Wednesday, January 19, 2011

Si Eng At Ang Kanyang Istorya

























Gusto ko lang ishare ang istorya ng isa sa aming mga kaibigan. Naaawa kasi kami sa kanya dahil sa pagiging martir niya sa kanyang asawa na hindi naman kayang tumbasan ang pagmamahal na kanyang ipinapakita. Palagi namin siyang napaguusapan at palagi namin siyang pinagsasabihan kung ano ang mas makabubuti para sa kanya. Pero mas matimbang pa rin sa kanya ang pagmamahal kahit na siya lamang ang nagmamahal.


Itago na lang natin sya sa pangalang Eng. Siguro kasi eng eng siya. Sa pagmamahal sa asawa.

Hindi naman talaga ito istorya dahil hindi ko alam eksakto ang mga dates at kung saan ang ibang mga pangyayari. Una ko ng pumasok sa aking kasalukuyang trabaho noong 2008 ng July kalagitanaan ng buwan matapos kong magresign sa isang naunang trabaho. Una ko siyang nakita at nakilalang palatawa, palabiro at kaututang dila ng lahat. 

Maganda siya, pero di ko siya type pero marami sa kanya ang nalilink at nabibighani. Siguro ganun talaga may iba't ibang tipo ang mga tao. Ilang buwan ang lumipas at naging kaibigan ko siya, di naman mahirap gawin yun dahil sadyang mpagbiro ang taong ito at mahilig makipagtawanan sa iba. Ngunit sa kabila pala ng mga ngiting iyon ay may lungkot na bumabalot sa kanyang istorya. 

Una kong nalaman ito mula rin sa isa sa aming kasamahan. Si Eng, alam mo bang mahal na mahal niya ang kanyang asawa. Si Higanteng Hilaw na Lampa. Yun na lang ang itawag natin sa kanyang asawa. Tingin ko kasi napakalaki niyang maputing tao pero isip bata, mama's boy at walang paninindigan. Naku lagot ako nito pag nabasa na niya to.

Well, ituloy ang istorya. Masasabi mo bang mahal ka ng isang tao kung nung Gf/Bf pa lang kayo ay todo bakod na sa iyo? Pero pagkatapos naman matikman ka at maanakan ay naglahong parang bula ang pag-ibig?
Natuklasan ko dahil na rin sa tsismoso ako ang kanyang istorya. Magkaklase sila sa Unibersidad dito sa aming lugar at pareho ang kanilang kurso. Campus crush daw ata tong si Higanteng Hilaw na Lampa at itong si Eng naman ay todo crush sa kanya. Nagkaroon ng trabaho pareho at si Eng nga ay napadpad sa amin samantalang si Higanteng Hilaw na Lampa ay sa isang Call Center kuno. Yun ang sabi ni Eng, ewan lang namin kung totoo baka kasi piangtatakpan lang niya.

Habang nagtatraining sa aming trabaho ay kung todo akabakod itong isa. Animo'y gutom na leon na aagawan ng pagkain. Ayaw maunahan, ayaw maagawan. Wow galing. Lumipas ang panahon, nabuntis si Eng hanggang sa nanganak. Nagpagiling sa panganganak at matapos nito ay nagplanong magpakasal sa huwes lamang. 

Araw ng kasal, naghihintay si Eng kasama ang mga kamag anak ngunit ni kamag anak nang magiging asawa ay walang dumating. Huli na niya ng malaman na inatras pala ng Higanteng Hilaw na Lampa ang kasal dahil sa kanilang naging pagtatalo noong huli. Aw ang sakit diba? Kung ikaw yun anong mararamdaman mo? Uulit ka pa ba? Mamahalin at pagbibigyan mo pa?

Mahal ni Eng, pinatwad at muling pinagbigyan ang lalakeng lampa. Muling ang schedule ng isa pang kasalan. Si Eng ang kumilos, mga dokumento, paghahanda at iba pa. Katulad ng nauna, araw nang kasal ay walang dumating kahit anino ng Higanteng Hilaw na Lampa. Pakshit! Kung sa kapatid ko ginawa yun baka basag basag na pagmumukha nun kahit matangkad pa. Nakakahiya, yun yung pakiramdam ko ng malaman ko yun.
Naawa kami sa kanya sa nangyayari. Kaya pala ganon siya sa opisina. Tawa ng tawa. Doon niya pala nilalabas ang nakatagong sakit na nararamdaman sa pamilya.

Eng bakit ka pumapayag na ganunin ka? Hindi makasagot si Eng. Alam na namin ang sagot. Mahal niya, yun lang yun. Halos ipamukha na namin sa kanyang marami pa syang makikitang mas deserving pero tila walang daitng sa kanya. Ewan ba namin anong meron yung HIganteng Hilaw na Lampa na yun at di niya maiwan iwan. 

Inuuna pa ang basketbol kesa sa araw ng birthday niya. "Magbabasketbol kami ng mga kamahan ko" hintayin mo ko at lalabas tayo" Kung sa pagkakatanda ko yan ang narinig kong text sa kanya. Aalis daw sila pagkatapos maglaro ng basketboll dahil bday nga niya. Excited naman tong si Eng. Umaga pa lang ay tila gusto nang umuwi at makasama ang asawa. Susunduin daw siay paglabas. Lumipas ang gabi at wala ang sira ulo. Nag inuman da pagtapos maglaro dahil nag aya ang isang barkada. Ouch! Anu ba yun! Di ko kayang gawin yun kay Mhay ah. 

Kanina habang papasok si Mhay at inihatid ko sa trabaho ay napaguusapan na namin si Eng. Tumawag ydaw ung Higanteng Hilaw na asawa n noong umaga. "Anong mga requirements sa passport?" "Kuha mo ko ng birth certificate" yan ang mga utos niya kay Eng. "Wala na kong off, ikaw na ang magasikaso nyan" ang sabi ni Eng. Sabay natapos ang istorya at di na alm kung anong napagkasunduan. Sinabi na lang na "Bakit anong pinapagawa sayo ng asawa mo?". Pinapakuha ako ng passport at birth certificate ng anak namin. May hindi siya sinasabi at tingin ko ay mag aabroad siya. Yan ang sabi ni Eng habang nagiisip at nakasimangot.

"Iniitsepwera ka na naman at ang kapal ng mukha dahil sayo pa pinapaasikaso habang siya ay nagpapakasaya sa mga kabarkada" ang sabi ng isang kasama. Talagang ang kapal ng mukha ng asawa. Paano na siya, kung siya kung dito pa lang sa Pilipinas ay ginagago na siya. Paano pa kung sa malayo pa. Sarili nilang anak hindi nila kasama dahil nandoon sa side ng Higante. Walang pagmamahal sa anak at asawa, walang oras para sa pamilya. Wala kaming magawa kung hindi ang pagsabihan siya. Pero kami na ang nagsasawa, hindi naman siya nakikinig, hindi naman siya natututo. Bakit ba siya nagtitiis? Ganito ba talaga magmahal?  Kahit ano titiisin? Kahit mahirapan sige pa rin? Hanggang kelan siya matututo? Hanggang kelan ka magpapakagago? Eng magising ka. May oras pa. May pagasa ka pa.

Inilathala ko ang istorya ni Eng para na rin sa kanya. Kung sakaling may makabasa at mabasa niya, sana naman ay mapagtanto niya. Wala akong karapatang husgahan si Eng sa antas ng kanyang pagmamahal at kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal sa kanya. Sana na, sana hindi pa huli ang lahat bago niya mapagtanto. Sana may oras pa. Sana.

6 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

eto lang yan:


‎"Panahon na para kalasan mo sya kung naririnig ka lang nya tuwing pinupuri mo sya, nakikita ka lang nya pag nagkakamali ka, naaalala ka lang nya tuwing may problema sya, nararamdaman mo lang ang haplos nya tuwing sasaktan ka nya, at napapasaya ka lang nya tuwing wala sya"

Bino said...

‎"Panahon na para kalasan mo sya kung naririnig ka lang nya tuwing pinupuri mo sya, nakikita ka lang nya pag nagkakamali ka, naaalala ka lang nya tuwing may problema sya, nararamdaman mo lang ang haplos nya tuwing sasaktan ka nya, at napapasaya ka lang nya tuwing wala sya?"

LhanLhan said...

sana matauhan muna sya..

benjienious said...

tsk tsk tsk,
hirap talaga

uno said...

haaaaay lagi kong sinsabi sa mga kaibigan ko pag nagkakaproblema sila sa love...

nagmamahal ka db? bawal mapagod sa pag-ibig...

pero kong masisira naman ang buhay mo...kalasan mo na... eh anu ba gusto mo?

choice mo yan... yan lagi ang sinasabi ko...

its their choice... basta wag lang tayong magkukulang sa pagbibigay ng babala sa knila...

as a friend... un lng nmn ang magagawa natin eh... ang mag-advice... but we cannot make decision for them...

kasi we never know what makes them happy...just continue to be friend with... para malaman nya hindi sya nagiisa...ciao

JENIE=) said...

ayos!

naghihintay ng iyong pagdalaw...

HEALTHINFO@EarthyMe
heartQUAKES
life round meNyou
at-a-blink
2CRAVE4

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review