Saturday, January 29, 2011

Romana - (Ikalawang Yugto)

























“Walang pagkain?!!” Tetay!! Galit na galit na sambit ni Brando isang umaga. Tay, sandali lang ho at maghahain ako ang sabi ni Romana. Tang inang buhay yan! Gusto ko paghandaan nyo ako at gusto ko palaging may pagkain dito! Sabay sampal kay Romana. Plak! Tay, pasensya na ho kayo, si nanay maagang umalis upang maglaba sa kapit bahay. Si Tikboy naman ho ay may lagnat kagabi kung kaya’t napuyat ako sa pagbabantay.


“Wala akong pakiaalam kung anung nangyayari sa inyo. Ang gusto ko ipaghahanda niyo ako!”. Opo tay, maghahanda na po. Pasensya na po. Dahil sa mahal ni Romana ang kanyang ama ay hindi nito magawang magalit. Pinaghanda niya ang ama at pagkatapos ay umalis na ito ng hindi man lang nagliligpit. Si Romana ang nagligpit at pagkatapos ay naglinis ng bung bahay. Pagkatapos nito ay binilhan ng gamot ang kanyang kapatid at umalis na upang magtinda ng mga bulakalak.


Hindi na nakapag aral si Romana, nagtinda na lamang siya dahil sapat lamang ang kinikita niya at ng kanyang ina upang maging pang tawid guto sa araw araw. SI Aling Tetay, inuubo ng biglang nahilo at natumba sa kalagitnaan ng kanyang paglalaba. Sinugod sa ospital at dali daling pinuntahan ng magkapatid. Bago pa man dumating ang magkapit ay kinausap na ng doctor si Aling Tetay.


Misis, delikado ho ang inyong kalagayan. Mayroon po kayong sakit na sa puso. Natuklasan naming may bara ay dalawa sa daluyan ng inyong ugat at kailangan ng agarang operasyon. “Wag nyo na pong sabihin ito sa aking mga anak doc, ayokong pati sila ay magisip pa sa akin”. Pero misis hindi po ito pwede. Mamatay po kayo kung hindi kayo maooperahan agad”. Doc, intindihin nyo ho kami, mas nanaisin ko pang mamatay kesa makitang nalulungkot at nagaalala ang mga anak ko”. Sapat lamang ang aming kinikita sa araw araw na pagkain. Walang panahon para sa paggagamot. Wag nyo na lang po sana ito sabihin sa kanila. 


Naawa ang doctor at pinagbigyan sa kahilingan si Tetay. Walang kaalam alam si Romana at Tikboy sa sinasapit ng pighati ng kanilang ina. Masayang silang lumabas sa ospital. Paguwi ng magina ay dinatnan nila ang kanilang ama na nagbibilang ng pera sa lamesa. “Saan galing ang ganyang kadaming pera Brando?” Bungad ni Tetay. “Wala kang pakiaalam, pera ko to. Romana, bilhan mo nga ko ng alak heto ang pera”. Utos ng ama. 


Maya maya ay nagdatingan ang mga tropa ni Brando. Masayang masayang nagiinuman at naglalasingan. Naglabas ng mga baril ng medyo makainom at ikinatakot iyon nang magiina. “Romana, ibili mo pa nga kami ang sabi ni Brando”. Lumabas si Romana upang bumili at nakita siya ng kasama ng kanyang Itay. “Pareng Brando, maganda pala ang anak mo. Mukhang mapagkakakitaan natin yan.”



Itutuloy...




8 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

malamang magagahasa tong si romana o kaya naman ibubugaw. pero depende pa rin ito sa author at ikaw yon parekoy hehehe

Jae Gibbs said...

nice. :D

jhengpot said...

mmk pala toh!
wag naman sanang ma rape...

uno said...

salamin ng kahirapan...at pighati si romana i think so

DEMIGOD WINZTON said...

AGREE WITH UNO.

Kamila said...

Shetttt... noh ba..pedophile yung tropa nung tatay.. huhu..traumatic... elow kuya Lhan!

LhanLhan said...

^^ tapos na ang istorya bago ko pa nailathala dito. pero pwede ko pa ring mabago. ^^

goyo said...

ang dami mong blog. hehehehe...

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review