Friday, January 7, 2011

Naku Po!




















Kanina habang ako'y nag iinternet at pansumandaling nag blog hop sa ibang mga bloggers ay may narinig akong ring sa aming telepono. Dahil sa nasa itaas ako ay si papa ang sumagot sa telepono. "Hello good afternoon this is ***** from Globe Telecom and we ask Mr. Matias to please pay tor settle his overdue within 2 days or else the connection will be cut on the said deadline". Dali dali iyong sinabi sa akin ni papa. Naku po! Patay! Di ko malaman kung ano ang aking gagawin, kung kailan nagsusumipag na ko sa pagblog ay tsaka pa mangyayari ang ganito. Nakalimutan kong bayaran ang aking bills last month dahil na rin sa sobrang kabisihan sa nagdaang mga okasyon. At dahil na rin dito ay hindi ako nakapag tabi ng budget na pangbayad sana sa monthly bills ko sa Globe.


Ang sabi ay 2 days ay dapat ko ng bayaran pero sabado at linggo ang mga araw na yun at parang sarado ata ang LBC nun dito sa amin. Sa LBC kasi ako nagbabayad ng mga bills ko para isang bayaran na lamang. Ang problema pa ay nawala ko ang latest bill ko rito at ni isa ay walang naiwan sa akin na mga lumang bills dahil tinatapon ko ang mga ito pagkatapos kong magbayad.

Problema pa ay wala akong pangbayad ngayon, naku po! sabi naman nila ay hindi muna magpuputol ang mga iyon dahil may isa akong kakilala na umabot sa 4 na buwan ang bills na hndi niya nabayaran bago siya naputulan. Renewal kasi sa amin ngayon at malamang madedelay ang aming sweldo ng mga ilang linggo.


Di ko binablog ito para ako'y kaawan, binlog ko to upang malaman ng mga kaibigan kong bloggers na baka mawala muna ko pansumandali sa mundo ng bloggosphere. Upang sa gayon ay di kayo mabigla kung bakit hindi na ako nakakabisita tulad ng palagi kong ginagawa. 


Sana bigyan ako ng extension ng Globe at di muna nila ako tanggalan ng internet, kung mangyari man ay pasensya sa mga bloggers friends ko na hindi ko muna mabibisita. Mamimiss ko ang pagboblog pati kayong lahat at sana pagbalik ko, kilala nyo pa rin ako. Magandang Gabi sa lahat.




6 Nakiusyoso sa usapan:

ISTAMBAY said...

hala, mawawala dahil sa naputulan ng koneksyon.. hmmm makikabit ka muna sa neighboorhood mo parekoy hahaha. ay sya hanggang sa muling pagbabalik. cccheerrrzz muna hehehe ^^,

Bino said...

dapat hinahanck mo na lang ang globe tattoo para libre internet. hanep sa suggestion eh. hehehe. joke lang

Kamila said...

yay.. patay tayo jan kuya Lhan... pano na yan.. di ka na dadalaw sa blog ko.... nyaaaahhh!!!

uh eh.... uh eh.... uh eh......

mabilis ba globe? nanana napa-segway ang issue.. sorry naisip ko lang.

rainbow box said...

ai.. walang maggi-greet sa chatbox ko ng magandang araw? :(

riZa d' hoLic said...

hala! problema nga 'yan!!! cge e pag-papray kita kuya lhan...hehe i mean juju =) =(

Axl Powerhouse Production Inc, said...

wahhaha sad naman :(

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review