Saturday, February 5, 2011

Romana - (Huling Yugto)


























Isang gabi sa di inaasahang pagkaktaon ay nakita ni Tikboy ang kanyang ama. Dali dali itong tumakbo sa kanyang ate. “Ate, nakita ko si itay, naroon siya sa isang bar at tila suki sya doon”. Napabalikwas si Romana sa narinig. Pinuntahan nila ang bar at nakumpirmang naroon nga ang kanyang ama.


Nagngingitngit na naman sa galit ang puso ni Romana, nais niyang pasukin ang bar na iyon ngunit gagawa lamang siya ng eskandalo at maaring makatakas pa ang kanyang ama.


Umalis ang dalawa ng agad nilang makumpirma. “Ate, anong plano mo?” Naroon na si Itay, ipahuli na natin siya!” Galit na galit na sabi ni Tikboy. Tahimik si Romana. Walang kibo at diretso ang paglalakad patungo sa kanyang bar na pinapasukan.


“Ate! Anong plano mo?”. Tikboy wag ka nang makialam. Ako ang bahala.
Umuwi si Romana, umakyat sa kwarto at binuksan ang Aparador. “Tikboy tumawag ka ng pulis, gawin mo iyan pagkatapos kong umalis dito. “Sige ate” sambit ni Tikboy. Umalis si Romana na may bitbit sa kanyang bag. Dali dali naman tumawag si Tikboy nang pulis para ireport agad.


Tuloy ang tugtog sa bar na madilim at umiikot ang ilaw na nangaakit. Si Romana pumasok sa bar at may binunot sa kanyang bag.


“Itay! Itay!” Sigaw ni Romana habang nakatutok ang baril sa ama. Lumingon si Brando at nanlaki ang mata sa kanyang nakita. “Anak, a--- nak... Wag miong gawin yan... Patawarin mo ako sa aking nagawa... nangangatog na bigkas niya.


“Hayop ka, nang dahil sa iyo namatay si Inay. Nang dahil sa iyo kung bakit naging ganito at ang buhay namin ni Tikboy. Nang dahil sa iyo kung bakit ako napariwara”. Wala kang kwentang ama! Dapat sayo mamatay. Dapat sayo pinapatay!”


Wag anak! Wag! Maawa ka sa akin. Ama mo pa rin ako.
Ama? Nang inaawat ka ba namin noong araw na patayin mo si Ina piankinggan mo ba kami? Asawa mo pa rin siya at anak mo pa rin kami. Pero pinakinggan mo ba kami? Hindi di ba? Hindi!

Dumating ang mga pulis at nakatutok pa rin ang baril ni Romana sa ama. Iha, ibaba mo na ang iyong baril at kami na ang bahala sa iyong ama. Napapaligiran na namin siya at hindi na siya makakatakas. 


Tuloy pa rin ang luha ni Romana, gustong gusto na niyang kalabitin ang gatilyo at patayin ang ama. Ngunit nanaig pa rin ang turo nang ina. “Wag kang magtanim nang galit”. “Wag Romana.”


Ibinaba ni Romana ang baril at tuluyan ng ipinaubya sa mga pulis ang kanyang ama. Si Brando, yung lang pala ang hinihintay at wala itong planong magpahuli sa mga pulis. Hindi pa man tuluyang nakaktalikod si Romana ay binunot agad ni Brando at kanyang baril at akmang babarilin ang anak.


Nakita agad yung ni Tikboy na pasalubong sa kanyang ate para sunduin. Tinabig nya ang kanyang ate at ang sumunod ay isang malakas na putok ng baril.



Bang!!! Bang!!



Dalawang malakas na putok at kalaunan ay sunod sunod na putok na ang nangyari. Nawalan ng malay si Romana pagkatapos nitong matabig at matumba.


Pagkalipas ng tatlong araw ay nagising si Romana. “Nasaan ako?” sambit ni Romana. “Narito po kayo sa ospital sabi ng nurse sa kanya. “Anong nangyari?” Nabaril ho kayo at nakaligtas naman sa kapahamakan. Biglang pumasok sa isip ni Romana ang mga huling pangyayari. Nasaan si Tikboy? Anong nangyari sa aking ama?”


Lumapit ang isang pulis na nakatalaga para bangtayan siya. “Romana, wala na ang iyong ama. Nanlaban siya at napatay. Tinangka ka niyang barilin kung kaya’t umaksyon agad ang mga pulis at binarail siya”. Dead on the spot ang iyong ama matapos ang putukan.

Muli na namang tumulo ang luha sa mga mata ni Romana. At naalala ang kanyang kapatid. “Si Tikboy? Nasaan ang kapatid ko?” 


Hindi sumagot ang pulis. Pansumandaling tumahimik. “Nasaan si Tikboy?! Anong nangyari sa kanya!?” Pasigaw ni Romana.


“Ipagpaumanhin ninyo ang balita. Wala na rin ho ang inyong kapatid”. Malumanay na paliwanag ng pulis. “Nang akmang babarilin kayo ng inyong ama ay dali daling sumugod ang inyong kapatid. Dahilan kung bakit siya ang tinamaan sa likod at tumagos sa kanyang puso.” “Kung di marahil sa kanyang pagtabig ay napuruhan din sana kayo”. Maswerte kayo at dumaplis ang bala sa inyong balikat. 


Waring mapupunit ang puso ni Romana. Wala na siyang magagaw kung hindi ang lumuha. Wala na ang kanyang ina, wala na rin ang kanyang ama at wala na rin ang kaisa isa niyang kapatid. Di matutumbasan ang sakit ng nadarama ni Romana sa mga oras ding iyon. Gusto na niyang magpakamatay. Gusto na niyang mawala.


Ilang araw pa ang lumipas at gumaling na si Romana. Ipinangako niya sa kanyang sarili na aayusin ang buhay at hindi na muling babalik sa madilim na kahapon. “Iaayos ko ang aking buhay para sa aking ina at kay Tikboy. Hindi ko sasayangin ang pagsasakripisyo nilang dalawa para sa akin..” Mabubuhay ako na hawak pa rin ang mga turo ni inay. Magpatawad at wag magtanim ng sama ng loob. Para sa inyo to inay at Tikboy. Maging matahmik sana kayo kung nasaan man kayo ngayon.





Ako si Romana, at ito ang aking istorya.




Wakas.





3 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

at least buhay si romana :)

LhanLhan said...

buhay nga. heheheh ^^salamt sa pagbabasa

Kamila said...

Grabehan.. alam mo kuya Lhan akala ko ang gagawin ni Romana eh aakitin niya ang kanyang tatay at dun siya gagawa ng plano.. hahahah

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review