Sunday, January 23, 2011

Pentel Pen

























Ito ay kwento ng isang batang mahilig sa pentel pen. Narinig nyo na ba ito? Kung hindi pa, narito ang ang kanyang maikling kwento.


Noong unang panahon mayroong isang pamilya na namumuhay sa karangyaan. Pamilyang nakukuha halos lahat ng kanilang magustuhan. Isang ama na minana ang lahat mula sa kanyang pamilya. Inang nasa karangyaan rin simula pa noong bata. At ang kanilang anak na ubod nang swerte dahil sa kanyang ama at ina.

Unang kaarawan pa lang ng kanilang anak ay buhos na agad ang luho nito. Marangyang party, mademeng pagkain, clows at mademeng bisita. Animo'y isang handaan na imbitado ang lahat ng mga kapitbahay at nasasakupan.


Dumaan ang pitong taon at araw na naman ng kaarawan ng kanilang unica iha. Tinanong nila ito kung ano ang gusto nitong regalong matanggap mula sa kanila. "Anak, ito ang iyong ikapitong taon kaarawan. Ano ang iyong nais na matanggap na regalo mula sa amin? kahit ano ibibigay namin". Dali daling sumagot ang kanilang anak "Pentel Pen po".


Nagulat ang ama at ina nito. Bakit pentel pen ang gusto nitong matanggap sa kaarawan nito. Ngunit dahil na rin sa kanilang pangako na ibibigay ang lahat ay sinunod nila ito. Ibigay ang daang piraso ng pentel pen at iba't ibang kulay pa ang mga ito. Tuwang tuwa ang bata sa regalong natanggap niya mula sa kanyang mga magulang. Araw araw nitong ginagamit ang mga pentel pen. Drawing dito, kulay dito, sulat doon, gawa dito.


Sa pag aaral marangyang paaralan ang pinasukan. Paborito rin siya ng mga guro at kaklase dahil sa pagiging palakaibigan. Inililibre ang lahat dahil di naman nito pinoproblema ang pera at tinutulungan din niya ang mga kamag aral na kapos sa pera.
Mabait at walang kasing tulad ang pag uugali ng batang ito. Ibinabahagi niya ang lahat ng kanyang tinatamasa sa kanyang mga kaibigan at kamag anak.


Halos isang buong dekada ang lumipas sabuhay ng magpapamilya. Narito at nalalapit na naman ang ang isang napaka espesyal na araw sa kanilang anak. Mag lalabingwalong na ito at magdedebu na.  Pinaghahandaan ito ng kanyang mga magulang. Di alam nang dalaga  na naghanda ang kanyang mga magulang at nais siyang sorpresahin. Nagpacatering ng pagkain. Nagpahanda ng magarbong party. Kinausap ang mga kaibang, kakilala at mga kaklase upang sorpresahin ang kanilang anak. Gusto nilang maging espesyal na arwa iyon para sa kanilang nagiisang anak.


Muli nila itinanong ng pasikreto ng hindi ito mahalata ng kanilang anak. "Anak, ano ang pinakaaasam mo na mapasaiyo ngayong taon na ito?' Yung gustong gusto mo". Dali daling sumagot ang anak. "Gusto ko ng pentel pen mommy". Yung iba't ibang kulay".


Nagulat ang ina dahil sa pentelpen na naman ang isinagot ng anak. Ngunit hindi na ito itinanong ng ina dahil sa ayaw nitong mabisto ang ang sorpresa.


Dumating ang araw na pinakaasam ng mga mgaulang. Nasorpresa ang anak ang naluha ito mula sa sorpresa ng magulang. Inilabas ng ina at ama ang kanilang regalong pentel pen at duon lubos na tumulo ang luha ng kanyang mga mata. Nagpasalamat ito sa lahat ang walang humpay na kaligayahan ang natamo niya ng buong gabing iyon.


Isang araw, hindi inaasahang balita ang tumambad sa mag asawa. "Misis kayo po ba ang magulang ng dalgang ito?" and sabi ng isang nurse na tumawag. "Opo bakit ho? anong nangyari?" ang takot na takot na boses ng ina. "Wag ho kayong mabibigla, naaksidente ho ang inyong anak at narito siya sa ospital kritikal ang kondisyon. Magmadali ho kayo at baka hindi nyo na sya maabutan."


Dumating ang mga kaibigan at kamag anak ng dalaga. Nagiiyakan. Sobrang nahahabag sa sinapit ng dalaga. Blag!!! Kalabog ng ppinot. Hangos na hangos na dumating sa ospital ang mag asawa. Pumapatak ang luha ng mag asawa dahil sa kanilang naabutang kondisyon ng anak. "Misis, kritikal ho ang kanyang kalagayan. Fifty fifty ang chances". Kung may ihahabilin ho kayo oh gustong sabihin ay gawin nyo na po habang maaga pa" and wika ng Doctor.


Anak, bakit to nangyari sayo. Bakit sayo pa. Bakit ikaw pa? habang humahangos. "Mo... Mommy... ahhh.. hindi na po ata ako magtatagal arrgghhh... Anak! Wag kang magsalita ng ganyan! Marami tayong pera! Maraming magagaling na Doctor dito na kaya nating bayaran para mapagaling ka. "Mo.. mmy... wag ka na po mag aksaya pa ng pera. Malapit na rin akong mawala arrggg. Gusto ko pong sabihin sa masayang masaya ako at kayo ang aking naging pamilya. Sabay bulwak ng dugo sa kanyang bibig. Arggggghhhh... Sa lahat po ng ibinigay nyo sa aking mga luho maraming salamat po. Sa lahat  ng regalong pentel pen argggggghhh lubos ko po itong pinasasalamatan.. 


Anak! Ngayon lang namin ito tatanungin sayo, bakit sa lahat ng regalong itinanaong namin sayo ay puro pentel pen ang palagi mong sinasambit?" Anong meron sa pentel pen? bakit ito palagi ang gusto mo?


" Mo.. mmy... kaya... pentel pen....



arghhhh ang gusto kong regalo palagi..







argghhhh... ay dahil.. argghhhhh...









toooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooot.........









Huminto na ang tibok ng kanyang puso. Hindi na nito nasabi kung ano ang dahilan.. Kung anuman yun. Hindi ko din alam.

7 Nakiusyoso sa usapan:

Adang said...

parekoy na kaka bitin ang kuwento mo,hehehe,

LhanLhan said...

yuna ng talgang purpose heheh! pag isipin ko kayo sa ending! hahaaha!

uno said...

oo nga bakit nag ba... bitin...

LhanLhan said...

bitin talga istorya nya. hehehe nung kinuwento sakin magkahalong inis at tawa ang naramdaman ko! ahahaha!

Jae Gibbs said...

ayos. buti di ko binasa. haha. last part lang. at napagtanto ko na kaapreho nito yung kinuwento samen nung loko2 naming teacher. tungkol naman sa pink table yun. yan. ganyan din nangyari namatay na't lahat di nasabi yung dahilan. XD

nainis kami, kasi BITIN! XD

jhengpot said...

hahahahaha! loko-loko ka talga! excited pa man din akes na malaman kung bakit! kasi ang weird e! hahahaha

Bino said...

ewan ko sa yo!!!! inantay ko pa man din kung bakit pentel pen hehehehe

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review