Sunday, January 9, 2011

Sampung Utos Ng Mangongopya




















Laht naman siguro tayo dumaan sa pangongopya lalo na nung kabataan pa natin. Yung iba nga hanggang sa ngayon ay nabubuhay pa rin sa pangongopya. Syempre ako rin nangopya sati nung angaaral pa ko, yung tipong hirap na hirap talaga ako oh di kaya ay yung hindi talaga ko nakapag review at kailangan ko tong ipasa. Mabibilang lang namn yun at di naman buong buhay ko ay nangongopya lang ako.Naalala ko nga nung huli akong nangopya, nung college ata yun sa algebra! Hahaha. Nakakhiya pero isa yun sa mga di ko malilimutan dahil nahuli ako ng prof ko. Di naman ako pinagalitan nito at kamangha mangha na pumasa pa rin ako sa kanya. Di pasang awa ha, pasa talaga. Ewan ko kung bakit, kung ano man ang dahilan ay nagpapsalamat pa rin ako sa kanya. 

At dahil doon, Narito ang ilan sa mga sumusunod ang mga utos ng mga nangongopya;
1. Iwasang makipagtalo sa matatalino, tandaan, sila ang kapit mo.
-Syempre ikaw na nga ang umaasa at mangongopya ikaw pa may ganang makipagtalo? Tigas mo naman!

2. Wag mag-dalawang isip sa kinopya mo, time is gold kaya kopya lang ng kopya.

- Maiksi lang ang oras, kumopya ka habang may oras at habang di pa nahahalata ng kinokopyahan mo. Pag nakita nya yan at time na, tapos ka na.


3. Iwasang uminom ng alak bago mangopya, baka biglang maging intsik ang test paper ng katabi mo.

- Dapat bago ang exam maaliwalas ang isip, walang amats at malinaw ang mata.


4. Magyosi bago mangopya, pantanggal kaba.

- Gumawa ka nang paraan para mawala ang kaba, mag yosi para mawala ang kaba. Kung di ka man nagyoyosi, bumili ka pa rin at ibigay mo dun sa katabi mong kinakabahan din.


5. Wag magdasal bago mangopya. Masama gagawin mo tapos hihingi ka pa ng tulong kay God.

- Oo nga naman, tigas mo ha, tsaka ka na humungi ng tawad pag tapos na ang exams. Pag bagsak ka pa rin, Hahaha, malamang kinarma ka!



6. Lakihan ang sulat, may nangongopya din sa likod mo.

- Kung ikaw nangongopya, mahahagi ka naman, di lang ikaw ang nangangailangan.

7. Wag maingay sa upuan, para iwas atensyon sa prof.

- Kung pwede lang maging tuod ka para di ka makagawa ng ingay ay gawin mo na. At kung pwede wag kang tatabi sa nangongopya din para di ka paghinalaan ni Prof.

8. Maging listo sa paggalaw ng prof., baka nasa harap mo na, di mo pa alam.

Ayan!, yan ang di ko nagawa dati, pagharap ko nasa tabi ko na sya! So igalaw ang mata, palakasin ang pakiramdam.

9. Tanggalin sa utak ang konsyensya. Grades mo nakasalalay.

- Wala munang konsensya, grades nakasalalay, pag pinagalitan ka ba ni tatay at nanay si konsensya ba ang sasagot sayo?


10. Magpasalamat at ilibre ng gulaman ang kinopyahan at tandaang wag mong tataasan sa grade ang kinopyahan mo

-At pagkatapos ng lahat, ilibre mo naman ang kinopyahan mo, kahit ano, kahit gulaman at sago lang. Para next time makakopya ka ulit. Hehehe.



























At yan ang mga kabulastugang utos ng mga nangongopya, kung ay natutunan ka man ay sarilinin mo na lang at wag mo ng ipagkalat sa iba. Padadamihin mo lang ang mga taong mahilig umasa sa iba. Tama na't hanggang sayo nalang magtatapos ang pangongopya. Matuto ka na sanang tumayo sa susunod sa sarili mong paa. Balang araw masasabi mo rin sa sarili mo na di mo pinaghirapan ang lahat ng mga nakamit mo. Talo ka pa rin. Tama?



10 Nakiusyoso sa usapan:

Jae Gibbs said...

ngayong high school lang ako, natutong mangopya.
nakaka-adik pala yun. XD

Kraehe said...

hahaha hs days. natamaan ako hahaha!

klomster said...

marami talagang akala mo matalino, yun pala.. matalinaw. hahaha

Bino said...

wahahahaha ibang version to ah. may ganito na ko'ng nabasa pero mas malawak to hahahaha

Kamila said...

Nyahahaha... kuya Lhan adik lang.. totoo lang di sa nagyayabang pero tamad ako mangopya as in.. medjo hindi kase matalinaw ang mata ko eh kaya tinatamad ako mangopya hahahah.. pero nagpapakopya ako.. nyahahaha.. ganun ako kabait.. pero yun nga tinatamad din ako mangopya talaga.. pero hindi ko naman pwede sabihin na hindi ko ginawa...

naaalala ko nung RIZAL days sa college.. naku mga post it ang naka-alalay sa akin..nilalagay ko sa panyo ko.. HAVEY panalo!

ISTAMBAY said...

naalala ko nung HS ako, talaga namang kahit anong pwesto makapangopya lang haha.. uso naman yan noon, ewan ko lang ngayon hahaha.. nice parekoy

Haron Didaagun said...

di ako mahilig mangopya, sa akin kasi sila nangongopya eh! hahaha!

LhanLhan said...

@ jae - buti high school lang ^^ at di mo na nadala nung college days mo

@ kraehe - tinamaan k ba? hehe

@ bino - salamat parekoy!

@ kamila - uy! talino!

@ istambay - hehehe walang pinag iba, mas malala pa ata ngayon

@ haron - nice bro! talino!

uno said...

hehehe first time kung nangopya nahuli ako kansi sobrang halata akong kumopya...

first time kong nagpakopya nahuli ulit ako...

ayun mula nun hindi ko na ginawa un... nakakahiya kasi anak ako ng teacher eh hahaha

tapos... hmmm syempre kahit panu nasa honors ako hahaha yabang no

jhengpot said...

tamang tama ka jan lhan! nangongopya din ako, pero para lang icheck kung tama ba talaga yung sagot ko. at naiinis ako pagnatataasan pa ko nung mga nangongopya!

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review