Monday, January 3, 2011

Iba Pa Rin Pag Nakakatulong Sa Kapwa




















Disyembre 31 ng umaga at ako ay naka duty pa rin sa aking trabaho, ako ay naatasang mag duty doon sa may West Tower sa Barangay Bangkal dito sa Makati na popular ngayon dahil sa nag leak na pipe line ng FPIC. Araw araw sa aming duty ay may (2) dalawa na ina-assign sa amin upang magmonitor doon ng kaganapan at kung may emergency ay mairereport agad namin sa aming opisina na isang emergency hotline. Sa pagtatapos ng aking duty ng gabing iyon ay naatasan akong bumalik sa opisina upang may dalhin pa balik ulit sa West Tower, isinabay ko na si Mhay (GF) para pagkatapos ay diretso ko na siyang ihahatid sa kanilang bahay. Napakadelikado sa kalsada dahil may mga taong bigla bigla nalang naghahagis ng paputok.


Nang kalaunan habang papunta na kami ay may nadaanan kaming isang trahedya sa kalsada. Motor na pawang nasira at napipi at taong nakaupo sa gilid ng kalsada na animo'y namimilipit sa sakit ng katawan dahil sa mga sugat na natamo. 





































Sa umpisa ay nag dalawang isip akong lapitan pa sila dahil sa pagmamadalki na rin namin na makauwi dahil nga sa bagong taon ang araw na yon. Naisip kong " kung lalapitan ko sya matatagalan pa kami at maiistorbo". Ngunit hindi iyon ang nanaig sa amin, dahil sa tinagurian kaming nasa emergency hotline ay nanguna pa rin sa aming puso ang tumulong sa kapwa. Dali dali kong iniliko ang aking motor at tumungo agad sa pinangyarihan ng aksidente. Bumaba kaming dalawa at agad kong sinabi kay Mhay na tumawag agad sa aming opisina at manghingi ng rescue habang ako ay ina-assist ko ang may sugat na driver ng motorsiklo. 

Sinabihan ko ang driver na motorsiklo na wag munang kumilos dahil sa hinaing niyang masakit ang kanyang likuran at nakita kong puro gasgas ang kanyang mga braso at binti. Si Mhay naman ay humingi na rin ng tulong para sa traffic investigator upang maimbistgahan agad ang pangyayari. Wala pang (5) Limang minuto ay dumating ang rescue mula sa isa sa aming barangay dito sa Makati. Dali dali kong sinabi ang mga hinaing ng pasyente upang malaman nila agad kung ano ang kanilang gagawin dahil sa kaming dalawa ni Mhay ang mga first responder sa area. Dumating na rin ang pulis na mag-iimbestiga ang dali dali nitong ini-sketch ang pangyayari. 

Sa puntong iyong ay nagpaalam na kami ni Mhay upang i turn over na sa kanila ang pangyayari. Habang nasa motor ay naguusap kami at nasabi namin sa aming mga sarili na buti at hindi namin iyon binalewala, kahit na sa simpleng paraan ng aming pagtulong an iyon, di man namin nagawang gamutin agad yung sugat dahil sa wala kaming dalang first aid kit ay alam namin sa aming sarili na isa kami sa dahilan kung bakit naging mabilis ang pagresponde. Kahit sa sa pagtatapos ng taon at pagtatapos ng aming trabaho ng araw na iyon ay nakagawa kami ng tulong sa aming kapwa. Masaya ang pagtatapos ng aming taon na nakakatulong pa rin sa kapwa tao at masasabi naming iba pa rin pag nakakatulong sa kapwa. Walang katumbas at walang pagsisi.













14 Nakiusyoso sa usapan:

kikilabotz said...

nice naman.nakaklungkot isipin magbabagong taon n naaksidente pang ganyan. hahaha. ako hindi ako sanay makakita ng mga naaksidente

chamiechamz said...

Nice! Continue saving lives lhan! :)

jhengpot said...

napakabait niyo, siguro kung ako yun, titingnan ko lang then fly na... i salute the two of you!

LhanLhan said...

salamat kikilabotz, chamz at jhengpot!

benjienious said...

sarap kutusan ng mga taong naghahagis ng paputok sa mga dumaraan

Bino said...

at dahil diyan, pagpapalain ka lalo ni Lord! Kudos! :)

rainbow box said...

wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam ng may isang tao kang natutulungan. maswerte ang lalake dahil kayo ang nanduon sa lugar na iyon ng mangyari ang aksidente. kayo ang nagsilbing guardian angel ni kuya. =)

maligayang bagong taon sa inyo ng iyong gf! sana marami pa kaung taong matulungan! =D God bless both of you!

Kamila said...

grabe bait niyo.... hayy... parang feeling ko din hindi ko pa magagawa yung mga ganung bagay sa buhay ko.. hmmm.. ewan ko.. siguro kung gusto ko man hindi ko alam gagawin din...

for sure dinala kayo talag ni Lord sa eksaktong place na yun para maging instrument...

LhanLhan said...

salamat rainbow!

@kamila - nagkataon nga siguro kamila. salamat!

riZa jAne said...

isa ka ng ganap na super hero lhan! hehe... ina'pply mo ang adaptation syndrome mo sa maayos at magandang paraan...^_^ mabuhay ka!

Mayet said...

that was a nice gest.
yeah, nakakalungkot isipin na laging me aksidente ganito pagpasok ng New Year.

ingat!

LhanLhan said...

@riza jane? - talgang taas kamay? taas paa kaya pwede? hehehe

@mayeth - oo nga di na talaga naubusan ng mga aksidente sa kalsada. sana matuto ang lahat na magingat.

at para sa lahat ng nagcomment, nakakflattering mga comments na ibinibigay ninyo. mas na drive pa tuloy akong tumulong ng marami sa kapwa. mag volunteer na kaya ako sa rescue? hahaha. kaya lang baka di na ko makapagblog nyan.. ^^ maraming salamat ulit sa laaht. ginwa ko lang naman ang sa tingin kong nararapat. ^^

Raffy said...

Kahanga hanga!

LhanLhan said...

salamat raffy!

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review