Thursday, February 3, 2011

Romana - (ikatlong Yugto)


























Lumapit si Roman, agad nitong kinuha ang pera ng ama upang bumili ng alak. Sa sobrang kaba nito ay nakalimutan na nitong tanungin kung ilan ang bibilhin at kung ano pa ang ipabibili. Basta binili niya lahat ng alak na magkakasya dito.



Natapos ang inuman, naguwian ang mga kabarkada ng kaniyang ama. Hindi ito makatulog dahil sa takot na nadarama. Lumapit na lang ang ina at tinabihan ito dahil ramdam niya ang takot ng anak. Pumasok ng kwarto si Brando. Hinahanap si Romana. Tulog na siya ang sabi ni Tetay. May iiuutos ako sa kanya kaya gisingin mo sya. Ako na lamang ang gagawa ano ba iyon? Sagot ni Tetay. 


Ikaw ba si Romana?! Gisingin mo si Romana! Pilit nitong ianaawat si Brando dahil sa nagpipikit itong gisingin ang dalaga. Putang ina! Ano ba? Gisingin mo nga!! Tulog n nga siya!! Nag away ang mag asawa at sa sobrang kalasingan ay naitulak ni Brando si Tetay.


Nakita ito ng magkapatid at dali daling inawat ang kanilang itay. Galit na galit si Brando kaya muli niyang binalikan si Tetay at pinagsusuntok. Tay! Tama na tay! Bigkas ng dalawa. Walang habas na pagsuntok at pasipa ang tinamo ng asawa. Nang di kaaunan ay tinigilan din niya. Nagulat si Brando at tila nagising sa kanyang pagkakalasing. Si Tetay, wala ng buhay at naliligo sa sariling dugo.


Umalingawngaw ang iyakan ng magkapatid. Inay! Inay! Inay! Tulugnan nyo kami mga kapitbahay. Tulong! Narinig iyon ng mga kapitbahay at dali daling tumungo sa kanila. Tumawag ng sasakyan at isunugod sa ospital si Tetay sa pagasang maisasalba pa ang kanyang buhay.


Ngitngit at galit ang nasa kaloob looban ni Romana. Gusto niyang patayin ang kanyang ama sa mga oras ding iyon. “Wala na si Brando, tumakas na ang inyong ama” sabi ng isang kapitbahay. 


Dumating ang doctor, “huli na ang lahat iha, wala na ang iyong ina”. Parang binagsakan ng langit at lupa ang pakiramdam ni Romana. Wala siyang magawa kundi at lumuha. Ang pinakamamahal niyang ina ay wala na. Paano na sila. Paano na.


Lumipas at ilang buwan at walang balita sa ama. Nagtago na ito at hindi na muling nagpakita. Naparawira ang buhay ni Romana simula noon. Wala na siyang ibang paraan ng maisip kung pano bubuhayin ang sarili at ang kapatid kundi ang magbenta ng laman. Pumapasok si Romana sa isang club tuwing gabi. Bilad ang katawan sa mga taong mapagsamantala ang di alintana ang pangbabastos sa kanya.


Masakit sa loob ni Tikboy ang nangyayari sa kanyang ate. Ayaw man nito ang kanyang trabaho ngunit wala siyang magawa. Pikit mata na lamang siya sa kanyang mga nakikita. 



Itutuloy...

3 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

napansin ko lang na ung pangalan pala ng bida na si Romana eh parang mexican telenovela hehehehe

Kamila said...

grabe papatayin ko yun si brando eh.. abuse to women and child... hay.... kainis.

LhanLhan said...

hehe relax kamila...

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review