Saturday, January 1, 2011

Pahinga Muna O Pahinga Na Talaga?
























Unang araw ng taon, di ko alam kung matutuwa ako magiisip kung may mali pa ba sa akin. Marahil ay di ninyo ma-gets kung ano itong sinasabi kong ito. Unang araw ng taon, oo nga at walang pasok ngayon sa trabaho pero iba sa trabaho namin. Mag tatatlong taon na ako sa isang emergency hotline dito sa lugar ng makati, dahil sa naturang emergency hotline kami ay walang holiday holiday sa amin at kung matapat ka eh swertehan na lang. Pasko at bagong taon ay nakaduty nga ako buti na lamang at puro pang umaga at hindi sa gabi natatapat. January, renewal sa amin at ako'y umaasa na sa unang araw ng taon na ito ay mapapsama ako sa mga unang papasok sa aming opisina. 

Maghapon na ata akong naghihintay ng kahit na isang text message lamang galing sa aming opisina oh di kaya ay sa aking kasamahan na nagsasbi na ako'y papasok na ngunit ni isa ay wala. Pero tila hindi ito ang mangyayari ngayon, walang text, walang tawag, ano kaya ito? Pahinga muna Lhan? Taon taon ay ganito ang nangyayari sa amin, bawat renewal ay skeletal force kami at iilan lamang ang pinapapasok sa amin. Kung baga nga sa iba kong kasamahan ay "anak ng diyos ang mga mauuna lamang" ay yung iba ay sa huli na makikita.

Ayos lang naman sa akin ang magpahinga muna ng mga ilang araw, pero ilang araw nga lang ba? Papaano kung pinagpahinga na nga ako at tuluyan ng hindi pinapasok? Yun ang malaking tanong ko sa aking sarili, bakit? bakit ako? paanong ako? Yung iba kong kasamahan gusto nila ng di muna tawagan at magpahinga muna sa trabaho at makapag relax relax muna dahil sa nagdaang holiday seasons. Ako ayoko matengga sa bahay, wala naman akong gaanong ginagwa sa bahay kundi ang magcomputer, maglaro at magblog lamang ang aking libangan.

Tinext ko yung isa ko pang kasamahan pero pareho kami ng kalagayan. Wala pa ring syang natatanggap at mukhang matatagalan pa ang aming pagpasok. Bakit ba ganito? Ano bang gusto nilang palabasin? Na kailangang kailangan namin ang trabahong ito at ito lang ang aming inaasahan? Ginigipit nila kami at tinatakot sa mga ginagawa nilang ito. Panahon na ba para maghanap ako ng ibang trabaho? Kung ganon nga wala naman akong magagawa, empleyado lang ako at sila ang mga boss.

Sa ngayon ano kaya ang gagawin ko muna? Magbakasyon? Magcomputer at magblog lang araw araw? Sana hindi tama yung nasa isip ko at sana maging pasotive pa rin ang kalalabasan nito. Sana...




9 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

bakit ganun? contractual lang ba to o regular sa trabaho? ganun pala sa emergency hotline

LhanLhan said...

actually bino contractual lang kame, pero continuos yun. kapag end contract diretso lang din yung sa next year. nag tri trip ata sila. hahaha.

Kamila said...

grabe.. hirap naman.. ang ayuko sa lahat yung naghihintay.. tas kabado..tas hindi ko alam kung may hinihintay pa ba o wala... sana maging okay ang lahat para sayo.. bagong taon pa naman.. dapat maganda ang simula ng taon... hayy.... sana sana maging okay lahat para sayo.

LhanLhan said...

kaya nga kamil eh.. hay... hirap.....

riZa jAne said...

i feel you bro! kahit ako naka duty all holiday season...'di ko na nga ma define kung ano 'yang holiday na 'yan eh! joke lang ba 'yan..hehe (korny...T_T)

by the way just dropping by ^_^ maBuhay ka!

LhanLhan said...

salamat sa comment riza jane!

Tsina said...

Aw. May balita na?

riZa jAne said...

uie lhan! bumalik ako para singilin ka! hehe joke! pero totoo di ka pa nakafollow sa'kin...nag follow na'ko sa 2 links na neleave mo sa isa ko'ng post...weeeh...T_T

LhanLhan said...

follow na riza jane! sorry! ^^

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review