Sunday, February 6, 2011

Nafufrustrate Na Ko Sa Pagboblog Ko...




















Ano ba talaga ang pagboblog? Minsan dumarating na sa puntong naiisip kong parang di na worth yung pagboblog ko kung di naman ako kikita ng malaki. Nung una nandyana ang google adsense na inakala kong isa sa mga ways para kumita ako ng malaki. Pero anong nangyari? Ang lintik na google na yan bigla ba namang binan ang adsense ko at ang sabi ay may authority silang magban ng account at hindi nila sinasabi ang dahilan kung bakit. Nakakainis di ba? Ilang beses a kong gumawa ng appeal sa adsense pero ni isang reply ay wala silang ipinamukha sa akin. Ano ba yun?!


Ilang taon nakong nagboblog, siguro mga mag 4 years na ata kaya lang paiba iba ako ng blog kasi hinahanap hanap ko yung pinaka magandang title para sa blog ko. Gumawa ako ng english na blog na inakala kong nararapat kasi halos puro english daw ang kailangan ng mga advertiser at kung tagalog ang gagawin ko ay baka mahirapang maapproved. So gumawa ko ng blogs, ayun mabibilang lang ata ang mga opportunity na ibinibigay sa akin at tingin ko hindi sapat kahit na pang sustain lang ng pang bayad sa internet at telephone bills ng isang buwan. Abono pa sa madalit sabi.


Sabi nila maging masipag ka sa pagbloblog lang at may mapapala ka. Naging masipag naman ako. Siguro di sa akin ang pagboblog na ito. Di ko naman inaasam na yumaman ako sa blog. Gusto ko lang naman magkaroon ng extra income pwera pa yung income ko sa work ko. 


Yung nagturo sa aking magblog. Naenganyo ako kasi naman nakita ko talaga ang pagasenso nila sa pagboblog. Siguro kasama na din dun ang blessing ni God. Wala lang, para kasing nagaaksaya ko ng time sa pagboblog ng wala naman akong nakukuha. Oo nga at nailalabas ko ang sarili kong mga suhestyon pero tingin ko unti unti ay di para sa akin ang pagboblog.


Adsense, Adhitz, Chitika, Adbrite at pati mga PTC ay tsinaga ko na para magkaincome kahit maliit at punti unti lang. Nariyan ang Neobux, Onbux, Incrasebux at iba pa na walang humpay kong kiniclick araw araw para sa sentimong pera tapos yung iba naman scam pa. Inipon ko ng matagal tapos pag icacash out na ayun biglang mawawala yung site. Yung iba ewan kailangan pang mag fee muna bago makapag cash out samantalng ilang buwan mo iipunin tapos imbes pera mo na gagamitin mo pa sa pang register. Hay naku!


Grabe. Nafufrustrate na ko mga kablog. Ang kaisa isang nagbiibgay sa akin ng opportunity ay yung buyblogreviews lang. Simula ng magblog ako ay doon pa lang ako nabibigyan ng trabaho. Nagregister din ako sa ibang kahalitulad nito. Yung Parperpost, SponsoredReviews pero wala pa rin. Hay, ano bang problema? Yung mga blog ko? Yung mga post ko? Oh parang di talaga para sa akin ang pagboblog.



Any suggestion mga kablog? Parang gusto ko nang sumuko sa pagboblog ko. Need help.





13 Nakiusyoso sa usapan:

Tsina said...

Nako, gusto ko sana magbigay ng advice. Pero ang pagba-blog ko ay purely personal reason. Kung kikita sa adsense or nuffnang, bonus na lang yun. Wag ka na ma-sad. =)

Jae Gibbs said...

alam ko kasi sa mga kumikita ng malaki sa pagba-blog yung mga nagpopost ng mga "how to do this & that" o kahit ano basta informative yung tipong maraming tao ang naghahanap sa internet araw-araw, kasi dun sa mga hits na tinatawag nila, dun binabase ng advertiser yung mga ilalagay nila sa blog mo.

pero, kung sa tingin mo, di para sayo yung ganung klase ng pagba-blog, gawin mo na lang pampalipas oras.
pag ala ka magawa, may gusto kang ikuwento. ganun, iblog mo, maraming tao naman ang natutuwa, kaya nga may mga follower ka eh.

Kraehe said...

Pareho kami ni tsina, bonus na lang yun. Kasi for me hindi naman technical ang blog ko para dumugin ng visitors araw araw. Naka-focus ako sa online work talaga, more like freelnace sites like odesk. Don ako kumikita since marami sa jobs don ay kaya ng skill set ko.

benjienious said...

pwedeng magcomment!
sa tingin ko ganun talaga.
tinatamad din ako
pakiramdam ko ako lang nakakaintindi ng blog ko.
pero isang araw, nakita ko tumatawa ung kuya ko habang nagko-computer. natatawa pala siya sa blog ko. ang saya ko nung araw na yon...
di ko maintindihan bigla akong sinipag magpost pa ng marami, at salamat merong nagkocomment kahit paano. so masaya ako, masaya ang pagba-blog!
naniniwala ako pinagpapala ang mga may tiyaga.
magkakapera din tayo ng malaki. sana

benjienious said...

buti ka pa nga sir maraming nagkocomment, ung sa akin panay bumbay. nice post daw eh tagalog naman ung post ko, paano nalaman na nice?

Kamila said...

actually kuya Lhan.. nung una sinubukan ko mag Ad sense..dito sa tagalog blog ko.... tapos sabi di nila maintindihan yung language.. yan ang dahilan bakit nabuo ang english blog ko... pero nung tumagal narealize ko na ayuko na mag adsense..masaya na ako na nag-shashare lang ako... at madami din ako natututunan at madami nakikilala..masarap sa pakiramdam.

ngayon... eto yung sa adsense... feeling ko scam lang lahat.. hindi ako agad agad nagtitiwala na sa internet.. kase baka mamaya kumikita sila sayo..tapos kapag need mo na ng bayad..wala biglang wala na... naiisip ko yun...

tama si Jae..baka makatulong yung pagsusulat mo ng HOW TO.. kase madame gumagawa nun eh... kahit ako kung pwede lang ako kumita eh.. maglalagay ako mga advertisement eh..

Bino said...

yeah i agree with Tsina, bonus na lang ung earnings dun eh. pero try mo mag SEO para mas madaling tumaas rankings mo

Axl Powerhouse Production Inc, said...

the reason to blog to express not to impress bro :D

ISTAMBAY said...

ako kasi parekoy, maiexpress ko lang ang nasa isip at maisulat ko lang kung anong nararamdaman ko.. ok na sakin.. sabi nga ng iba, pangalawang bahay na ito..

Leonrap said...

for me, personal blog lang. ako... wala akong interest pagkaperahan ang blog kasi unang-una, di ko alam kung paano. hehe...

LhanLhan said...

nakakataba naman ng puso at nakakencourage ang mga comments nyo sakin. at dahil jan naging mas inspired nga ko ngayon. maraming salamat sa lahat ng ngcare para magcomment! asahan nyo mas pagbubutihin ko pa ang lahat! salamat! kahit walng kita basta mkpagpatawa! ^^

mhay19 said...

huli man daw ay pwede pa rin magcomment.. ahihi

as ive told you mahmine.. ang may itinanim na tyaga, may aanihin na nilaga.

tulad nila personal din ang dahilan ko bakit ako ngbblog maraming beses na ako ngpalit ng blog alam mo yan, pero alam ko sa umpisa pa lang malabong kumita dito dahil unang una hindi ko alam kung panu.. ahahaha!

sa akin, more on personal journal ko ang blog at nakakakilala ako ng mga new friends at masaya na ko dun.

wag ma-sad blog lang yan, importante meron kang totoong trabaho, un ang dapat mo pagbutihin..

wag mo i-force yung sarili mo o wag mo isipin na kikita ka sa blog i-enjoy mo lang.

GODspeed n ILOVEYOU!

LhanLhan said...

salamat mahmine! i love you too!

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review