Thursday, February 10, 2011

Nakakastress, Super Sa Pagod, Sakit SA Ulo Pero Nakakaexcite




















Ilang araw din ang lumipas matapos ang pamamanhikan namin noon kila Mhay. Lakad doon lakad dito ng mga requirements para mabilis na matapos ang lahat at asikasuhin naman ang iba pang kailangan. Kahapon nagpunta kami sa simbahan upang magtanong kung may nakaschedule na ng araw na iyon. Bago pa kami magtungo doon ay napag usapan na namin ni Mhay ang pagtawag ng kuya niya. Ang sabi, "Bakit daw hindi pa antayin ang pagdating ng kuya niyang isa bago kami magpakasal". Nakaklungkot kasi parang gusto nila ipostpone muna ang kasal at antayin sila. 


Sabi ni Mhay, "humingi ako ng sign kay Lord". Kapag nagtanong tayo sa simbahan ngayon at wala na yung pinagkasunduan nating date ay ibig sabihin na hintayin talaga natin ang kuya". Pumayag ako at dumiretso na kame sa simbahan. Pagdating namin ay agad naming itinanong ang pinagkasunduang petsa at in God's sign ay alam kong gusto niyang ituloy namin ito ng ayon sa aming plano. May kasal din ng araw na iyon ngunit sa hapon. Tamang tama dahil ang pinagkasunduan namin ay sa umaga. 


Natuwa kami sa aming narinig at tuluyan nang nagpaschedule sa araw na iyon. Itinanong ang mga kailangan pa at pagkatapos noon ay dumeretso sa City Hall upang kunin na ang mga requirements. Pagdating doon ay ipinakita ang mga requirements at isa na lang ang kulang. Ang seminar sa MSWD at sa Health Department. Pagkatapos nito ay for releasing na ang license namin. 

Ang isa pa palang kulang ko ay ang kumpil kayat nagpunta kami sa Quiapo para tignan ang schedule para sa pagpapakumpil. Tuwing linggo ang kumpil sa Quiapo. Weekly basis na ang ibig sabihin ay magpaparegister ka Monday to Friday at pagkatapos ay sa Linggo na ang iyong kumpil. Walang advance registration. 


Nakakastress, Super sa Pagod pero aaminin ko naeexcite ako syempre sa mga plano namin. Ang una nga naming plano ay magbayad na lang sa mga nagfifixer sa city hall para wala na kaming seminars na atenan at antayin na lang namin yun license. Pero naisip namin ni Mhay na malayo layo pa naman ang mga ito at parang mas maganda kung dumaan kami sa natural na proseso ng pagkuha ng mga requirements. Sabi ko nga "Kung wala tayong hirap na dadanasin, wala tayong ginhawang tatamasin". Ewan ko ba't ko nasabi yun. Pero kusang lumabas sa bibig ko at sa tingin ko ay gawa na rin ng will ni God.


Mga bisita, pagkasyahin ang budget, reception, requirements, mga susuotin, pagpili at pamimili ng mga susuotin, pagaantay sa dalawang kuya ni Mhay, mga ninong na sa July pa raw dadating, yan ang ilang sobrang nakakastress sa aming dalawa ni Mhay. Sana mabawasan kahit paisa-isa. Alam ko namang makakayanan namin to. Wala naman imposible. Sana lang, maging maayos din in time ang lahat. Moment namin to. Kami naman muna.




9 Nakiusyoso sa usapan:

Axl Powerhouse Production Inc, said...

yun oh.. excited na sa kasal hehehe :D

chinchan said...

best wishes =) imbetado ba kami ? hihihi

Kraehe said...

ayun oh! best wishes sa inyong dalawa ^___^

Nene said...

nku kuya ndi k n b tlga mkkpghintay pa? hehe

Anciro said...

Lhan sana invited hahahhahhah...

Kamila said...

Weeeeeh excited din ako para sa inyo Kuya Lhan!! Weeeehhhh sobrang goodluck sa pag-aasikaso.. magiging okay din ang lahat!

uno said...

ikakasal ka na at......

wala happy for you sir lhan...

best wishes...
ang imporatnte makasal kayo hindi yang budget na yan hahahha

Leah said...

Ehem... excited na talaga!!! Everything will turn out fine.. Wag masyadong mai-stress... pangit ang kuha sa pictures kapag nai-istress, hala kayo. hihi...

ANyway, good luck! Best wishes and congratulations, in advance. :)

My Tasty Treasures
Everyday Letters

Bino said...

magiging maayos din yan. congratulations :)

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review