputek, ang lupit maglaro! Nakalagay sa title future NBA star daw. Sa pagsisimula ng NBA ngayong araw sana kasama to sa mga naglalaro na! Hmmmm.. Ano sa tingin mo? May future nga ba to?

Sunday, December 25, 2011

Turnilyo

Boy:  Turnilyo ka ba?








Girl: Bakit? Sira ba ulo ko?








Boy: Hindi, kasi habang umiikot ka sa isip ko, Lalo kang bumabaon sa PUSO ko!






Eto yata ang kulang sa turnilyo eh! ahahhaa.

Saturday, December 24, 2011

Maligayng Pasko Sa Inyong Lahat!




















Ang Notbuk ni Lhan ay bumabati sa inyong lahat ng MALIGAYANG PASKO! Sa mga madalas na bumisita, sa mga hindi pa nakakabisita, at sa mga ayaw ding bumisita, ang aking Notbuk ay bumabati pa rin sa inyo! God Bless to all!

Friday, December 23, 2011

Pulitiko Pangako

Trahedya, kailagan pa bang mangyari bago magtino?
Porke't may kapit ka't malakas at sandal sa iyong padrino
Di mo na inisip mga kababayang mong napupuno
Nang paghihirap at pasakit, dahil sa iyong mga pangako

Buwan ng eleksyon ang lakas ng loob mo
Gagawin ko yan, Gagawin ko ang mga ito
Mga katagang masarap na pumapasok sa tenga ko
Puro kayo pangako, Putsa! Ano pa bang gusto nyo!

Iligan City, Dumaguete at Cagayan De Oro
Iilan lamang sa mga bayang pinangakuhan mo
Kabuhayan, tirahan at pati tubig sa pag-aararo
Sige! kulang na lang humalik ka na sa mga paa ko

Pagkatapos ng eleksyon oras na para kumambyo
Oras na ng paniningil, kami na ngayon ang talo
Pulitikong tupa ngayo'y sintigas na ng troso
Lahat aangkinin, pati kalikasan minamaltraso

Iligal na troso, mataas na tao ang pasimuno
Walang kayong magawa ibinoto nyo kasi si amo
Sumunod na lang kayo, kikita pa kayo!
Hala sige putol, i-akyat na sa truck ang mga troso
Bagyong Sendong pumasok anong nagawa mo?
Lahat ng ginawa mo bumalik at naningil din sa iyo
Dinamay mo pa ang mga kababayan mo
Kaswapangan yan ang sanhi kung bakit kami nagkaganito

Baha sa madaling araw gumulantang sa mga tao
Karamiha'y tulog kung kaya't nasawi ay libo
Pagkalipas ng baha nagkalat ang mga troso
Namputsa saan galing ang mga ito!


Matataas na tao pukpukan sa kongreso
Sino ang may dahilan at ng mga kapabayaan ito?
Maraming daliri ang nagturo
Si ganito si ganun, sya ang puno ng mga ito

Wala ng magagawa, huli na ang mga ito
Aanhin pa ang pag-iimbestiga hulling huli naman kayo
Walang ibang dapat sisihin kundi kayong mga ambisyoso
Kasikatan, Karangyaan, Kapangayarihan, yan lang ang alam nyo

Dapat ng magtanda, mga kababayan sa mga ganitong tao
Puro lang sila salita at puro lang pangako
Maging mapanuri at makabuluhan na sana tayo
Para sa atin din ito at sa susunod pang generasyon ng mga tao




12-23-2011

Wednesday, December 21, 2011

Cocomban

Anak: Tay , penge ng pera. May project kami. Bibili ako
ng “cocomban”.



 





Tatay: Ano ka ba naman. Hanggang ngayon “cocomban” pa rin ang tawag mo!
 






Anak: Ano po ba ang tama tay?

 






Tatay: Bomb paper!







Ay sus! Sakit mo sa ulo tay!

Tuesday, December 20, 2011

Yellow Pages

Girl: Yellow Pages ka ba?




Boy: Bakit? Dahil marami akong number?




Girl: Hindi.




Boy: Eh bakit?




Girl: Ang kapal mo kasi eh!



Bwahahahah! Sapul!

Monday, December 19, 2011

Boto Na! TABA Finalist!









Sa mga nagnominate po sa akin para sa TABA Awards, Maraming maraming salamat po! Sa mga hindi pa po nakakaboto sa akin narito po ang link para makaboto. TABA Awards.

Iboto po sana ninyo ang mga sumusunod.

Best Filipino Blogger : Notbuk ni Lhan

Best Fashinista : Karenade Fashion

Most Active Blogger (Blog Category) : Damuhan

Pinaka Bibong Blogger : The Backpackman

Best Blog Design : Opinyoneyted

Best English Blogger : I am SuperLeah 

Lifetime Achievement Award : From the Dungeon

Photo Blogger of the Year : AXL PPI

Pinaka Galanteng Blogger : Damuhan

Most Active Blogger (FB Category) : Workahlic's Girl Blog


Maraming Salamat po!

Pagsisisi (Huling Yugto)

Ang kasunod at huling yugto ng Pagsisisi...

Mabilis na tumulo ang luha ni Anne. Natulaa ng saglit at napa-upo sa kinalaagyan.


Pero hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Anne. Dumiretso sa kanyang kuwarto upang  mabilis ns magbihis at walang ibang nasa isip kung hindi ang tinatanging kaibigan.


Pumara ng taxi. "Manong sa Ospital ho tayo." 


Ni hindi pa lubusang nakahinto ang taxi ay iniabot agad ang bayad  sa driver sabay bukas ng pinto at bumaba.


Takbong lakad, Humahangos ng dumating sa ospital si Anne.


"Saan ho dito yung dinalang walang malay na nakita sa may unibersidad?" Tanong ni Anne sa Nurse sa Information area.


"Room 101 po."


Tumakbo agad si Anne patungo sa nasabing kwarto.


"Jayson!!! Hindi!!............  Jayson!!"


"Bakit!? Sinong may gawa sa iyo nito. Sino!?"


"Jayson! Gumising ka!"


"Miss, wala na ho siya." mahinang pagkakasabi ng isang doctor. 


"Sibubukan namin syang sagipin. Ramdam pa namin ang willingness nyang magsurvive, but his body can't stand the tortures anymore. Sorry." 


Pansumandaling tumahimik pero tuloy tuloy pa rin ang luha sa mga mata ni Anne. Lumapit ang isang pulis at iniabot ang cellphone ni Jayson sa dalaga.


"Miss, mukhang ito ang makaksagot sa katanungan ninyo. Pakibalik na lang sa akin pagkatapos dahil gagamitin pa naming ebidensya yan sa mga suspect." ang sabi ng pulis na nagabot ng cellphone.


Mas lalong tumulo ang luha ni Anne ng mabasa ang tunay na dahilan ng lahat sa sent items ng binata para sa kanya.


"Anne, nasaan ka? Sagutin mo ang mga text at tawag ko. Para mo nang awa. Ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat."


"Anne..."


"Anne, sumagot ka please."


"Anne, patawad. Umiwas ako para rin sa ating dalawa, lalo na para sa iyo. Pinilit nila akong gawing myembro nang fraternity. Alam mong ayoko ng ganito at hindi ako mahilig sa ganito. Pero, tinakot nila ako. Tinakot nila akong ikaw ang pagbabalingan nila kapag hindi ako sumali. Tinakot nila ako na kung aayaw ako ay sasaktan nila tayong dalawa. Lumayo ako at tiniis ang pahirap nila. Tiniis ko ng ilang araw, para sayo. Dahil Mahal kita Anne. Oo tama ka ng nabasa, Mahal kita Anne..."


"Noong huli tayong magkita, binigyan nila ako ng pagsubok. Na huwag na huwag na kitang kakausapin at lalapitan pa. At huwag na huwag akong magsasabi sa iba lalong lalo na sa iyo. Patawad sa masasakit na salita na nasabi ko. Hindi ko yun gusto, at hindi ko yun sinasadya."


"Anne, Pupunta ko sa inyo ngayon para kausapin ka. Mahirap na sa text dahil patay naman ang cellphone mo. Antayin mo ako dyan. Please mag-usap tayo."


"Anne malapit na ko sa inyo."


"Anne wala ka daw sa inyo sabi ng mama mo? Asan ka?"


"Anne, nandito pa rin ako sa labas. Please kausapin mo ko. Narito sila sumusunod sa akin. Nahuli ata nila ko at nabuko na. Anne, Pagbuksan mo ko ng gate. Papasukin mo ko....."


"Anne..."


At yun ang huling text ni Jayson kay Anne. Ang huling pagmamakaawa ni Jayson kay Anne para makaligtas sana. 


Sising sisi si Anne sa nangyari. Kung binuksan lang sana niya ang  kanyang cellphone at hinayaang magpaliwanag si Jayson. Kung inintindi muna sana niya ang paliwanag ni Jayson bago niya ito hinusgahan. 


Wala na si Jayson, hindi na ito mababalik ni Anne. Nasa huli talaga ang pagsisi.



Ang buhay iisa lang. Ang buhay na inilaan pa rin ng sa isang nagmamahal para sa minamahal. Sayang. Sayang...




Wakas.




Hindi mo ba ito nasundan? Narito at basahin ang Una at Ikalawang Yugot ng Pagsisisi.

Unang Yugto.
Ikalawang Yugto.




Maraming salamat sa mga tumangkilik.


Sunday, December 18, 2011

Jowk Taym: Unfair!

Juan: Unfair ang konduktor! Nakakinis!



Pedro: Bakit? Anong nangyari?



Juan: Payag na umakyat sa bus ang naglalako ng MANI, BALOT at KASOY, pero pag ako ayaw! Unfair!



Pedro: Ano ba nilalako mo?

 


Juan: PAPAG!














Bwahahahaha! Batukan na yan!

Friday, December 16, 2011

Pagsisisi (Ikalawang Yugto)

Ang karugtong ng Pagsisisi (Unang Yugto)...



Tumalikod lang si Jayson. Walang imik at halatang iniiwasan si Anne.


"Ano ba Jayson! Sagutin mo nga ako? Ano bang problema mo?! May nagawa ba akong mali sa iyo?" Jayson parang awa mo na sumagot ka!."


"Wag ka ngang makulit! Layuan mo ako! Sino ka ba? Bakit mo ba ko pinakikialamanan? Ano ba kita?"


Natulala si Anne sa mga narinig. Halos hindi ito makakilos na parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan. Hiyang hiya siya sa narinig. Napakasakit nito para sa kanya dahil sa inaakala niyang tunay na kaibigan ay masasabi ang ganoong masasakit na salita sa kanya.


Tumakbo si Anne papalayo na galit na galit at gustong nang sumabog ng kanyang damdamin.


"Napakasama mo. Itinuring pa naman kitang kaibigan. Higit pa sa kaibigan kung alam mo lang." Pabulong na salita ni Anne habang tumatakbo at patuloy sa pagluha.


Ilang araw ang lumipas at tumahimik ang buhay ni Anne. Pinatay nito ang cellphone at hindi pumasok sa paaralan ng ilang araw.


Isang araw at narinig niyang nariyan si Jayson sa kanilang gate at gusto siyang makausap.


"Anne, may tao sa labas. Jayson daw ang pangalan. Papapasukin ko ba?" sambit ng kanyang ina.


Dahil sa sobrang galit ay sinabi nitong "Sabihin nyo ho wala ako. Pumunta ng probinsya."


Agad naman itong sinunod ng ina ni Anne at sumilip sa bintana at sinabi sa binta na wala doon ang hinahanap niya.  Umalis si Jayson na hindi man lang nakapagpaliwanag. Sinubukan din nya itong tawagan ngunit patay talaga ang cellphone ng dalaga.


Isang umaga. Habang kumakain si Anne at nanunood ng umagang balita ay nagimbal ito sa narinig.


"Isang lalaking nakahandusay sa kalsada ang natagpuan duguan malapit sa isang unibersidad. Ang report di umano ng mga nakasaksi ay huli nila itong nakita at sumisigaw na, "Hindi nyo na ako kayang takutin at hindi nyo ako mapipiglan!" Habang pinagtutulungan ng apat na lalaki. Isinugod ito sa pinakamalapit na ospital. Walang malay."


Kinabahan si Anne. Nabitawan ang basong hawak. Mas lalo syang nagimbal sa huling narinig.


"Nakilala ang biktima sa pangalang Jayson Dela Cruz. Isang estudyante sa isang unibersidad malapit sa pinangyarihan ng krimen."



Itutuloy...



Hindi mo ba naumpisahan ang Pagsisisi? Narito at basahin ang Unang Yugto.

Thursday, December 15, 2011

Bagsak

Boy: Sana ulan ka at lupa na lang ako.


Girl: Bakit?


Boy: Para kahit gaano kalakas ang patak mo, sa akin pa rin ang bagsak mo.


Ibagsak na yan!

Tuesday, December 13, 2011

Pagsisisi (Unang Yugto)

Si Jayson, isang matalinong estudyante at may pagkamatahimik at hindi mahilig sa barkada. Si Anne, isang napakagandang dalaga na campus crush ng eskwelahan. Nagsimula ang kwento ng kanilang pag-iibigan. Ang pag-iibigan na handang ialay ang sariling buhay para sa minamahal.


"Jayson!" isang malakas na sigaw mula kay Anne sa gitna ng kanilang unibersidad.

"Huy Jayson!. Bingi ka ba? Jayson!"

Nilingon naman ito ni Jayson at sinabing. "Ako ba ang tinatawag mo?"

"May iba pa bang Jayson dito? Malamang ikaw lang diba?"

Parang tangang lumingon lingon pa si Jayson sa ikod at sa kanyang gilid tsaka sinabi sa sariling, "Ako nga lang."

Friday, December 9, 2011

Stapler Ka Ba?

Boy: Stapler ka ba?


Girl: Bakit?


Boy: Papel kasi ako.


Girl: Eh ano naman?


Boy: Handa kasi akong masaktan, magkadikit lang tayo!






Hahaha. Saktan na yan!

Wednesday, December 7, 2011

Pasada

Gigising sa umaga ng madilim pa ang kalasada
Pandesal at Kape, yan ang aking pang-umaga
Ipon kong barya aking ng ihahanda
Handa na sa pasada, barya barya lang po sa umaga.

Unang biyahe tara na
Estudyante ang sakay, napuno kami nitong umaga
Bayad ho, makiki-abot nga
Estudyante ho, isa lang at bababa na.

Tuloy tuloy ang biyahe at sila'y nagsibaba
Bagong sakay na pasahero puro ata matataba
Pasok lang ho dalawa pa sa kaliwa
Upong otso lang ho upang tayo'y makalarga.

Diretso ang biyahe trapik ang problema
Bumper to Bumper, Hala may banggaan ba?
Pagdating sa kanto isa lang ang nakita
Ilaw trapiko, ito pala ang may sala.

Yung mga walang bayad mag-abot na
Kilala ko kayong makakapal ang mukha
Kunwari mag-aabot, sa bayad ng iba
Lumang style na yan, di na yan uubra.

Sandali lang ho at tayo'y magpapagasolina
Baka biglang tumirik kayo rin ang mamomoblema
Isang daan nga pakibilsan mo lang bata
At nakasimangot na ang aking mga pasaherong,
Ma-lalate na ngayon umaga.

Hanggang dito na lang ho tayo pwede nang bumaba
Isa isa lang ho at baka maipit ninyo ang matatanda
Watch you steps ika nga
Salamat ho sa pagsakay hanggang sa muli nating pagkikita.

Iyan ang buhay namin sa kalsada, mahirap na masaya
Marungis man sa buong araw, ikinararangal naman diba?
Yan ang buhay pasada, buhay ng mga dukha
Hanap buhay para lang sa pagtataguyod ng aming mga pamilya.



©NotbukniLhan 



Ito ang aking entry sa The Gasoline Dude's Blogversary Writing Contest. I want to win 1T Portable hard Drive.


Monday, December 5, 2011

Bayabas Ka Ba?

Boy: Bayabas ka ba?


Girl: Bakit?


Boy: Kasi ako si Juan Tamad.


Girl: Bakit?


Boy: Kasi Inaantay kitang mahulog sa akin.



Cheezyyyy! Hahahaha..

Sunday, December 4, 2011

Ang Aking Mga Nominado sa TABA Awards




















Oo, tama ka nang nababasa, nagbabalik na naman ang taunang The Annual Kalsada Blog Awards or TABA sa pag-oorganisa ni kaibigang Zyra.

Hmmm,  noong nakaraang taon eh natuwa naman ako kasi ako daw ang nagwagi sa Most Active Blogger para sa Blog Category. Ewan ko nga ba, basta sinipag ako noon eh. Hahaha. Pero ngayon medyo tinamad kaya alam ko para sa iba naman tong titulo na ito. 


Kaya naman bago pa ang lahat ay narito na rin ang aking mga nominado para sa nasabing patimpalak:


Most Active Blogger of the Year (Blog Category) - Syempre wala ng iba kundi itong si Bino ng Damuhan na. Nasawata ko kasi sa kanya ang titulo nito last year. Ewan ko nga ba dito bakit ako ang pinapaboto nya. Malamang wala daw kasi pang premyo dati at ngayon mukhang pinagipunan na ni Zyra ang papremyo. Hahaha. Kelangan ko pa bang sabihin bakit sya ang Most Active? Sige magbasa ka na lang ng mga blogs nya. Hahaha..

Best English Blogger of the Year - Si Leah rin ng IamSuperLeah. Bakit? Syempre Friend ko yan. Kahit 1 time pa lang nagkita ^^

Pinakafashionistang Blogger of the Year - si Karen  ng Karenade

Photoblogger of the Year - Xander naman  ng A Boy Named Xander. Last year Master Pogi yan ^^ hehehe..

Pinaka-bibong Blogger of the Year - si Tolits ng The Backpack man

Best Blog Design - si Jhiegzh ng Opinyoneyted

Most Promising Blogger -  Si Hanah ng  Notebook ni Hanah.

At yan sila, hehehe. konti lang yung category kaya yan lang ang nainominate ko. Sana manalo sila. ^^


 

Tuesday, November 29, 2011

Next Time

Isang usapang ng Linggo ng umaga sa isang opisina. Naguusap ang dalawang magkasama sa trabaho.

Boy 1: Ang init noh? Magswiming kaya tayo?
Boy 2: Tara. Kelan?

Boy 1: Bukas. Off ko.
Boy 2: Ako din off ko bukas hanggang sa December 1.

Boy 1: Ang haba ha. Tara sige swiing tayo. Gusto ko na ding magswiming eh.
Boy 2: Ay di pala pwede bukas.

Boy 1: Bakit?
Boy 2: Sarado bukas yun. Cleaning time nila ang lunes. Martes tayo magswiming.

Boy 1: Ok cge. Sa martes tayo. Magpapaload ako itetext kita ha. Magreply ka.
Boy 2: Oo cge! Hehehe.


Lunes ng gabi. Nagpapahinga si Boy 2 ng biglang nagtext si Boy 1. At heto ang naging paguusap.

Friday, November 25, 2011

Ang Mga Babae Bow

1. Moody unang una. Inborn na sa mga babaeng to. Kung badtrip sila, wag ...niyo nang sasabayan. Siguradong gugulo ang mundo nyo.

2. Pag sinabi naming nagtatampo sila, lambing lang and katapat for sure. Yung salitang tampo, way lang nila yun para sabihing lambingin natin sila. Konting I love you lang natin yan guys, okay na sila.

3. Gusto nila yung palagi silang kino-compliment: Pag may bago sa itsura nila, gusto nyang pinapansin natin sila. Kasi nakakataas ng self-confidence nila yun.

4. Pag napansin niyong naging sersyoso yung mga text nila, may mali: sigurado yan. Kapag ganun, malamang may nagawa tayong di nila nagustuhan. Kaya be alert guys. Kapag sinabe nilang wala, meron talaga. Nahihiya lang sila. Kaya pilitin natin silang sabihin. At pagtapos nilang masabi, konting lambing lang. Back to normal na ulit.

5. Selosa sila. Kaya iwasan nating makipag harutan sa ibang girls. Lalo na sa harapan nila. Pero may ibang babae na tahimik lang kung mag-selos. Inoobserabahan lang tayo. Pero kapag napuno, simula na ng away.

Tuesday, November 22, 2011

Tulong, Tulong Po!

Noong nakaraang linggo nagposts ako ng gender ng baby ko pero binitin ko kayo sa kung ano talaga ang sagot. May mga nagsabing girl, meron din namang boy at ang pinaka malupit ay may nagsabing baka kambal din daw.


Hahaha. Natawa ko sa mga nagcomment pero syempre inaabanagan ko ang mga comment nyo na nabitin kayo sa post ko.


Kaya, heto na. Sasabihin ko na. Excited na nga kong ipaalam sa lahat eh. 


Na ang aming first baby...


Ay isang.. 


Baby...


GIRL!


Yup, you read it right. Isang girl ang panganay ko (panganay kasi alam ko may susunod pa hahaha). Sabi nila pag girl daw ang panganay eh chickboy ang tatay? Totoo ba un?


Ayun, napatunayan kong mali sila, kasi di naman ako chickboy hahaha. Di ba Mhay? Hahaha.


At ngayon sa ikalawang pagkakataon, hihingi na naman ako ng isang pabor sa inyong lahat ng napadaan dito sa blog ko at nakibasa.


Pa-Suggest naman ng magandang name sa aking baby girl. Any suggestion of the name will be appreciated. Nakakahiya kasi wala naman akong pangpapremnyo. Pangako sa susunod meron na. Hahaha. Maraming Salamat na lamang po munaang maigaganti ko.


Eto ang aming kumpletong pangalan na pwedeng pagkuhanan. Kung paghahaluin nyo lang naman. At kung  may naisip lang kayo out of the blue is mas magiging ok pa rin.

Rholand Fullante Matias - May Badaguas Factor-Matias


As much as gusto rin sana namin ay letter "R" or "M" nagsisimula. ^^


Muli Maraming Salamat po!

Sunday, November 20, 2011

Ang Gender Ni Baby

Lakad ng konti ng may biglang makakakitang kakilala, sabay sabing "Lalaki yan."
 

Mapapalingon sa isang kakilala at bigla na lang makakarinig ng "Babae yan."
 
 
Kumakain ka sabay bigal kang tatawaging "Lalaki yan."
 
Kulang na lang pati sa panaginip may magsabi na "lalaki oh babae yan."


Dameng nanghuhula, dameng gustong bumida. Minsan natatawa na lang ako kasi buti pa sila nalalaman nila agad at madaling nakakapagsalita kung ano ang gender ni baby.


"Babae"


"Lalake"


"Babae"


"Lalake"


"Babae"


"Lalake"


Nakakatuwa naman minsan kasi kung iba iba sila ng pananaw. 


"Babae yan kasi blooming ka."


"Lalaki yan kasi pinahihirapan ka."


"Babae yan kasi lapad ang tiyan mo."


"Lalaki yan kasi maitim na ang kili-kili mo."

 
Dami noh? Di mo malaman kung sino ang totoo. Pero oh, sya sya tama na ang hula. Narito na ang inaatay ninyong lahat.

 
Ang aking anak ay isang....
 
 
 
 
 
 
sundan sa susunod... ^^  (magpapasuggest ulit ako ng magandang name). 





Wednesday, November 16, 2011

Luma

Halika alis tayo. 
Saan tayo patutungo? 
Kahit saan, kung saan mo gusto. 
Ayoko napapagod ako.

Halika laro tayo.
Anung lalaruin natin?
Kahit ano, tulad ng dati, yung paborito mo.
Teka teka, may gagawin pa pala ako.

Tuesday, November 15, 2011

Kaya Pala Nanalo Si Pacquiao, Eto Huling Huli Ng Mga Hurado



Ngayon alam ko na kung bakit nanakit ang binti ni Pacman sa laban niya kay Marquez noong linggo. Ikaw ba namang tapak tapakan ang paa mo habang nakikipagbugbugan ka dba? Marquez, alam mo kung ano ang ginawa mo kaya ka natalo (Marquez you know what did you do that's why you've lost).

Gusto mo ng magandang laban, lumaro ka ng magandang laban hindi yung nanadadaya ka pa. Kaya di ka nanalo kahit sa tingin ng maraming Mexicans (syempre) ay nanalo ka.

Manny is an honest player, a future Hall of Fame. And hindi mo magagawa kung ano ang mga napatunayan nya. Gusto mo lang patunayan na matatagalan mo sya sa laban, yun lang. Pero ang talunin sya. Hinding hindi mo magagawa.

Natuto ka bang mandaya dahil sa huli mong nakalabang mandaraya na si Floyd Gayweather? Nice try, pero di sapat. Sana dalawang paa na agad tinapakan mo. Hahaha.

You loose!

Friday, November 11, 2011

Muntik Ko Ng Makalimutan, Maligayang Karawan Notbuk ni Lhan!






















Muntik ko ng makalimutan. Birthday na pala ng notbuk ni lhan. Isang taong pagkukuwento, isang taon pagsakit ng ulo dahil sa pag iisip ng magagandang post.

May mga times na tinamad na akong magpost, halos makalimutan ko ng may notbuk ni lhan nga pala ako. Pero sa kabila ng yun ay di pa rin kita makakalimutan.

Kwento ng tawanan, kwento ng galit, kwentong kakaiba at kwentong minsan ay wala lang. Ano pa bang di ko naisulat? Marami pa siguro, kaya hanggad ko ay tumagal ka pa, humba at magsipag pa ako. 

Anim na buwan na rin ata ng simulan kitang gawing dot com, na sa tulong na rin ng isang mabuting kaibigang bloggero kaya natupad ang pangarap mo. Ilang buwan na rin ng maaproved din ako sa paid ads at malaki ang naitutulong mo sa paglaki ng kita ko.

Sikat ka na ba? Oh sikat sikatan lang? Ewan ko, basta ako kahit walang bumasa sayo susulatan pa kita. Wag kang mag-alala, hinding hindi pa rin kita pababayaan. Nandito pa rin ako. Tinatamad man minsan, pero tandaan mo, ako ang gumawa sayo at ako lang ang may karapatang ihinto ang katulad mo.

Sa ngayon, magpatuloy tayo. Masaya kasi kahit minsan ako lang ang kausap mo. Kaya tara, sulat ako, basa tayo!


Maligayang kaarawan NOTBUK NI LHAN! (November 7, 2010)

Tuesday, November 8, 2011

Majayjay Experience

Ito ang aking ikalawang pagkakataon na umakyat ng bundok. Una ay yung sa Famy Laguna noong nakaraang taon buwan ng Hulyo.

First time namin yun, kasama ko ang ilang ka officemate ko at ang ibang mga mountaineer na beterano na ata sa pagakyat dahil sa mga gamit na dala dala nila.

Wala pa kaming ka-experience experience noon sa pagakyat ng bundok kahit na naturuan na kami sa opisina nang basic mountaineering course.

Hala bili ng mga gamit, hiram ng ganito, hiram kung kani-kanino kapag wala ng pang bili or medyo mahal para bilhin.

All in all naging masaya ang maganda ang unang pag akyat kaya naman ngayon ikalawang pagkakataon ay medyo alam na namin kung ano ang dapat dalhin at paano ito bibitbitin.

Team building na rin ito namin sa opisina, bagamat hindi pwedeng walang maiwang tao sa opisina ay nagawan parin ito ng paraan kung saan ay hinati kami sa dalawang batch. First batch yung iba at second batch na kami na may isang linggo lang din ang pagitan.

Masaya ang naging bonding naming magkakasama sa trabaho. Puro saya, tawanan, inuman, kantahan, pagod, labasan ng mga pick up lines at iba pa.

Sa aming pag-alis ay balot ng kaba. Paano ba naman di kababahan eh ang lakas ng ulan maghapon hanggang sa dumating kami sa site.

















Monday, November 7, 2011

Pa Link Ulit Mga Ka-Blog!

Ipagpaumanhin nyo po sana na sa di sinasadyang pagkakataon ay aking naburo ang listahan ng mga blog links ko.

Ewan ko ba nagbago kasi ako ng template at hanggang sa ngayon ay hindi ko pa rin natatapos ang header ko. hahaha.

Sa mga nakalink sa akin dati na wala pa sa link ko sa side bar, maari po lamang na magkumento dito at ilagay ang inyong mga links para maisama ko.


Maraming salamat at pasensya na ulit.

Sunday, October 30, 2011

Marami Pong Salamat

Marami pong salamat sa lahat ng mga nakaalala at bumati sa aking kaarawan.  Sa mga kamag anak, ka-officemates, dating katrabaho, mga kaibigan, kabatch, ka school mate, bestfriends, tropa , kabloggers, kafacebook at mga mahal sa buhay! 


Maraming maraming salamat po sa pag-alala sa aking ika 27 kaarawan. Thanks Lord for a new year of my life!


Friday, October 21, 2011

Maraming Salamat Sa Mga Susuporta Sa Aking Entry Sa Saranggola Blog Awards

Mga Friends, Relatives, Clasmates, Schoolmates, Officemates, Church friends... Pa LIKE naman po ang aking entry sa SARANGGOLA BLOG AWARDS. nasa link na ito ang and taking TULANG entry at ang LIKE button, at kung nagustuhan ninyo ang aking tula. pasupport po sana..

























"Laruan ng Ating Kabataan"
Kategorya : Tula
blogger : Rholand Matias
blog : Notbuk ni Lhan

 Maraming salamat po!

Sunday, October 16, 2011

Noynoy and Bong Bong Text Exchange


















BONGBONG: can we talk?
NOYNOY: who you?
BONGBONG: kapal mo! you deleted my number na?
NOYNOY: kupal ka pala eh. sino ka ba?
BONGBONG: gago! senator BONGBONG here.
NOYNOY: tae ka! why would i have your #?

BONGBONG: di ka ba talaga pwedeng makausap nang matino?
NOYNOY: di tayo close, you know that!
BONGBONG: ulol! we have a lot of things in common, tandaan mo ‘yan.
NOYNOY: magkaiba tayo.

BONGBONG: ‘di ah! pangalan pa lang natin, pareho na! bong-bong! noy-noy!
NOYNOY: tanga! anong pareho dun!? magkaiba ‘yon. ferdinand ka, benigno ako.
BONGBONG: see? kapangalan pa natin ang ating mga ama.
NOYNOY: bobo! junior ka, the third ako. malaki ang difference no’n.

BONGBONG: pati sa mga kapatid natin, may similarity tayo. ‘yong panganay naming si ate IMEE: saksakan nang ‘tigas ng ulo noong dalaga. kapag nagustuhan ang lalaki, nagrerebelde.
NOYNOY: sira! hindi ganun ang panganay naming si ate ballsy.
BONGBONG: ha-ha-ha! sinong may sabing si ballsy ang tinutukoy ko?
NOYNOY: huwag mong idamay si viel, tahimik ‘yon.
BONGBONG: sige na nga. regards na lang kay kris. joke!
NOYNOY: namemersonal ka na!
BONGBONG: ikaw ang nagsimula!

NOYNOY: fault ko pa? sino bang sumisira sa diwa ng edsa? singapore your face! I’ve got two words for you: “martial law!”
BONGBONG: ah gano’n? babalikan na naman natin ang nakaraan? do not provoke me!
NOYNOY: really? here’s another: “marcos cronies!”
BONGBONG: pakyu ka! “kamag-anak incorporated!”

NOYNOY: “plaza miranda bombing!”
BONGBONG: “mendiola massacre!” hoy! wala kang alam sa history! si joma sison ang nambomba sa plaza miranda! ‘yon ang nasa libro ni ka jovy salonga!
NOYNOY: ah basta!
BONGBONG: ha-ha-ha naubusan ka na ng bala!

NOYNOY: noong panahon ng tatay mo, walang freedom of the press!
BONGBONG: noong panahon ng nanay mo, walang kuryente!

NOYNOY: marcos billions sa europa!
BONGBONG: whatever! hacienda luisita!
NOYNOY: engot! in five years, ipapamahagi na namin ‘yon!
BONGBONG: i don’t believe you! gawin mo muna!

NOYNOY: wala ka na sa Bagong Lipunan. wake up!
BONGBONG: wala ka na sa poder ng nanay mo, grow up!

NOYNOY: teka nga! bakit ka ba text nang text?
BONGBONG: eh bakit reply ka nang reply?
NOYNOY: ano ba talagang gusto mo?
BONGBONG: simple lang, state funeral and an honorable burial para sa aking tatay sa Libingan ng mga Bayani.

NOYNOY: that’s not for me to decide.
BONGBONG: i’m not surprised.
NOYNOY: what do you mean?
BONGBONG: wushuuu! aminin mo, hindi naman talaga ikaw ang nagdedecide sa government kundi ang mga taong nakapaligid sa ‘yo eh!

NOYNOY: that’s democracy.
BONGBONG: that’s weakness.

NOYNOY: hindi ako diktador!
BONGBONG: oops, i’m sorry mr. symbolic president.
NOYNOY: sumusobra ka na! ang pagiging sobra ang dahilan kung bakit kayo pinalayas ng people power sa edsa. you’re way out of line!

BONGBONG: out of line??? no! we’re so back! isa sa senado, isa sa kamara at isang gobernadora.
NOYNOY: WALANG STATE BURIAL!
BONGBONG: ha-ha-ha, now you’re talking! fine!

NOYNOY: tapusin na natin ‘tong usapang ‘to. stop txting me!
BONGBONG: agad? i’m just warming up.
NOYNOY: maghanap ka ng kausap mo.
BONGBONG: may ipapakilala akong chick. 25 lang. maputi, mahilig sa jazz music.
NOYNOY: huwag mo akong daanin sa babae. sa dami ng problema ng bansa these days, women are the least of my concerns.
BONGBONG: talaga? ok. fine. bye!
NOYNOY: sandali lang!!! chinita ba?

Silence.. (Note: BONGBONG Marcos didn’t reply. An aide said, “Na-check operator services po si Sir.”)



shared from facebook

Monday, October 10, 2011

Damuhan's Blogger Of The Year

























At dahil dyan sa munitng pakulo ni Bino ng Damuhan, heto at magpopromote ako para sa aking kampanya. Di ko naman sineseryoso di ba? hahaha. Plugging na rin to sa Iba't ibang mga bloggers na nafeatured sa Hot Seat ng Damuhan na tunay namang napaganda at napakagaling ng lahat. 

Maaari pong bumoto ng multiple votes sa side bar ng Damuhan at maari ring mag kumento at bumoto ng maximum of 3 rin sa comments form. 

Hinihingi ko po ang inyong suporta kunghindi man po sa akin ay dun sa mga tao (bloggers) na gusto nyong iboto. 
Maraming salamat po!


Narito ang kumpletong listahan ng mga Finalists.

The Finalists:

  1. Zyra of Adodcespresso
  2. Bon of Boni Station
  3. Jason of JezonHamster
  4. Goyo: The Birthday Boy
  5. Lhan Matias of Notbuk ni Lhan
  6. Rialyn Diaz of When I learned How to Write
  7. Steph of Traveliztera
  8. Salbe of Salbehe.com
  9. Madz of M(.)(.)D Swings 
  10. Jaypee David of Enjayneer.Com
  11. Joel of Bulakbolero.com
  12. Moks of Engrmoks.com
  13. Dahn of Dahnjacob.com
  14. Yow of Its Yow Time 
  15. Jkul of Jkulisap.com
  16. Leah of  New Life Leah
  17. Xander of Aboynamedxander
  18. Anthony Carlo aka Supladong Office Boy
  19. Ro Anne of IheartRoanne.com
  20. Kikilabotz of Inosentepapalaako
  21. Daddy Kuri of Domesticated Diaries
  22. Gelo of Khantotantra   
  23. Joel of BatangMangyan
Para sa lehitimong pagboto, pumunta lamang sa site ng Damuhan para sa kumpletong detalye.


Friday, October 7, 2011

Ang Kwento Ni DOTA laban kay GF

Minsan ko nang naikwento ko dito sa aking notbuk ang DOTA. Na kung pano naging magkaaway na mortal ang DOTA at GF. Natawa ka ba? Nakarelate? Ewan ko, sa akin kasi di naging hadlang ang DOTA na to sa karelasyon ko. Tignan mo sa ngayon nagdoDOTA pa rin ako kahit may asawa na ko. Time management lang naman kasi yan eh. May tamang oras, may tamang panahon at timing para dito. Alamin kung ano ang mas importante. Alamin kung anu ang mas matimbang.

Kaya heto, may may mga katanungan na namang ibabato sa inyo mga parekoy. Kayo na ang sumagot.

Si Dota Nagiisa lang sa Mundo,
Si GF napakarami nyan..

Si GF iiwanan ka din nyan,
Si Dota hindi.
...
Si GF nagagalit pag NagdoDota ka,
Si Dota hindi nagagalit pag nag-GF ka.

Si Dota bente pesos lang ok na,
Si GF baka 200pesos kulang pa..

Pag nakakita ka ng ibang Hero
di nagagalit si Dota,
pero pag nakakita ka ng ibang Babae nagagalit si GF.

Si GF pag iniwan mo mahirap ng balikan,
Si Dota pag iniwan mo handa ka paren tanggapin..

Ano
Mas gusto mo?

--Dota o GF?


Ano? Nasagot mo na ba?

Tuesday, October 4, 2011

Laruan Ng Ating Kabataan

Napakasayang maalala ang ating kabataan
Mga ala-alang hindi maipagpapalit hanggang kamatayan
Tumbang preso, patintero, habulan at taguan
Iilan lamang sa mga paborito ko na di pagsasawaan.


Una kong natutunan ang mga laro sa may labasan
Pawisan, putik-putik at puro dumi ang katawan
Sa hapon, pagagalitan, tapos diretso na sa hugasan
Tapos sabay kakain, sabay-sabay kami sa hapag kainan.


Kinabukasan pareho lang ang kahahantungan
Kung pagod kana, ilabas mo naman ang iyong mga Laruan
Teks, Goma, Pog, Holen at mga tau-tauhan
Padamihan, labanan, ubusan na ng laruang kayamanan.


Walang humpay ang paglalaro hanggang sa ating eskwelahan
Iipunin ang baon makabili lang ng usong laruan
Laro na naman, asam asam na manalo sa laban
Pero pag natalo, naubos na...
kawawang maghihintay nalang sa huli na mabalatuhan.


Oh laruan, napakahenyo at tunay pinag-isipan.
Hindi lang pang bata usong-uso rin sa mga magulang.
Pinaka da best, wala itong pinipili na sinuman
Mapasaya, Mapangiti, Mag-enjoy, ito ang kahulugan ng mga LARUAN.


Monday, October 3, 2011

Mangarap sa Dalampasigan

Ang imaheng nasa ibaba ay isang entry para sa pacontest ng bloggerong si bulakbulero.





















(Panglao Beach, Bohol Philippines.)


Doon, sa Dalampasigan kung saan nabuo ang aming mga Pangarap.

Thursday, September 8, 2011

Gerry Chua : "Ibalik natin sa ibang tao ang mga biyayang natatanggap natin. Naniniwala ako sa Good Karma."

Nakakatuwa ang nagyari kahapon. Isang nakakinspire na tao ang nagbahagi sa amin ng kanyang karanasan. 

Pamilya, kaibigan, kamag-anak, negosyo at marami pang iba pa siyang naikwento. Kilala nyo ba ang sikat na "Eng Bee Tin" sa may Binondo Maynila? Kung oo, tunay ngang masarap ang kanilang mga produkto. Alam mo kasi eh.

Kung hindi naman, siguro ay hindi natin panahon ito. Ako mismo hindi ko ito alam. Hindi naman kasi ako namulat sa lugar ng Binondo. Hindi rin kami kumakain ng Hopia palagi. Masarap din naman ang Hopia pero kumakain lang ako nito kapag merong nakahain oh di kaya ay merong nagbigay.

Isang tipikal na araw naman kahapon, araw ng mireykules at busy ang aming opisina sa nalalapit nitong ika-5 taong anibersaryo. Edit dito, Edit doon. Busy ang inyong linkod sa pagawa ng mga designs ng mga mugs na pinagagawa ng mga magiging sponsors sa amin.

Tuesday, September 6, 2011

Oh Pako, Ang Hirap Mong Madaanan

Una kitang nagisnan ng ayusin ang bahay
Bitbit bitbit ni Manong, na Pilak ang kulay,

Pukpok dito, pukpok doon, walang tigil ang ingay
Sapagkat kailangan, Maging matatag at matibay,

May De Uno, De Dos, De Tres yari itong iyong haba
Pang bakya at pang kongkreto, lahat yan ay kayang-kaya,


Tuesday, August 30, 2011

Duyan Ng Kapahamakan

Kay sarap nga namang ng pakiramdam ng isang ama habang bitbit bitbit ang anak habang pinapasyal ito. Ihehele kapag inaantok at padededeen kapag ito'y nagugutom. 

Sa tuwing maiisip ko ang mga ito ay di ko maiwasang maeksayt sa susunod na taon. Taon ng paglabas ng unang baby namin ng wifey ko. 

Nakakaeksayt diba? 

Parang ngayon pa nga lang gusto ko ng bumili ng mga gamit nya. Mga damit, sapatos, shorts, pants, laruan at iba pa na magagamit niya.

Pero di pa pwede, masyado pang maaga. Di pa nga namin alam kung babae oh lalake eh. Hehehe. Eksayted lang pasensya naman. 

Ganito talaga siguro ang pakiramdam ng magiging ama oh isang magulang. Nakakatuwa. Di ko na maipaliwanag pa.

Wala na sanang gaganda pa kung ganito ang isang magulang sa kanyang anak. Pero nitong nakaraang araw ay medyo nalungkot ako at natakot sa aking nakita.

Isa na namang kuwento sa jeep. Nung nakaraan naikwento ko dito sa aking notbuk ang isang mamang lasing na gugulong gulong. Heto na naman ngayon at mayroon na naman akong isang eksperyensa na hindi ko malilimutan.

Maluwag ang jeep pagsakay ko, sabado kasi noon at syempre walang pasok. Walang trapik, mabilis sumakay ng jeep.

Biyaheng C5 na naman ako papuntang Guadalupe para sunduin ang aking wifey. Gusto kong sumakay talaga sa unahan ng jeep. Bukod sa hindi ka na magaabot ng mga bayad ay hindi ka na rin kailangan makipagsiksikan sa mga katabi mo.

Kumbaga, sulit ang otso pesos sa pag-upo mo. 

Sa harap sana ako sasakay sa isang jeep na nakaabang. Pero napansin kong may naunang sasakay sana pero hindi na siya nakasakay at pinalipat na lang sa likod. 

So hindi na ko nagpilit sa unahan, kasi baka may nakareserve na doon oh di kaya ay doon sasakay ang nagkokonduktor sa oras na yun.

Biyahe ag jeep at napansin kong medyo malayo malyo na kami pero wala ni isang nakasakay sa unahan. 

Bumaba ang iba at sumakay na rin ang iba pero nanantiling bakante ang unahan. Di na ko nakatiis at medyo lumapit ako sa harapan ng may iilang bumaba.

Nagulat ako sa aking nakita. 

Ano toh? DUYAN?! Sa sobrang gulat ko ay tinitigan ko pa ng husto at niyuko kung anung meron doon.

























BATA! Isang batang wala pang isang taon na mahimbing na natutulog at nasupsop sa kanyang dede. 

Naawa ako sa bata, sa gitna ng mabilis na pagpapandar ng driver, mausok na kalsada, at tagtag na daan ay naaatim niyang isama pa ang kanyang anak.
Siguro ay walang magbabantay, walang pwedeng mapagiwanan. At kung hindi papasada si tatay ay wala namang mapapangbili ng gatas.

Tama ang intensyon pero kalusugan at kaligtasan ng bata ang nakasalalay. Ang hirap. Nakakaawa. 

Nang malapit na kong bumaba ay nakita kong umiyak ang bata. Tinapik tapik ng driver ang paa para makatulog ulit pero hindi na. Kinarga nito ang bata sa kaliwang kamay habang ang kanang kamay ayt uloy na  nagdrive.

Mula ng bumaba na ko ay sila pa rin ang iniisip ko. Nasabi ko sa sarili ko na kahit kelan, di ko ilalagay sa kapahamakan ang kalusugan at kaligtasan ng anak ko. Hindi ako magiging ganoon.



Monday, August 22, 2011

Gulong Manong Gulong

"San ho kayo?!" Eto ang malakas na boses na narinig ko kanina habang nasa jeep ako. 


Agad ko itong nilingon. May mamang sumasakay. Gegewang gewang. Ini-angat ang isang paa at humawak sa estribo upang umakyat sa sinsakyan kong jeep.


Muntik pang malaglag dahil tipong ayaw sanang pasakayin ng driver ang mamang lasing. Walang nagawa ang driver. Dahil may bumaba, nakasakay pa rin ang lasing.


Lingon lahat ng pasahero, syempre lasing eh at baka may gawing di maganda. Maganda ang alerto. Maski ako tinititigan ko sya. Halos puro babae ang kasakay ko at may katabi kasi syang babae .Baka kung anung gawin nya kaya mabuti na ang handa.


Umandar ang jeep, nagbabaan ang iba, sumakay ang iba. Baba sakay, baba sakay. Parang ako na lang ang hindi pa bumababa ah. 

Friday, August 12, 2011

My Baby's Name, Help!

Naglibot libot ako nung nakaraan araw sa mga blogs ng aking mga bloggerong kaibigan. Napadpad ako dito kay Xander na nagkukuwento tungkol sa kanyang pangalan. Tumingin pa nga ng survey para ipagmalaki ang pangalang dakila.

Alexander the Great pa nga ang unang naisip ko ng mabasa ko ang post nyang yun. Ayos di ba? Dakila ang pangalan ni pareng Xander. Hahaha. Peace!

At dahil doon ay aking napagtanto na "oo nga pala, magkakababy na ako". Naisip ko agad na dapat ay maganda ang pangalang ibibigay ko sa aking anak. Pero di ko pa alam kung boy oh girl, 2 months palang kasing preggy si wifey ko at next week pang nakaschedule ang ultra sound.

Saturday, August 6, 2011

Christpher Lao ; "Hindi AKo Nainformed!


Ang bidyo ng paglutang ng sasakyan ni Christopher Lao na nag trending sa social media sites. Maraming nainis sa pagkaarogante niya, maraming nagsalita ng masama laban sa kanya.

Kayo na lang ang humusga, blaming other's on your own fault? Not the wisest thing to do.n Tsk tsk tsk.

Sana next time yung pagka-arogante inilalagay sa lugar, hindi yung kasalanan mo na ibabato mo pa sa iba.

Hay naku...

Wednesday, August 3, 2011

Hindi Magandang Karanasan Mula Sa Isang Taxi Driver

Maulan na araw ang buong maghapon, pero di ito alintana dahil may nakaschedule kaming mga lakad ni Mhay dahil off duty namng dalawa. 

Una ay ihahatid namin sa aking kapatid ang isa naming regalong kalan na natanggap namin noong kasal. Dahil 2 naman ang natanggap namin ay ipinaubaya na namin ang isa kasi bagong lipat lang ito ng bahay at nagsisimulang magipon ng mga gamit. 

Pagkatapos namin ibigay ay bibili na rin kami ng tanke ng kalan at mga accesories nito para naman sa aming kusina.

Ikalawa sa plano ang pagpunta sa isang mall upang bilhin ang nauna na naming nakitang sale na washing machine noong isang araw. Yaman!

Matindi ang buhos ng ulan, pagkarating na pagkarating pa lang namin ay ibinigay ko na agad ang kalan kay mama at agad na dumeretso sa bilihan ng tanke. Malapit lang kasi doon kaya dun ko na naisip bumili.

Canvass dito, canvass doon hanggang sa mapagdisisyunan ko ng bilhin ito. Pagkatapos magbayad ay agad na kong dumiretso sa bahay at iniwan muna ang tangke dahil susunduiin ko muna si Mhay sa bahay para diretso na kaming papara ng taxi at dala na ang tangke ng kalan pauwi.

Di naman kami nahirapang pumara ng taxi, heto agad si manong at agad na huminto sa isang kaway ko lamang. 

At dito nagsimula ang pangyayaring di namin inaasahan.

Saturday, July 30, 2011

Champions Again

Wew, akala ko hindi kami mananalo this year. Pero hindi pala, akala ko ang pala yun, nagkulang lang ako sa tiwala sa sarili at sa mga kasama.

Pero kahit ganun pa man, nanatili pa rin ang aming pagiging kampeon sa larangan ito at muli namin napatunayan na kami pa rin ang nangunguna.

Maraming maraming salamat sa mga naging kasama namin katulad ng Mandaluyong City na ikatlong beses na naming nakasama sa kumpetisyong ito at ang mga bagong kasamang Pasig, Caloocan, Quezon.

Kasama rin dito ang mga hospitals tulad ng NCMH (National Center for Mental Health), Tala Hospital, Amang Rodriguez Hospitals at Jose Reyes Memorial Hospital.

At dahil dyan syempre eto ang ilan naming mga pics.

Wednesday, July 27, 2011

Bukas Na!

Bukas na, may halong kaba at eksaytment ang nararamdaman ko at sana tumigil naman na si "Juaning". Isang taon na rin naman ang lumipas simula ng makasali ako dito. Ano yun? Eto lang naman ang taon taon na kumpitisyon na ginaganap sa Metro Manila na "DOH Skills Olympics and Bench markings".

Ang DOH Skills Olympics and Benchmarkings ay nilalahukan ng mga Ospital sa buong Metro Manila at mga Rescue Personnels nito upang maipakita ang kahandaan ng mga ito sa mga sakunang maaring dumating. gaano kahanda ang mga tao pati na rin ang bawat lungsod sa Metro Manila.

Noong 2010 nang una akong sumali sa team makati "Mamamansan" ang grupo namin noon na kinabibilangan ng Makati, Manila, Mandaluyong at San Juan" at sa loob na 3 taon simula noong 2008 ay nagchampion ang aming grupo.

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review