Thursday, February 17, 2011

Blogger's Eyeball: Feb 13, 2011




















Ayan, ang unang beses kong nakipag eyeball sa mga kabloggers ko sa buong buhay ng pagboblog ko. Nagsimula kong magblog noong 2007 at maraming blogs na kong nagawa. Pabago bago kasi ko dati tapos puro english yung mga nagagawa ko. Lately ko lang nadiscover itong mga tagalog bloggers kaya I decided na gumawa rin ng isang tagalog na blog. Ayun, dahil dito marami kong nakilala, dahil sa tagalog kong blog eh nakapag eyeball din ako sa unang pagkakataon at super enjoy. 



Syempre sa umpisa tahimik, nagpapakiramdaman pa muna kami. Pagdating ko doon ay naroon na si pareng Bino, Rico, Ate Mhel at Rj na kumakain ng burger at fries. Di man lang ako inalok. Hahaha. Tapos sumunod na dumating sila Leah at Xander na master pogi. Hehehe. Peace Xander. Tapos eto na yung pinaka makulit na si Ron. Hahaha. Close na pala tong sila Rico, Bino at Ron kasi ayun parang mga magbabarkadang magkakapitbahay lang. 


Tapos yun, kuwentuhan, tanungan, kamustahan hanggang sa magtanong na kung anong plano at saan kami lalakad. Si pareng Bino daw ang senior kaya't sya ang pinagdecide namn sa plano. Hahaha. Parekoy peace din! Hayun, sabi ni Leah wait lang daw kasi may inaantay pa kami. Si Yanah na super kulit! si Empi na super tahimik naman kabaligtaran ni Yanah. Si Kyle, yung isang girl (si Badeth sabi ni Kyle) at yung isa pa. (si Neilz sabi ulit ni Kyle!) hehehe.. Sorry di ko matandaan name nyo. Hehe.

Ayun nakapagdecide ang lahat. (si bino lang) na sa MOA na lang daw kami. Hong layo ha! Hehehe buti nalang at linggo at walang traffic. Hayun, pagdating sa MOA lakad lakad sa tabi ng dagat, picturan, kwentuhan at kainan.






















































Pagkatpos syempre kumain muna sa Denis Grill.




















At pagkapos ay kantahan na. Nakakinis lang talbog kaming lahat kay Rico. Eto namang si ROn puro picture ang ginawa at hindi kumanta. Ang daya hehehe. 



















































First time ko pero pagkatapos ng eyeball ay parang kilala ko na silang lahat agad. Si Xander kalapit bahay ko nga lang pala dito eh tapos now ko lang nalaman. Hahaha. Biruin mo yun. Kinuntsaba ko pa sa pag uwi para bumili ng regalo sa aking mahal na si Mhay

All in all, maraming salamat guys sa bagong experience at sa mga bago kong kaibigang matatawag. Sana next time ulit, yung mas maramin ulit para mas enjoy. Good luck to all of us in blogging. God Bless all of us. Thank You.




















Pahabol nga pala to. hahaha. Kulit namin!

























19 Nakiusyoso sa usapan:

Anciro said...

tsk...tsk...tsk...di ko nyo nahintay! may dagdag sana ng banana q.

YanaH said...

ako na ang maingay at makulit.
amf
hahahaha

nice meeting you..

next time ulit!

www.lifes-a-twitch.com

Si Inong ay ako said...

kakaingit naman whahaahaha....

Bino said...

next time sa ibang place naman ha. sa MOA hehehehe

Kyle said...

hahaha pareho lang tayo fist timer.LOL pero madaldal na ako ng konti.LOL

si Nielz po yung guy at si Badet naman yung nakaviolet.lol

nice meeting you po.

ABoyNamedXander said...

wohooo!! ang kulit nyo.. ako tahimik lang hahahaa.. master pogi ka dyan..kasinungalingan un hahaha

Nene said...

waaa!! inggit ako...

ISTAMBAY said...

inggit ako hehehe... :)

empi said...

ang saya saya oh... :D

maingay talaga si yanah kumpara sa akin. :D

RICO DE BUCO said...

wow at andito na ang eb post hehehe naks

riZa d' hoLic said...

wow hongaling! sana makapunta din kayo dito sa davao hehe

Axl Powerhouse Production Inc, said...

whahah always in MOA hehehe :D

Kamila said...

KAYO NA... hahaha bitter? :)

Kyle said...

salamat sir at nice meeting po.

Leah said...

Nice meeting you, Lhan.. sa uulitin. :)

LhanLhan said...

at dahila jan! inedit ko na! hahah. salamt kyle! si neilz pala at badeth yun! thanks! ^^ sa uulitin!

Hi I'm ROY said...

Nakakainggit naman kayu... hindi ako kasama! hahaha

jasonhamster said...

wow ang dami nyo pala!

hahahaha

ang kulet mo magkwento tawa ko ng tawa

http://jezonhamster.com

jasonhamster said...

spam ata comments ko>?

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review