Tuesday, January 4, 2011

Dota Hero: Top 5 Characters Ko



























Balik sa paglalaro muna ko ng online game, at ang kaisa isang online game na nilalaro ko ay ang dota. Ewan ko ba kung bakit kinahiligan ko ang larong ito simula ng matuto ako noong 2006 pa. Mahilig ako sa adventure na mga game, yun bang papalakasin ang mga hero sa pamamgitan ng experience tapos bibili ng mga gamit para lumakas pag nakaipon na ng maraming pera. Pero di ko kinahiligan yung ibang laro, bukod kasi sa magrerent ka na eh bibili ka pa ng load para mag level ka? Ano yun? parang lokahan lang yun para sa akin tapos bandang huli pag malakas na eh mahahack! Ouch! sayang di ba? Yung dota kasi di mo kailangang magload, at iba't ibang mga tao pa ang pwede mong kalabanin. Pwedeng sa pustahan mangyari, pwedeng laro lang pero shop to shop o di kaya eh sa garena na lang maglaro at maghanap ng kalaban. Pwede ding AI (artificial Intelligence) muna ang kalabanin kung magpapraktis lang at naguumisa pa alng na matuto. At dahil sa adik nga ko sa larong ito, palagi ako niloloko ni Mhay na "DOTA oh sya daw?". Pero maswerte ako dahil naiintindihan nya ang aking pagkahilig dito, kung ako nga daw ay may DOTA, sya naman ay may farmville dati at ngayon ay baking life naman sa facebook. At kaya ako nagpost ng ganito ngayon ay upang ipaalam sa inyo ang mga hero o character na paborito kong gamintin or sa madaling salita ay masasabi kong perfect ko na. 

At sila ang mga sumusunod:
1. Mirana (POTM) - Si Mirana ay isang archer na nakasakay sa puting tigre. Paborito ko to dahil sa madame ng skills at madameng pantakas.





















- Una ay ang kayang Pana (Jumong) na kapag tinamaan ka ay siguradong tulog ka.
- Pangalawa ay ang Starfall na combo skill sa Jumong kapag tinamaan ka.
- Ikatlo ay ang Leap na pwedeng gawing pangkas kung ikaw ay nasa kagipitan na o di  kaya ay pang combo rin sa Jumong at Starfall.
- Ikaaapat ay ang Invisible Skill nya. Pangtakas di lang sa sarili kundi pati na rin sa mga kasamang nagigipit.

Mga gamit ko kay Mirana:
- Boots of Travel, Sange Yasha, Linkin Sphere, Satanic, Quiaras

2. Raigor (Earth Shaker) - Si Raigor or ES for short, puro stun naman ang skill niya at mas epektibo kung maraming mga creeps ang kasama ng kalaban para sa kanyang skills.


























- Unang skill ay ang fissure na mas nagiging epektibo kung gagmitin mo bilang pang kulong sa kalaban upang hindi na ito makatakas.
- Ang seond skill niya ay stun ulit na nagpapalakas sa susunod niyang atake. Pang combination ang skill na ito na kaya kang tapusin kung mababa sa 200 ang iyong buhay.
- Ikatlong skill ay passive o hindi nagagamit ngunit nagpapalakas ng damage ng kanyang fissure o ang first skill niya.
- Ikaapat ay ang ultimate skill niya, ang Echo Slam na mas nagiging epektibo kapag bigla kang susulpot sa gitna ng mga kalaban dahil mas marami ang kalaban mas malakas ang damage na magagawa nito.

Mga gamit ko kay Raigor:

- Dagger, Aganims, Arcane Boots, Linkin Sphere, Shiva's Guard

3. Luna (Moon Fang) - Si Luna ay mahahlintulad kay Mirana, pero hindi gumagamit ng pana ngunit sa halip ay nagbabato ng tila shuriken sa kalaban. Mas epektibo si Luna sa 1 on 1 na labanan.



























- Unang skill ay ang Lucent Beam na makakapag stun din ng ilang segundo sa kalaban.
- Ikalawa ay ang Glave na kung saan habang tumataas ang level ng skill na ito ay parameng parame ang tinataam na aabot hanggang sa lima. Kung baga ay nagba bounce ang kanyang tira na pwedeng tamaan hanggang limang kalaban sa malapit sa kanya.
- Ang ikatlo ay passive skill na nagpapataas ng Aura hindi lamang sa sarili kungdi pati sakasama.
- Ang Ikaaat ay ang Eclipse, na kung saan ay lumalakas depende sa level ng skill ng Lucent. Ang kanyang skill na ito ay hindi pwedeng tamaan ng higit sa tatlong beses ang kalaban. Siguradong patay ang kalaban kapag sa 1 on 1 lamang.

Mga gamit ko kay Luna:

- Boots of Travel, Manta Style, Butterfly, Aganims, Satanic, Linkin Sphere


4. Rylai (Crystal Maiden) - ang isang sorsera na gumagamit ng yelo. Pang combo ang hero na ito na kadalasang ginagamit kapag pustahan dahil sa ang last skill nito ay pang lahatan.


























-  Unang skill ay ang Crystal Nova na kung saan ay malakas ang damage at may dagdag pa na pang slow sa kalaban,
- Ikalawa ay ang Frosbite na kung saan ay magyeyelo ang kalaban at pangsamantalang hindi makakagalaw depende sa level nito.
- Ang Brilliance Aura nito ay dagdag ng mana na kailangan upang magamit ka ng skills mo. Walang Mana, walang skill na pwedeng gamitin.
- Freezing Field o ang last skill niya na pwedeng gamitin kung may clash na mangyayari at mas epektibo kung sa 1 on 1 lang.

Mga gamit ko kay Rylai:

- Aganims, Bloodstone, Phase Boots, Black King Bar, Linkin Sphere, Dagger

5. Barathrum (Spirit Breaker)
























- Charge of Darkness ang una nitong skillna kung saan kapag nakacast na ay hahabulin nitoang kalaban hanggang sa maabutan at maiistun ng ilan segundo.
- Empowering Haste ang ikalawa na kung saan madadagdagan ng bilis ng pagalaw si Bara.
- Ikatlo ay ang Great Bash na nagdadagdag ng pang stun kay Bara kapag natamaan ang kalaban. Mas mataas ang level mas mataas ang chance ng bash.
- Nether Strike ay ang ultimate skill nito, pang combination sa Charge na first skill niya at gagamitin ang Nether Strike kapag patakas na ang kalaban upang masundan ito kung saan man magpunta.

Mga gamit ko kay Bara:

- Mask of Death, Quiaras, Phase Boots, Butterfly, Linkin, Tarasque


Iyan ang lima sa mga DOTA hero na paborito kong gamitin, di man maintindihan ng mga di makarelate eh subukan nyo na ring maglaro. Hehehe. Tara laro na tayo!


13 Nakiusyoso sa usapan:

jasonhamster said...

grabe si mirana nakabukaka :))

ako pinaka peborit ko kase si bane elemental sa int,

tapos si jarakal sa agi,

tapos si bane hallow sa str. hoho

benjienious said...

tama!
sa dota ikaw ung naglelevel

uno said...

never ako nglaro online hehheanu ba meron dun hahaha at lahat hook up...

hehhe mahina lng tlga ako pumick up kahit tinuturuan na ako ng sobra sobra...

LhanLhan said...

@ uno - ok lang yan. kanya kanyang taste..
@benjie - minsana laro tayo
@jason hamster - gusto ko din yang mga hero na yan. minsan laro tayo ha.. ^^

Bino said...

namiss ko to'ng dota ah! hehehehe. tagal ko nang di naglalaro ng dota eh. kaya naman miss ko siya. paulit ulit noh?

LhanLhan said...

hehe minsan laro tayo parekoy ^^

riZa jAne said...

hala! ako rin adik ako nyan! bukod sa need for speed underground...

ang gusto ko naman ay sila lina inverse (oo lame) si kael (the invoker), pero ang pina ka paborito ko sa lahat si lion (demon witch) nakaka first blood ako pag siya ginagamit ko!!!wehehe wala lang napadaan lang DotA kasi!...T_T

si kuya batman ang nagturo sa'kin nyan ayoko sana nyan..kaso nakakaadik pala...hehe

Mr. Chan said...

AKo ang paborito ko ay si Rhasta, barathrum, Phantom lancer at Viper. :)

Ang sexy ni Mirana! (haha)

Kamila said...

nnyeh... hindi ako nahilig sa mga ganyan.. siguro yun na ang pinaka-babaeng katangian ko (ngayon ko lang naisip babae din pala ako). haha buti na lang naiintindihan ni Mhay yun.. nakarelate lang ako sa mahahack..may kaibigan kase ako adik sa rohan..bagsak din mundo niya nung nahack account niya... hahahaha x)

melovesflying said...

Hello. I am a graduating student from UP Manila and blog hopping led me here. :) I was wondering if you could answer a survey I made regarding Filipino bloggers. This is for my thesis and answering will only take you a couple of minutes.

http://www.kwiksurveys.com/online-survey.php?surveyID=HLEKII_31745bbc

Confidentiality will be of utmost priority. Answering my survey will be very much appreciated. Thanks! :)

zaidokokey said...

ganda post mo ah...hahaha ako naman paborito kong hero si nevermore,magnus,atropos,axe,crystal maiden.....cge laro muna ako hahaha :))

LhanLhan said...

zaido anu name mo sa garena? parang kilala ko yang ZAIDO na yan ^^

Irvan said...

i like playing dota,
its favorite game on my computer

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review