Thursday, January 27, 2011

Pagkaing Pinoy Talaga






















Ang mga pilipino ay sadyang mahihilig kumain. Kahit ano kinakain , kahit ano titikman. Ganyan tayong mga pinoy pagdating sa pagkain. Ika nga ng mga pilosopong pinoy, "Laman Tiyan" din yan!". Hindi naman tayo masyadong pihikan sa pagkain, di nga natin minsan alintana ang alikabok at dumi. Sasabihin lang "Wala pang 5 minutes!" Hahaha. Ganyan ba tayo katipid? Pero hinding hindi ko ipagpapalit ang pagkaing pinoy kesa sa ibang mga banyaga. Chinese food, Thai food, Korean food at iba pa, syempre wala pa ring tatalo sa Filipino food. Nagutom tuloy ako sa mga pinagsasabi ko. Hay kakain nga muna ko. At habang ako ay kumakain mabuting basahin nyo muna ang mga top Pinoy Foods natin. Tara kain tayo!



















Pandesal - Almusal ng mga pinoy, di ata makukumpleto ang isang umaga sa isang pamilyang pinoy kapag wala ang pandesal. Kahit walang palaman basata may kapeng mainit lang talo talo na.




















Binatog - Naririnig mo ba ang kalembang ng bell at si manong na nakabiseketa? Binatog! Hay namimis ko tong pagkain na to eh. Last na kain ko pa ata nito eh noong elementary pa ako. Eto yung isa sa mga pagkain na parang nawawala na. Sayang naman. Sana makakain pa ko ulit nito.



























Ihaw-Ihaw - Isaw, Dugo, Tenga, Ulo, Hotdog ilan lamang yan sa mga pagkaing inihaw sa baga. Marumi pero masarap at hindi na ito alintana. Makikita sa bawat kanto ng kahit saang lugar. Minsan pag nakakakita ako ng ihawan una kong tinitignan ay kung maraming bumibili. Pag marami ibig sabihin ay masarap, pag konti lang malamang hindi. Isa sa nagpapasarap sa ihaw ay ang sawsawan nito. Maari itong suka na maanghang at lumulutang ang mga pampalasa at yung isa ay yung matamis naman. 



























Fishbol - Fishbol, patok na patok sa masa dahil sa murang mura at mabilis ng pangpalunas sa kumakalam na sikmura. Kahit saan makikita mo rin ito. Kadalasang nasa isang kariton na may kalan at nakatambad ang mga sawsawan. Mayroon din ibang uri pa ng fishbol, mayroong squidbol at chickenbol. Pero pinakapaborito ko pa rin say ang orihinal na fishbol. Tara may nakita ako dyan sa kanto, libre kita!





























Sorbetes - Dirty ice cream kung tawagin. Ewan ko kung bakit dirty, siguro dahil sa hindi gaanong malinis ang pagkakagawa nito di katulad ng mga mamahaling tatak. Pwedeng kainin ng nasa cup, pwede rin sa apa, at sa apang matamis (mas mahal nga lang) ngunit ang paborito ko dito yung inilalagay sa tinapay. Sa halagang P3 lang dati ay may tinapay ka na at ice cream. Kung baga all in one nang pang meryenda. Si manong sorbetero ang talagang patok sa mga bata, kapag narinig kasi ang kalembang ay ice cream agad ang nasa isip. Si manong ice cream yun!





























Banana Q - Actually di ako mahilig sa banana q pero sa tingin ko ay isa ito sa mga pagkain pinoy na talagang tumatak sa ating isipan. Mas gusto ko yung bersyon ng Kamote Q kasi kesa dito. Matamis at masusutansya ang pagkaing ito hindi katulad ng ibang mga street foods. Kadalasang inihahain ang mga ito sa meryenda.





















Pichi Pichi - Namis ko rin tong pagkaing ito. Bukod sa malambot at madaling kagatin gusto ko feeling na madali syang kainin at lunukin. Malagkit nga lang pero isang subo lang eh swak agad, kaya madame akong nakakain. Kaya di ako lugi pag ito ang nakahain. Ubos agad!




















Pancit - Ang pancit imposibleng mawala sa isang handaan. Mahirap man oh mayaman naghahanda ng pansit sa mga okasyong mahahalaga. Sabi ng iba, poor version daw to ng spagetti kasi pag may pera spagetti ang handa pero pag wala oh nagtitipid eh pansit lang talaga. Sa akin mas gusto ko tong pansit na to, pero gusto ko pa rin ang spagetti. Ang isa sa pinaka sikat na pancit ay ang Pancit Malabon. Di ko alam ang buong kwento pero alam ko masarap talaga ang Pancit ng mga taga Malabon.




















Choknat - Dito ata nasira ang ipin ko noong bata pa ko eh. Bukod sa ito ang pasalubong sa akin palagi ni papa ay pinagaawayan pa namin to ng mga kapatid ko. Tanda ko binibilang ng mabuti nila papa bago ibigay sa amin kasi pag isang buo ang binigay nila ay magkakaagawan at unahan sa chocnat na to. Hanggang sa ngayon alam ko mayroon pa rin nito pero bihirang bihira ko ng makita. Sana wag naman mawala ang chocnat na to, isa kasi to sa kinagisnan kong pasalubong sa amin ni papa. Kahit masira na ipin ko, kakain pa rin ako nito. Sana mayron sa tindahan ngayon, makabili nga,




























Chicaron - Maraming uri ng chicharon, may fishcracker, chicharong bulaklak, chicharong baboy at noong huli nga nakita kong may vege na chicharon na. Mataas kasi sa cholesterol itong pagkain na to kaya siguro nag isip ang mga tao na gumawa ng vege na chicharon. Paborito tong kainin at pulutanin sa mga inuman. Makikita mo rin naman to na isinasahog sa monggo. Kahapon lang kuamin ako nito habang umiinom ng konti. Pang tanggal umay din kasi minsan.




Oh ano nabusog ka ba sa inihain ko sa iyong mga pagkaing pinoy? Kulang pa yan, ilang lang yan sa mga di matatawarang pagkain ng mga pinoy. Tara kain ulit tayo. Nagutom na naman ako eh. Ako naman ang ilibre mo. 



5 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

choknat mula pagkabata meron na heheheh. wala ba yung taho? paborito ko un eh. hehehehe

riZa d' hoLic said...

hehe wow! nakakagutom na man at sa mga oras na 'to gutom pa talaga ako...tsk tsk tsk

hehe na intriga naman ako sa binatog na 'yan hindi pa ako nakakakain nyan...bakit nawawala na 'yan? parang endangered specie...

Axl Powerhouse Production Inc, said...

wahah nagutom ako... one of my fave ung elementary days the walang kamatayang chocnut hehehe >D

Kraehe said...

Walang kanin? wahihihi. nakakagutom

LhanLhan said...

nagutom din ako! tra kain tayong lahat!

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review