Wednesday, January 5, 2011

Simpleng Banat (Pick Up Lines)


















Una kong natutunang manligaw noong elementary pa ko (landi ko noh? ahahha) pero sa totoo lang syempre bata pa ko nun. Nagulat na lang ako sa kaklase ko na palagi nagbibigay sa akin ng pagkain at gusto ako palaging katabi sa upuan. Di ko naman pinansin yon kasi di ko priority, pero yun pala may gusto na sa akin at nalaman ko na lang ng hindi na kame magka pareho ng section. Sumulat sya sa akin at akin din namang sinulatan, syempre first time kaya masasabi ko na curious lang kaya nadala. Hahaha. Pero di naman yun seryoso, ika nga eh puppy love lang yun at dala lang ng kawalan ng tamang impormasyon tungkol sa mga ganong bagay. At yun ang istorya ng una kong paglalandi. Pero maiba ang usapan, syempre pag puppy love eh ligawan yan ng mga kabataan na walang alam sa mundo kundi magpacute at maglaro lang naman. Natawa ko ng maalala ko ang mga simpleng banat sa mga nililigawan noong napanuod ko ang My Amnesia Girl at mabasa ang mga pick up lines mula sa post ni Matt. Jologs na di mo maintindihan kapag naririnig mo pero syempre pag in love ka eh di mo na alintana. At ilan sa mga natatandaan ko ay ang mga sumusunod.



Boy: Ang galing mo pala sa puzzle
Girl: Bakit?
Boy: Kasi "binubuo mo ang puso ko"


Boy: Hindi ka ba napapagod?
Girl: At bakit naman?
Boy: "Kanina ka pa kasi tumatakbo sa isip ko"


Boy: Ayoko maging basketball player.
Girl: Bakit naman?
Boy: "Kasi palagi kitang mami miss"


Boy: Tumatangkad ka ba?
Girl: Hindi, bakit?
Boy: "Kasi hanggang dito ka na sa isip ko eh"


Boy: Lumiliit ka ba?
Girl: Ha? Bakit?
Boy: " Kasi dati hanggang balikat kita ngayon hanggang dito ka na lang sa puso ko oh"


Boy: Pwede bang tumingin ka sakin pa gnakatingin ako sayo?
Girl: At bakit?
Boy: "Para may pagtingin tayo sa isa't isa"


Boy: Pinaglihi ka ba sa keyboard?
Girl: Ha?
Boy: "Type kasi kita eh"


Boy: Alam mo useless ang bahay nyo
Girl: Ano?
Boy: "Kasi sa puso na kita nakatira"


Boy: Sana "T" na lang ako.
Girl: Bakit naman?
Boy: "Para i'll always be next to "U"


Boy: Nahihilig na ata ko sa Geometry
Girl: Ha?
Boy: "Kasi kahit anong "Angle" kita tignan ang ganda mo pa rin"


Boy: Battery ka ba?
Girl: Bakit?
Boy: "Kasi nabubuhay mo ak palagi"


Boy: Ibibili kita ng salbabida
Girl: Ha? Magsuswimming ba tayo?
Boy: HIndi, "Kasi malulunod ka sa pagmamahal ko"


Boy: Anong oras na?
Girl: Bakit?
Boy: "Tumitigil kasi oras ko pag nakikita kita"


Boy: Crayola ka ba?
Girl: Bakit?
Boy: "Binibigyan mo ng kulay ang buhay ko"


Boy: Alam mo dati ang dame kong pangarap.
Girl: Oh anong nangyari? Bakit?
Boy: "Ngayon ikaw na lang"


Nyay! Ang corny di ba? Pero aminin pag inlove ang isang tao kahit anong kacornihan pa yan eh pasok na pasok pa rin yan. Marami pang mas malulupit na mga pick up lines na yan at yung iba eh hindi ko pa alam. At kung may alam ka pa na mas malupet, i comment mo na lang dito at pagusapan natin. ^^


9 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

dami pang ibang pickup lines dyan. hahahah. napanood ko yung my amnesia girl eh. tawa ko sobra hehehe

uno said...

ang best part ng movie ung simula... ung ngsi-sale talk si john loyd... hindi ko na tand aung pinagsasabi nya kaso it strike me a lot... haaaaaay

riZa jAne said...

hehe hi lahn! ako meron...ito oh

girl: hot air balloon ka ba?
boy: ha! bkit naman?
girl: kasi ang hangin hangin mo.! ang laki-laki na ng ulo mo.!

hehe joke lang lhan...pan resbak lang namin yan ng mga girls na nag sawa na sa mga cheezy pick-up lines..sana 'wag mong damdamin hehe...peace..^_^

Unni-gl4ze^_^ said...

nakanang ang mga banat pang amnesia girl hehe~~
pers tym dito~~

LhanLhan said...

@riza jane - at baket ako maasar? hahha adik ka.. ^^
@unni- slamat sa pagdalaw! dalaw ka ulit ^^

Kamila said...

nakapag-comment na ba ako?? di ko maalala kung na-send ko na ba??

sabi ko hindi ko binasa tong post mo Lhan!! Kase alam mo ba...HINDI KO PA NAPAPANUOD yung My Amnesia.. T.T kahit gustong gusto ko na!!! kaso wala... hay sana pag-uwi ko.. pero tagal pa..huhuhu.. pero ayuko basahin kase gusto ko ma-excite haahhaha...

ISTAMBAY said...

pick up lines.. naalala ko jan ang "palibhasa lalake" at ang "kool ka lang". mga hanep bumanat hahaha. lalo na kung pick up lines na pambasag hahaha...

LhanLhan said...

@kamila! nyay! di naman lahat yan nsa may amnesia girl eh! adik ka kamila!

@istambay - slamat parekoy sa pagdaan at pagkokomento ^^. oo mukhang panahon natin yung kool ka lang eh, yung palibhasa lalake medyo di ko na naabutan ata yun

Nene said...

iba n tlga ang bagong banat ng mga kabataan ngaun.. kakaibang pangbobola hahaha... tingin ko my mas kokorni p jan s panahon ng tatay ko..

"susungkitin ko ang bwan at mga tala s langit, mpsa akin k lamang"

hahaha! Taray di ba? prang masusungkit naman..

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review