Monday, February 7, 2011

Sampung Utos ng Manginginom



















Ang mga pilipino talaga ay sadyang masiyahin. Party dito party doon, kahit walang wala ay basta mairaos lang ang kanilang kasiyahan ay asahan mong gagawa at gagawa ng paraan basta magkaroon lang ng kasiyahan. At syempre ang unang una dyan ay ang pagiinom. Saang party oh handaan ng pilipino na naatenan mo ang nakita mong walang inuman? Hindi ba't bihirang bihira kang makakakita? Alak, isa sa paraan ng mga pilipino upang panandaliang makalimutan ang problema. Dinadaan sa pag inom ang sakit sa puso, problema sa pera, problema sa pamilya, oh di kaya ay trip trip lang na mag kwentuhan at para mas gumanda ang kwentuhan ay lalagyan ng kaunting alak. Hay ang mga pilipino talaga di mawawala ang alak sa katawan. 

Dati ipinost ko na rito ang Sampung Utos ng Mangongopya at ngayon naman ay ang Sampung Utos ng Manginginom. Nawa'y matuwa kayo sa aking bagong handog na para sa mga mahihilig uminom. Pwedeng uminom basta tandaan ang mga sumusunod. Cheers!




Sampung Utos ng Manginginom
The liquor drinker's 10 commandments


1. HUWAG MAKULIT habang umiinom
Thou shalt not be too keyed-up when drinking.


2. HUWAG MATAKAW & huwag kamayin ang pulutan.
Thou shalt not be greedy & will never touch thine food with thine hands.


3. HUWAG PATAGALIN ANG BASO, may naghihintay pang tatagay.
Thou shalt not let the glass stay too long with thee, thine brothers are waiting for their turn to drink.


4. HUWAG UMINOM NG UMINOM, kaylangan bumili ka rin.
Thou shalt not freeload.


5. MAGPAALAM KUNG UUWI NA, huwag yung biglang nawawala
Thou shalt inform thine brothers when it's time for thee to go home.


6. UMINOM NG DIRETSO SA TIYAN at huwag sa ulo upang maiwasan ang basag ulo.
Thou shalt put liquor in thine stomach, and not in thine head, to prevent a bar room brawl.


7. MAGTIRA NG PANLAKAD, kahit hinlalaki ng paa, iwasan ding umuwi ng pagapang.
Thou shalt reserve strength for the trip home and not crawl thine way to your house.


8. HUWAG MATUTULOG HABANG UMIINOM.
Thou shalt not sleep while drinking.


9. SIGURADUHING SA SARILING BAHAY ANG UWI kung lasing na.
Thou shalt ensure that it is your house, and not the house of thy neighbor, when you go home drunk


10. HUWAG MANAKIT NG ASAWA kung hindi bigyan ng pang-inom, at dapat mo pang lambingin, at ng pagbigyang muli.
Thou shalt not harm thine wife if she would not allow thee to drink, but instead love her and be tender so she gives thee money for thine liquor



At yan ang Sampung Utos mga parekoy, bago uminom mabuting tandaan na ang mga sumusunod.


6 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

wow ibang version ! hehehehe

CheeNee KOKAk said...

hahaha..at talagang may sampung utos pa..:))

cheers kapatid!:)

pakokak sa blog mo..:)

ISTAMBAY said...

ibang version nga ito parekoy... :)

MOKS™ said...

nabasa ko na yan..pero yung sayo kakaiba..ibang version..mas nakakatawa to...

LhanLhan said...

hehehe.. iba nga may english dub pa eh ^^

uno said...

parang rules mo yan sa sarili mo hahaha

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review