Thursday, January 27, 2011

Romana - (Unang Yugto)

























Ito ay kwento ng buhay ni Romana. Si Romana ay anak ng isang notoryus wanted na si Brando. Si Tetay na kanyang ina ay isa lamang hamak na labandera. Dalawa silang magkapatid at si Tikboy ang kanilang bunso. Halina at tunghayang natin ang kanyang istorya.



Isang masaya at matinong pamilya sila dati. Si Brando ay nagtatrabaho bilang isang janitor sa isang eskwelahan at si Aling Tetay naman ay nagtitinda ng mga kung ano ano sa harapan rin ng eskwelahan. Si Romana ay isang mabuting bata, palagi siyang pinangangaralan ng kanyang ina tungkol sa pagiging isang mabuting bata. Mahalin mo ang iyong bunsong kapatid, at ang iyong ama. Wag kang magdadamot,  maging palakaibigan ka at wag kang magtatanim ng sama ng loob. Ilan lamang yan sa mga pangaral ng kanyang ina.


Isang araw may hindi inaasahang pangyayari sa kanyang ama. Ikaw ba si Brando? Ang sambit ng mga pulis. “Oho, Bakit ho?” nangangatog na sabi ni Brando. Sumama ka sa amin. May warrant of arrest kami sa iyo sa salang pagnanakaw. Napagbintangan si Brando ng pagnanakaw. At doon nagsimulang maging masalimuot ang kanilang buhay.


Nagtanim ng sama ng loob ang ama sa mga tao. Tumakas ito at nagtago. Patuloy naman ang pagtakbo ng buhay ng mag iina. Si Aling Tetay ay pinaalis bilang isang tindera sa eskwelahan at sila Romana at Tikboy ay pinaalis din. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon ay hindi nagtanim ng sama ng loob si Romana.


Maulan na gabi, Blag! Gulat na gulat ang mag iina ng biglang may pumasok sa kanilang pamamahay. Hindi maipinta ang kaba ngunit may halong saya kay Romana. “Itay! Itay! Nagbalik ka!” Lumapit si Romana upang yakapin ngunit tinabig lamang ito ng kanyang ama. “Wag kayong maingay, hinahabol ako ng mga pulis.” Tumakas ka ba? Ang sabi ni Tetay. ‘Bakit ka tumakas? Mapapatunayan namang wala kang sala”.


Nagalit si Brando, hinawakan ng mahigpit si Tetay sabay bigkas “Anong gusto mong gawin ko dun? Magpakabulok habang wala naman akong kasalanan?” Yung mga mayayamang nakakulong doon na halos mahuli na sa akto ay nakakalaya samantalang ang mga katulad naming mahihirap ay nabubulok sa di naman namin ginawang kasalanan!” “Kung makukulong ako, sisiguraduhin kong kasalanan ko na talaga ngayon! Mahirap lumaban ng patas!” Humanda sila sa akin ngayon.


Takot na takot ang mag iina sa kanilang ama.Wala silang magawa kungdi ang tanggapin ito dahil ama pa rin ito ng kanilang tahanan.



Itutuloy...




8 Nakiusyoso sa usapan:

Axl Powerhouse Production Inc, said...

yun oh.. may series na rin siya... whhahaha :D

Jae Gibbs said...

Okay po 'to. :D

Kaso, napansin ko may naulit.

sa 3rd paragraph:
"At doon nagsimulang maging masalimuot ang kanilang buhay."

sa last paragraph:
"Yung ang naging simula ng kanilang masalimuot na pamumuhay."


Kuya, kailan po ba talaga nagsimulang maging masalimuot ang kanilang buhay???
Hehehe...

Kamila said...

ganda kuya Lhan thumbs up!!!!!! pramising...!!! hahahahaha...

Kraehe said...

galing galing! bitin nga lang.

Bino said...

at pagkatapos? ipost na ang part 2 hehehehe

jhengpot said...

susubaybayan ko... san na si crisanta?kambal ni romana sa ilumina? hahaha... joke!

Artiemous said...

mukhang magandang storya :) masubaybayan nga

LhanLhan said...

hehhe.. salamat sa mga kumento.. sana magustuhan nyo. ^^

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review