Monday, January 31, 2011

Sugal Pinoy


















Sugal, sinong pinoy ang di marunong magsugal? Naku, kultura na to ng mga pilipino simula pa lang ata dumating ang mga kastila. At tila hinding hindi na ito mawawala sa atin. Bata pa lang ako ay mulat na ko sa mga sugal na ito. Di nyo na itatanong na parang casino lang naman ang bahay namin dati sa malabon. Sa loob ng bahay may sugalan, sa labas g bahay may topadahan (sabong) at may nagkakara cruz. Sinong hindi matututo sa sugal na yan? Pero syempre nasa tao na ang desissyon kung magpapadala siya sa kademonyohan ng sugal. Ako, halos lahat ng sugal alam ko pero hindi ako adik sa sagal. Yung paggising pa lang sa umaga eh sugal na agad ang hinahanap bago pa magkape. Hay, ganyan talaga ang mga pinoy, sabi nga ng marami "pang pa ubos oras lang, libangan lang". Libangan na minsan nagiging sanhi ng pagkawasak ng buhay at ng pamilya. Ilan sa mga sugal na iyan ang ang mga sumusunod.























Pusoy - ito siguro ang isa sa mga unang sugal na napagaralan ko. Siakt na sikat ito noon at hanggang sa ngayon ay patok pa rin sa mga lamayan. Mabilis lang kasi ang larong ito, labing tatlong baraha na aayusin mo sa pinaka magandang bahig at diskarte ng utak ang kailangan kung ayaw mong madobl ang bayad mo.




























Pusoy Dos - kahalintulad ng pusoy, yun nga lang hindi mo kailangan ipunin ang baraha. Unang maubos ang hawak na baraha ang siyang mananalo. Kung baga kaya tinawag na pusoy dos ay dahil ang mga dos ang syang pinakamataas hindi katulad ng ibang laro na alas ang mataas. 
























Lucky 9 - isa sa pinaka madaling intindihin at mabils na laro sa baraha. Dalawa hanggang talto lang ang iyong baraha at walang ibang gagawin kundi i-add ang mga numero. Pinakamataas ang Nwebe o Nine kung kaya't tinawag na Lucky Nine. 





























Forty One (41) - Hanggang anim na players ang pupwede. Apat na baraha ang hawak at may joker kung tawagin. Bubuo ka rin ng pareparehas na diamond, heart, spade at club na kapag tinotal ay 41 ang pinakamataas. Depende sa usapan kung ano ang limit ng pag diga, minsan 37 and pinaka lowest. Pwede ring bunuo ng kwadro pero pinakamataas pa rin ang 41 sa lahat.























Tong - its - Ang nag iisang pinaka sikat na laro ng baraha hanggang sa ngayon. Siguro nauso to nung 90's at pinalitan ang pusoy dos sa pinaka sikat na laro ng baraha. Hanggang sa ngayon ay ito ang makikita mong laro ng baraha sa bawat kanto. Walang ibang gagawin kundi bumuo ng tatlo. Taltlong pares, taltlong straight hanggang sa maubos ang baraha. Unang maubos ang bahara o di kaya ang pinaka mababang bilang ang mananalo.

























Majhong - isa sa sugal na pilit kong iniintindi. Masakit sa ulo eh. Dati kasi sabi ng lola ko di daw larong pangbata kaya di kami pinapanuod pero sa pagtatanong ko eh parag tong its lang din daw. Pero mas maraming pwedeng gawin at puruhin. Ay ewan ko!























Cara y Cruz - mula sa mga espanyol. Tatlong bentisingko lang ang kailangan. Kapag nag pare parehas ibon talo ka. Kapag nagparehas ulo panalo ka depende kung saan ka tataya. Pero kapag ikaw ang naghagis, dapat pareparehas ulo ang lumabas. Kumpulan sa kanto at madalas hulihin ng mga pulis.























Sakla - heto pa ang isang laro na hindi ko maintindihan. Ewan ko pero ang daming ganito sa mga lamayan. Pangunahing sugalan sa lamay at isa sa pinaka malakas mag tong kaya patok na patok to sa lamay. Kapag may nakita kang sakla posibleng may nakaburol. Hinuhuli din to ng mga pulis kung minsan kase wala namang patay may sakla! Hahaha.





















Sabong -  ang pinaka paborito kong sugal sa lahat. Mas madali ang panalo at thrilling kasi eh. May panalo, may matatalo at may tabla pa. Mabilis nga lang ang pera kasi segundo lang tapos na agad minsan ang laban. Minsan naman walang kwenta kapag namatay agad ang pinustahan. Talo agad ang pera ng walang kalaban laban, Hahaha. Diskarte lang at buwenasan na ang kung talagang parehas magaganda ang mga manok na naglalaban.



At yan silang lahat, kayo ng bahala kung itutuloy nyo pa ang pagsusugal. Di ko nais na turuan pa kayo ng sugal, ngunit ang nais ko lamang ay maibahagi ito sa inyo. Tandaan, walang ibang kokontrolsa iyo kundi ang sarili. Dumiskarte ng tama at wag isisisi sa iba kung matatalo. Pag talo ka, talo... pag panalo buwenas mo. Balato!







7 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

ung majong marunong ako nun pati pusoy dos. pekwa at luncky 9. yun lang :D

Kamila said...

Ayyos... hahaha... pwede bang sugal yung Binggo? Naisip ko lang... ang una kong natutunan pusoy dos... tapos tong its.. pero di ako magaling.. heheheh naka-ilang lamay kase naatenan ko.. at walang ibang libangan kundi tong its... heheheh... :) pang palipas oras lang pero walang taya...

nakaksira talaga ng buhay minsan ang sugal pag sobra na... hayyyy :(

la lang... may naalala lang

ISTAMBAY said...

parekoy, pasensya ka na.. hindi ko napansin na wala ka pala sa list ko.. kaya pala kala ko di ka na naguupdate.. naadd na ulit kita parekoy..


hilig ko din ang sabong parekoy at ayan ang sakla.. noong isang gabi kang nanalo ko ng 1800 hahaha.. tapos umayaw na ko.. nakatumbok ako ng 100pesos ahehehe..

DEMIGOD WINZTON said...

NO TO GAMBLING.
BUT I LIKE YOUR INSIGHTS, HEHE.

LhanLhan said...

@kamila - hahha. oo nga nakalimutan ko ang bingo!
@ bino - hehe buti alam mo yung sakla hehe
@istambay - salamat sa pagadd ulit parekoy
@demigod - thanks!

dennis said...

may bestfriend aq dna natoto.
Last year, sinama ko sya sa pasyalan ko, ang casino. naglaro aq for fun. nanalo aq at nakauwi ng 6k. binalatuhan ko xa ng 1k. sbi ko wag nya ako gayahin. Sbi nya dati n dw xang nagsusugal pero hndi sa casino, kundi sa perya. Dumaan ang mga araw habang tumatambay kmi sa makati square napadaan ako sa baba aba! may bingohan sa ground floor ng plaza fair. Naglaro ako sa machine, nanalo. Pero nitong mga nakaraang araw lagi ng talo. Kaya hnd n ako nagsusugal dun. Yung bestfriend ko,, nahuli ko, hnd n kumakain yung pambili nya dapat ng lunch nya dinadala nya dun sa Bingo Machine. Isang araw tuwang tuwa xa at nanalo xa ng 2k. The next day bumalik xa natalo ng 3k. Tuwing sahod nya, nakapagtalo xa ng 1k or 2k. Snbihan n tigilan na nya at nakakasama n sa kanya. Bilang bestfriend nya, nasasaktan ako sa nangyari sa knya at pag wLa n xang panggastos ako n sumasagot ng food nya. Isang araw yung company na pinahawakan xa ng malaking halaga, 15k para sa pagpalakad ng mga papers ng pinapasukan nya. wala n rin kming pera noon. Magkasama kmi sa isang bording haus. Kaya share kmi dapat sa gastosin. Nagbawas xa ng 1k sa pera ng companya at para sa panggastos nmin. Ng hapon n yun sumaglit ako sa Bingohan ng Makati Square sa ibaba ng mall.. Nagdala ako ng 500 at d nmn ako nabigo, naging 1500 ang 500 ko. Ng ramdam ko n na kinakain n pera ko kinash out ko na. Nanalo ako ng 1k. snbi ko sa bestfriend ko na nadagdagan pera namin dahil nanalo ako.
Kunabukasan pagkatapos ko mag jogging sa Park dumeretso ako ng Bungohan sa makati square ulit sa 20 pesos ko naging 100 pero naipatalo din. Tumingin ako sa likod ko ang laki ng taya nya sa Multi Bingo Machine, Open all cards at maximum bet. 20 cards ang open all cards at bet 10, 10x20=200. 200 pesos per bet nya. bwat pindot 200 iba p ang extra ball or dagdag na bet pag gusto mong matamaan ang highest price. The higher the bet, the bigger nmn ang cost ng extra ball. 1500 ang extra nya para mag coverall. nilaban ng mama at nag coverall xa ng dalawang beses! nasa mga 30k cguro net n panalo nya. Kunuwento ko iyon sa bestfriend ko, at snbi ko n wag xang makapunta dun ng isang linggo or dahil babawi at babawi bingohan sa napanalunan ng mama. Ngiti xa at sbay sbi nhndi xa pupunta dun. Ng hapon ng araw n yun dumaan ako ng bingohan at nagdala ako ulit ng 500. matalo ko man to, ok lng kc pera nmn ng Bingo to dahil sa nanalo nga ako khapon. Pagpasok ko ng Bingohan, nkita ko ang BESTFRIEND KO! Enjoy n enjoy sa Paglalaro sa Bingo machine. Akala ko nanalo dahil puro tig 1k pinapasok nya. Oh my God!, nalaman ko n yung pinantaya nya ay ang pera ng companya at worse kc malaki n naipatalo nya 10k. Nalaman ko nlng pag uwi nmin. Sbi ko sa knya, db ang sbi ko sayo wag k pumunta doon? sagot nya, dko n namalayan eh. kinabukasan nanghingi xa ng pera sa nanay nya sabay sbi n naiwala dw nya walet nya kasama ang pera ng companya. pinadalhan xa, at sabay nangako n babayaran nya nanay nya sa sahod. Sbi ng nanay nya pang tuition sana iyon nila Rj at Lisa (mga kapatid ng bestfriend ko) pero cge ipapadala ko, manghiram nlng ako dto anak.
Dumating ang araw ng sahod, hnd nakapagpadala sa nanay dahil may mga iba p pla xang mga pinag utangan. Lumipas ang dalawang linggo at sahod n ulit cnb nya sa akin n magpapadala xa ng pera sa mama nya at nanghiram sa akin ng 1k. 500 lng punahiram ko. nung araw n yun dumamaan n nmn pla sa bingohan ng makati square at d n nmn namalayan at naubus ulit ang lahat ng sahod pati ang hiniram sa akin. Hnd ko n alam kung anu ang gagawin ko, paulit ulit nlng xa nangako n hnding hndi n xa magsusugal pero paulit ulit nmng pinako ang pangako nya. Adik n nga xa sa sugal, anu b ang dapat kung gwin para gumaling sa sakit sa pagsusugal ang bestfriend ko.

LhanLhan said...

dennis, paa sa akin mas mkabubuitng lumayo kayo sa lugar na iyan kung saan malapit ang pagsusugal. at kung maari, libangin nyo sa ibang gawain ang mga sarili nyo.

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review