Tuesday, January 11, 2011

Lusot, Lagay, Lakad




















Ang mga pilipino ay sadyang mga matatalino sa lahat ng mga gawain upang mapadali ang kanilang pamumuhay kahit na alam nilang ang iba dito ay hindi tama o ilegal. Oh sa kasamaang palad ay di kanais nais sa paningin ng diyos. Karamihan sa mga tao hanggat makakalamang sa kapwa ay tunay na aabusuhin. Meron na sila at sobra sobra pa pero aasamin pa rin ang pag-aari ng iba. Sa panahon ngayon tatlong katangian ang mga nakikita ko na pumapaloob sa kanila, yun ay ang Lusot, Lagay at Lakad.

Lusot - ito ay yung katangian ng isang tao na hanggat makakalusot ay gagawin. Gumagawa ng hindi tama pero kapag nahuli ay lahat ng puwedeng ipalusot ay gagawin. Hindi ako magmamalinis dahil lahat naman tayo ay nagpapalusot. Halimbawa, may pagkakataong magigipit ka sa isang bagay na hindi mo alam kung ano ang iyong gagawin. Kapag nagsabi ka ng tama ay natatakot kang harapin ang mga maaring mangyari kung kaya't magpapalusot ka upang makawala ka at hindi ikaw ang mahihirapan. Minsan nakakatuwa yung taong puro palusot. Ibig sabihin "maparaan" daw sya. Pero palagi na lang bang magpapalusot kung pwede namang gawin ang tama? Tama ng palusot, harapin mo naman ang bunga ng iyong ginawa.























Lagay - ito naman ang kasunod kapag hindi mo nakuha sa lusot. Lahat na ng palusot na pwede mong gawin ay ginawa mo na pero wala pa rin. Di uubra kaya heto ang word na Lagay na nauso para gawing masama ang taong matuwid. Halimbawa, pagkatapos mong mahuli ng traffic enforcer dahil sa vioation na ginawa mo. Sinabi mo nang lahat ng palusot mo, "di ko napansin", "maluwag naman ang traffic", "bakit sila ganon din naman", nagmamadali lang ako", "natatae lang ako" at marami pang ibang mga ginawang dahilan sa mundo. Pero wala pa rin kaya't heto na ang pera at pumapasok na sa istorya upang magbigay nang lagay. Lagay na nakakasilaw at madaling madala ang mga tao. Sino bang di nangangailangan sa panahon ngayon, at kung tama ang presyo, tanggap na ang lagay. May iba naman na sinsadyang manghuli pero ang tunay na kailangan ay ang lagay talaga. Wala ka namang ginawang mali pero hahanapan at hahanapan ka ng butas para mapilitan kang maglagay. Hay, nagagawa nga naman talaga ng pera. Natutuwid ang baluktot, at ang baluktot ay natutuwid.




















Lakad - ito na ang huling step kapag di ka pa rin nakuha sa lusot at lagay. Kung baga ay pinannidigan mo ang iyong pagkatao at hindi ipinagpalit ang dignidad sa maliit na halaga lamang. Pero nariyan ang mga makapangyarihan o sa madling salita ay nasa pwesto. Padrino  ika nga ng karamihan. Hindi sa kung sino ang kakilala mo kundi ano ang posisyon ng kakilala mo. Backer, Padrino, Protector at iba pa ang kadalasang tawag sa mga ito. Nakaka-awa pero pawang katotohanan, ginawa mo ang tama pero sa huli ikaw pa rin ang talo. Ikaw pa ang napasama. Kaya di rin natin masisisi ang mga taong ito kung bakit nila nagagawang tanggapin na lang ang mga Lagay na yan. Bakit mo pa nga ba tatanggihan? May magagamit ka na, sa tingin pa ng taong yun ay may pakisama ka at higit sa lahat hindi ka pa mapapasama. Wag ka nga lang papahui dahil kapag nangyari yun, malamang mas ikasama mo.



Yan ang tatlong ugali nating mga pinoy, Lusot, Lagay Lakad. Sa tingin mo, masarap ba ang nakalalamang sa kapwa? Masaya bang mang apak ng ibang tao at masarap bang gamitin ang kapangyarihan laban sa mga taong wala? Ako, nagagawa ko ito. Dahil sa taga Makati ako at sa gobyerno ako ng Makati nagtatrabaho ay masasabi kong may edge ako laban sa iba. Pero naisip kong mali ito. Sumunod tayo sa batas, sumunod tayo kung ano ang tama. Umaasa kasi tayo sa sarili nating abilidad para makaalis sa mga sitwasyong ayaw nating harapin ng patas at kinakalimutan nating magtiwala sa Diyos.


Ito ang mga salitang narinig ko sa isang Christian Church na nakapagbago ng aking pagiisip hinggil dito. Binubulag tayo ng Lusot, Lagay at Lakad tungo sa maling landas. Hindi pa huli ang lahat kaibigan, mayroon pang oras upang ituwid ang tama, gawin ang nararapat at lumaban ng patas. Mas kinagigiliwan ng Diyos ang mga taong tapat kaysa sa mga palalo na walang nais kundi ang manlamang sa kapwa. Imulat mo ang iyong mga mata at nawa'y naintindihan mo ang aking nais na ipahatid mula sa kanya.


Magandang Gabi.

7 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

at lahat ng iyan akin nang naranasan sa tuwing kukuha ako ng nbi clearance, birth certificate at iba pang dokumento sa gobyerno hehehehe

LhanLhan said...

@bino -halos lahat naman ata ^^

ISTAMBAY said...

Madalas mangyari yan, lalo na sa hindi lumlalaban ng patas.. pinaka masahol sa 3 ang lagay. anjan ang korapsyon eh. tsk tsk

Tama ito parekoy

riZa d' hoLic said...

wow! wala akong masabi...totoo lang lahat...T_T

Kamila said...

Hi kuya Lhan... ayuko ng komplikado... ang mga lagay lagay na nangyayari sa kalye... nasubukan na namin yun ng madaming beses. pero alam mo ba.. minsan parang wala naman magawa kame..kase minsan may mga hindi unfair na nanghuhuli para lang may pangtanghalian. ewan. kaya nagiging matigas din ang ulo ng iba..kase alam nila na mahirap din pakisamahan ang mga taong nakatungtong..

HaLoJiN said...

kuya lhan mgandang tanghali sorry kung now lnaG ULIT NAKADalaw panu sobrang busy talaga.. hehe oo nga laht naman mararanasan paG may kinukuha ka tulad nga ng nabanggit ni kuya bino ^_^ hehe...

Diamond R said...

iba ang pinoy.nag iiwan lang ng bakas

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review