Tuesday, January 25, 2011

Estudyante Blues























Estudyante, nakakamiss ding mag aral ulit yung tipong manghihingi ulit ako ng baon sa nanay ko. Manghihingi ng pangbili ng project, pangbili ng manila paper, Pentel Pen, illustration board at ng pagkain na ibinebenta ni mam sa loob ng silid. Namimiss ko yung mga tipong paglabas ng eskwelahan ay bibili ng text, jolen, laruan, trumpo at kung ano ano pa na tinda sa labas pa lamang ng gate ng eskwelahan. Grabe, ang bilis ng araw noh? Ngayon eto, nandito ko nagboblog na at nagtatrabaho. Pero ganon talaga ang buhay, lahat ng tao dumadaan sa pagkabata at kasama doon ang pagaaral. Eto inilista ko ang ilan sa mga natatandaan ko na mga uri ng mga estudyante na nakasalamuha ko. Yung iba dyan ako rin pero di naman lahat. Hehehe.


1. Heartrob.Crush ng Bayan - Syempre hindi ako to. Hahaha. Pero syempre di mawawala sa isang seksyon ang mga gwapo at magaganda. Palaging present sa mga intrums, palaging muse at eskort sa loob ng room. Yung tipong ngingiti pa lang eh nagtitilian na yung mga babae at nagkakandarapa naman ang mga lalake. DI ko naranasan to pero syempre naan may nagkakagusto rin sakin. Shy type lang ako kaya di ko pinapansin. Hahaha.

2. Basagulero - Ito naman ang isa sa mga badtrip sa loob ng room. Yung mga sisiga siga. Sarap pagsisipain hehehe. Pero di ko alam yun iba kung ano naman na ang buhay matapos magsigasigaan sa loob ng room namin. Siga pa rin kaya ngayon? Paksyet tong mga to eh, hilig mangotong, pag may pagkain at pera ka tatakutin ka hanggang sa magbigay ka nalang. 

3. Gamblers - Ewan ko lang kung mala Atong Ang na ba tong mga klasmeyt kong to ngayon.  Dahil sa lahat ng araw na ginawa ng diyos ay puro pagsusugal pa rin ang inaatupag nitong mga to. Digits, Hula, Text Pera Pera yan ang mga sugal namin dati. Aaminin ko isa ko sa mga nagsusugal pero pag may pera lang naman. Pag wala di ako sasali syempre. Mahirap ng magulpi pag walang pang bayad. Sana di mama sila mga gambling lord ngayon.

4. Copying Machine - Oh syempre isa rin ako sa mga nangongopya dati, pero di naman yung tipong lahat na lang ay iaasa ko sa pangongopya at hindi na talaga nag-aaral. Naalala ko dati may isang siga siga na gustong kumopya sakin at tinatakot ako. Binilisan ko ang pagsagot para kumopya siya. Ang di nya lang alam ay puro mali yun. Nang Makopya na nya ay binura ko at isinulat ang tamang sagot naman. Hahaha. Kala nya maiisahan nya ko! Hanggang ngyon kaya nangongopya pa rin sila?

5. Sporty-  Sila naman yung mga kaklase ko na mahilig sumali sa mga sports fest ng eskwelahan. Basketball, Volleyball, Sepak at iba pa. Sa Sepak lang ako nakasali eh, tapos tinanggal pa ko ng interschool na. Yung isa kasing pinalit sakin eh kapatid ng titser, syempre mas malakas kesa sakin kaya wala na kong nagawa. Sila yung sa tingin ko na maangas samin noon eh, porke varsity kasi ang yayabang ng magsipag asta. Eh itong mga sporty na to sila rin naman minsan yung Copying MAchine dahil puro sports lang ang nasa isip. 

6. Repeater - Sila naman yung mga taong paulit ulit sa pag aaral. Palaging bagsak pagkatapos ng end ng school year at makikita mo nagmamakaawa sa titser pagdating ng enrollment. Yung iba sa kanila mga basagulero kasi, yung iba naman maraming offense kaya palaging drop, yung iba naman palaging cutting class, at di nagsisipagpasok at yung iba naman ay utak na talaga ang problema. Nakakawa kasi ilang taon na sila nasa high school pa rin sila. Nakagraduate na ata ako 2nd year pa rin sila. Sana tong mga taong to nagbago pa rin ang buhay at isang araw makikita ko na lang na umasenso na rin sila.

7. BFF's - Best Friends Forever or BFF in short. Sila yung mga super close friends. Yung pag tipong inaway mo eh asahan mo ng magugulo ang mundo mo dahil sa dadame ang kaaway mo. Sila yung mga palaign magkakasabay kumain, sabay nagsisipagpasok, magkakatabi sa upuan at palaging nagkwekwentuhan. Kadalasan ng mga BFF ay babae puro kasi boys at tsismis ang pinaguusapan. Pero maasahan mo rin naman pag oras ng kopyahan.

8. Teacher's Pet - Sa lahat ng mga naging kaklase ko ay parang dito ako naiinis. Hindi naman lahat pero nakasalamuha ko rin ang ganitong estudyante at napakasipsep at sumbungero/sumbungera nila. Sila yun palaging nakasunod sa titser, palaging nasa faculty room at kala mo ay mga tutang susunod sunod. Palaging nauutusang magcheck ng mga exmas namin, nagsusulat ng noisy at kumukolekta ng mga bayad sa mga ibinebenta ni mam. Hay, mga titsers pet na sipsep.

9. Nerd - Sila naman yung matatlino sa loob ng room. Nerd kung titignan pero sila talaga ang inaasahan ng lahat ng mga mangongopya sa oras ng exams. Palaging booly sa loob ng room at palaging pinagtatawanan. May sariling mundo minsan at minsan di mo magets kung ano ang sinasabi. Tatango ka na lang at oo kahit minsan di mo sila maintindihan. 

10. Kikays - ang mga maarate, kadalasan babae, pero mayroon din namang lalake. Puro pagpapaganda ang ginagawa di naman magaganda yung iba. Puro make up, blush on, pulbo dito pulbo doon. Di mo ata makikitaan ng pawis sa ilong dahil puro retouch ang gusto. Lamang pa yung pagtingin sa salamin kesa sa black board. Yung mga lalake naman ganon din, puro pulbo parang nasubsob na sa aspalto sa sobrang kaputian ng mukha. Puro kaartehan lang ang alam na gawin ng mga ito sa loob ng silid aralan.



Ilan lang naman yan sa mga naalala kong nakasalamuha ko sa loob ng silid aralan. Hindi pa yan kumpleto kasi yung iba hindi ko na maalala. Hehehe. Isa ka ba sa mga to dati? Oh natawa ka noh?



8 Nakiusyoso sa usapan:

Axl Powerhouse Production Inc, said...

whaha i remember this one... parang may post din akong ganito dati sa old blog ko :D

LhanLhan said...

hehehe. nakaktuwang maalala silang lahat!

Kraehe said...

Number 4 at 9 ako dati hahaha!

LhanLhan said...

@krahe - nyahahaha! ako copying machine lang naman ^^

Bino said...

dun ako sa nerd! joke! hwhehehehehe

emmanuelmateo said...

# 4 tska 7 sa akin..wla kasi dito yung "Jolly" hehe masayahin ksi me

Kamila said...

hi kuya lhan.. nagbabalik... ehem.. ngayon ko lang napansin badge ng blog mo..kaya ngayon ko lang nakuha...

at kuya lhan.. naku naging teacher's pet ako one time nung grade 5 ako.. at alam ko kung paano galit na galit ang mga kaklase ko sa kin.. kaya ngayon iniiwasan ko na maging epal.. hahah

LhanLhan said...

@bino- hehe nerd talga?
@emamanuel - hehehe di ko naisip may jolly pa hehe
@ kamila - heheh tachers pet ka! joke!

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review