Monday, February 28, 2011

Mga Dapat Tandaan At Asikasuhin Kung Magpapakasal


















Noong una akala ko napakadali lang magpakasal. hindi pala. Yun bang pagkatapos ng pamamanhikan ay may mas mahirap pa pala kaming pagdadaan. Nagssisimula pa lang pala kami yan ang napagtanto ko. Bukod sa magastos ay kailangan pang asikasuhin ang napakaraming requirements at dapat ikaw talaga mismo ang maglalakad para sa mga ito. Pero after all of this naman marerealize mo na its all worthy kasi ikaw ang nagpakapagod, hindi ka nang istorbo ng ibang tao, naexpereince mo ang once in a lifetime na ganito at kung sakaling may mag ask sayo ay isa ka sa mga taong kayang kayang sagutin lahat ng mga itatanong nila tungkol sa mga aasikasuhin at kung papaano ang pagpapakasal. Dahil dito naisip kong magtala ng mga naging karanasan ko at kung paano ang sunod sunod na pagproseso ng mga ito. Pati na rin ang pagbubudget at ang araw na kung kelan magsisimula ang paghahanda.

At narito ang mga sumusunod...



Una, kailangan mo munang mamanhikan syempre. Hindi naman importante ang magarbong pamamanhikan. Ang importante ay maiparating mo ang iyong taos pusong layunin at mga plano sa iyong mga magiging biyenan sa paghingi ng kamay ng iyong mapapangasawa. Pwedeng gawin ito sa bahay oh di kaya ay sa isang tahimik na kainan or kung saan kayo mas kumportable.


Ikalawa, panahon na upang asikasuhin mo ang mga requirements mo at ito ang pagkakasunod sunod.

- Birth Certificate na galing sa NSO ng inyong lugar or city hall.

- CENOMAR (Certificate of No Marriage) na pagpapatunay na hindi ka pa ikinakasal sa kahit na sino. Aaabot ito ng kulang kulang (10) Sampung araw para makuha. Siguraduhin tama ang pagkakasulat ng mga pangalan at kung may junior ang iyong ama sa birth certificate mo ay dapat may junior din sa CENOMAR mo. Kapag wala ay ipapaaulit nila ito sa iyo. Dahilan para mag antay ka na naman ng sampung araw. Buti yung sakin parehas walang junior si papa kaya pasok agad.

- Marriage Counseling at Family Planning Seminar mula sa inyong city hall.

- Barangay Clearance na for Marriage Purpose.

- Baptismal Certificate na bago at may nakalagay na for Marriage Purposes.

- Confirmation Certificate na bago at may nakalagay din for Marriage Purposes. Kung wala ka pang kumpil ay mayroon sa Quiapo na linggo linggo ang pagkukumpil na tatagal ng 4 na oras lamang. P350 ang bayad at another P50 sa Certificate sa pagkuha mo nito.

- Simbahan na pagpapakasalan. Alamin ang araw na gusto para sa pagpapakasal. Kasi maraming nagpapakasal. Yung araw kasi nang kasal namin may nauna sa amin so no choice kung hindi sa umaga na lang kami. Dapat kasi sa hapon kami. Alamin din ang bayad kung magkano, kung kasama na ba ang mga bulaklak (design), magkano ang bayad sa mga sponsors at iba pa. 

Pagkatapos nito ay magkakaroon kayo ng seminar sa simbahan (Pre Cana) na kailangan din ng isang buong araw ninyong dalawa.
 

- Kapag natapos mo na ang CENOMAR, Barangay Clearance, Birth Certificate, Confirmation Certificate, Valid ID, marriage counsel at family planning seminar ay ipaxerox ang mga ito at pumunta na sa city hall para maiprocess na ang mga ito. 

Kapag ayos na ang lahat ay makukuha ang mga ito sa loob ng (Sampung Araw) at may validity na 120 days lamang. Siguraduhing pasok ito sa araw ng iyong kasal para di madoble ang marriage license mo.


Ikatlo, kapag natapos na ang pamamanhikan, pag asikaso ng lisensya ay panahon na para umpisahan ang mga isususot at ang reception. Maaring kayong pumunta sa divisoria or sa baclaran para magpatahi ng mas murang wedding gown at damit ng mga abay. Kung may budget naman kayo ay sa kilalang boutique or mananahi magpunta.

Tips ko lang syempre mas mura sa divisoria at baclaran. Makakapili ka rin naman ng design na gusto mo basta nasa tamang presyo lamang. Aabot ng isang buwan ang pagtahi ng mga ito at kung may panahon pa ay maaring iparepair kung may hindi pa tama ang sukat. 

Isabay mo na sa pagpunta sa divisoria o baclaran ang pagpili at pagbili ng give aways. Mas simple mas ok pero kung may budget mas maganda talaga.

Sa reception (kasama na ang catering) naman ay siguraduhing magpabook na rin ng mahigit sa isang buwan. Mabilis ang panahon at kailangan ding paghandaan ng rerentahan dahil baka maunahan ka ng iba pang nagpapabook din. Sa aming nakuhang catering, nakapackage na kasi ito. Kasama na sa catering namain ang cake, dove, wine, sound system at ang wedding car dahilan upang hind na kami ampagod pa na isa isahin ang mga ito. Kung baga isang lakaran na lang at isa nalang ang nagaasikaso. Walang ganong pagod at husle pa.


Pang apat ay ihuli na ang -photo video coverage kung may budget pa dito. Maari rin namang sariling camera na lang ang gamitin kung nagtitipid. Kung may kakilala ay mas mabuti upang mas mapamura dito. Sa ngayon kasi dagdag gastos talaga ang photo and video coverage, kailangan lang ng budget kung gusto mo talaga nito.


Sa huli ang kailangan mo nalang intindihin ay ang invitation cards na ipapamigay mo. Huli mo na to kasi di mo sigurado kug sino sino ang mga iimbitahan mo at kung ilan silang lahat. Pwede mo namang ihabol sa catering kung gusto mo itong padagdagan mga two weeks or one week before the wedding.

Pagkatapos ng mga ito ay wala ng problema kundi ang araw ng kasal. Syempre problema kung di sumipot ang taong iisang dibdib mo. Siguraduhin mo yun para di masayang ang lahat. Hahaha.
Sana ay nakatulong ang mga ito sa mga future at nagpaplanong ikakasala dyan. Pwede nyo akong tanungin sa iba pang mga bagay at naway matulungan ko rin kayo. At wag kalimutan, imbitahan ako. Hahaha.


Magandang Gabi!









 

44 Nakiusyoso sa usapan:

Kamila said...

at bbinasa ko naman talaga ito ng buong buo.. magpapakasal na? hahahahhah..pero useful toh kuya Lhan..galing mo...

Bino said...

at tatandaan ko ang lahat ng mga sinabi mo pag iakaksal na ko hehehehe

uno said...

ang haba ng proseso no? hehehe
anyway im always have the feeling of happiness when somebody is getting married... its so magical kasi...

LhanLhan said...

hehehe sige lang basahin nyo talga dapt to. in the future marranasan nyo rin sya/.. ^^

jhanet isidoro said...

heellloo.. thanks po sa nutbok ni lhan..
my sister getting marry this yr of oct.
and dto ko nabasa lahat ng info.
except for one thing
i wanna know.. ilan po ba ang abay sa kasal? and ninang ang ninong .. exact detail pls.and numbers.. pls po..
help me. thanks :)

LhanLhan said...

@Jhanet isidoro - HI mam Jhanet, sa kasal namin we have 5 sets of abay including na yung made of honor and best man and also 5 sets of ninongs/ninangs. It depends on your budget., kung kaya ng budget and mas bongga ang gusto, why not have many abay and ninongs dba? anyway, blessings to your sister for their wedding and thanks for the visit and time to comment =)

notbuknilhan

Chelsea Zerrudo said...

Hi Lhan, kung saang city ba nag siminar kelangan don din magpakasal?
help please thanks.

LhanLhan said...

@chelsea zerrudo, i think kahit isa sa inyo dapat taga doon kung saan kayo nag semnar. pero better if you ask na lang dun sa church or kung saan kayo nag seminar.

Krizia Barrida said...

Hello lhan mga ilang mons po para pag handaan ang kasal at magkano po lahat kaya ang magagastos kung nagtitipid? Thank you po

LhanLhan said...

@Krizia - depende mam kasi sa requirements, if sa tingin po ninyo matatagalan kau dito might as well prepare it for about 6 months.

sakin kasi FEB ako ngprepare then May pa ako kinasal.

Kng nagtitipid po kau pwede namang walang ceremony sa simbhan. yun rights lang. mas mkakamura pag ganun. meaning nun wala ng lakad lakad pa sa simbahan like ng mga abay. diretso n agad kasal kayo.

and kung digits talaga ang hanap mo eh hindi po ntin masasabi yan kasi nagiiba ang presyo po ng lahat =)

apeng quiambao said...

Catholic church k kua lhan ryt? E my idea kba kpg baptist kung ilang abay at ano ano ung title nla pati mga bata na abay? My plan dn kc kmi magpakasal by nxt yir p nman kaso kasi wla dto ung partner ko kaya mas maaga nmin inaasikaso. Thanks kua lhan..

rholand matias said...

ganun di @apeng quiambao, qng panu kinasal sa church ganun din sa baptist. kailangan p rin ng mariage license.

at kailangan iproseso mo na un. pero kung next year pa malayo layo pa rin naman.

sa mga abay, ganung ganun din. halos walang pinagkaiba. pati sa mga ninong at ninang.at ung place, pag pastor magkakasal kahit saan place mo gusto.

Aimee Barro said...

sa civil wedding kaylangan pa din po ba ng sponsor?

rholand matias said...

@aimee Barro, ang pagkakaalam ko, kahit isang ninong at ninang lang po.

sarah gatchalian said...

ilan po ba dapat ang abay?

lucky sevenn said...

Hello po .ask ko lng abay kasi ako haha.. Kasu may work akooo.. Panu un pg d aq nkaatend?:/

rholand matias said...

!lucky sevenn - pwede naman po mag pa palit. or ung tintwag na proxy =D

macae said...

kailagan ba magpakasal muna sa huwes bago magpakasal sa pari?

tina said...

kelangan pa po ba ng wedding planner or wedding coordinator?

rholand matias said...

depende po yan sa budget nyo. and kung may time kayo para kayo mismo mag asikaso. kung wala po. might as well get a wed coor.

Liza Mae Marquez said...

kakayanin po ba ng 1 month lang ang preparation ng kasal?

June Gonzales said...

hi kuya!tanong kulang po kung pwedeng ako narin po ang magasikaso ng mga kailangn n documents ng fiance ko.kc isang bwan lang po ang bakasyob niya e magaalangan po kc ako bka hindi kayanin ng isang bwan ang preparation?salamt po sa reply kuya.

Nikki Macabare said...

hello po ..magkano po bayad sa simbahan ..

Robby Ross Valles said...

Hello po ask ko lang po mga magkano po ang nagastos po ninyo, lahat lahat ? kasama na po ang sa reception.

Robby Ross Valles said...

Hello po ask ko lang po sana kung mga magkano po LAHAT LAHAT ang nagastos ninyo ? Kasama na po ang sa reception. Hope mabasa at masagot nyo po ako. Thanks

Robby Ross Valles said...

Hello po ask ko lang po mga magkano po ang nagastos po ninyo, lahat lahat ? kasama na po ang sa reception.

shane chloe said...

Ilang buwan nyo nilakad lahat ng requirements? And magkano yung inabot lahat ng nagastos nyo sa lahat sa paglalakad ng requirements pati s pag aaayos ng kasal?

Mic Nahilat said...

@Bosslhan

Tanong lng po,kasi nakuha n po ng mother q ung baptismal q pro ala nmn po nkalagay n for marraige purposes at nong ni chceck q po, iba ung spelling ng name ng father q s NSO cert q at s batismal paper qpo.
Joefil - NSO
Joepil - baptismal
anu po ang susundin q for cenomar s pag fillup.

Unknown said...

Ilang araw processing ng kumpil ska anu ano requirements.

Unknown said...

kahit po ba hindi nakapirma yong parents at hindi makapagseminar mareregister ba ung marriage lisence

judy ann Deleon said...

mag kano po nagastos mo lhat lhat mag pakasal kc kmi nang bf ko

judy ann Deleon said...

mag kano nagastos mo po

Unknown said...

Pde nb mgpasched. Khit dpa kumpleto req.. Pra lng mkpgseminar na agad sa church .. Kc dba 2months before ang pgppsched .

xirenx hsiri said...

Pde nb mgpasched. Khit dpa kumpleto req.. Pra lng mkpgseminar na agad sa church .. Kc dba 2months before ang pgppsched .

jmk said...

panu to kuya ee wala daw ako baptismal certificate, i dont even know if i was baptized or not..anung ggwin ko?

Maricel Cabrera said...

Tanung lng po f mga magkanu kaya ang magagastos s Pag pApakasal

jaypee malesido said...

paano po kung walang baptismal.? kasal n ko sa Civil. .pero balak ko mgpakasal sa simbahan eh. .

Ruby Macatangay said...

Maari ba unahin nmin ung mga req tulad ng brth cert,baptismal,cert ng kumpil,before kami punta s church para s ibng mga kailangan??salamat

rholand matias said...

pasensya npo kayo ngayon dahil ang inyong abang linkod ay napka bc. sa mga nagtatanong kungmagkano nagastos.

sa akin mga nasa 80kpo.

sa mga mali ang spelling hindi po ioohoor yan dapatipatamapo muna ang spelling.

sa mga wala pang baptismal magpabaptismal po muna kau kasi requiremnets yan sa simbahan.pwede n kayo pareserve ngdate ng kasal pero di pakayo mapoprocess.

Dean Aurie Javison said...

Ilang abay po ang kailangan..bata at mga dalaga/binata?

Dean Aurie Javison said...

Ilang abay po ang kailangan..bata at mga dalaga/binata?

Cherlei Aldea said...

hello po ask ko lang po kung ang bride and groom ang magpapagawa ng mga susuotin ng primary and secondary sponsor? thanks po.

rholand matias said...

ms. cherlei, kahit hindi na po kayo mgpagawa kasi parang magiging krangalan ng mga sponsor ung mga susuotin nilang damit. magpapabonggahan yan. pero kung gusto mo talga uniformed ang tema nyo eh pwede namng kau n mismo magpawa.

rholand matias said...

@dean kahit ilan po pwede bsta kaya ng budget nyo.

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review