Tuesday, March 1, 2011

Mas Magandang KFC Ngayon




















Kanina habang off duty ko eh sinamantala na namin ang araw. Gumala lang kami ni Mhay sa mall (Market Market) at naglaro sa time zone. Parang mga bata noh, pero eto lang yung paminsan minsan naming sabay na mag off duty sa trabaho. Syempre nagutom na kami at napagpasyahang kumain sa KFC. Natuwa lang ako  sa serbisyong bago ng KFC kaya naipost ko ito.


Mga ilang linggo or buwan din atang nakasarado ang KFC at kung ano ang dahilan ay hindi namin alam. Isa ang KFC sa mga fast food chains na paborito naming kainan, bukod kasi sa masarap ay unlimited gravy pa ang habol ni Mhay dito (sya alng ang mahilig ako medyo lang hehehe).

So pagdaan namin dito ay bumulaga sa amin ang bagong look ng niya. Aba, iba na ang settings ng mga upuan pati na rin ang counter. ayun, doon nasagot ang tanong namin. Inayos lang pala ang siya at buong akal ko ay isinara na ng tuluyan.

Punta sa counter para umorder, mas maganda na kasi iba na yung counter sa pag oorder at iba na rin yung pag aantayan mo para makuha yung inorder mo. Mas maganda kasi di na magiging mahaba ang pila sa counter.

Naisip ko ang talino ng KFC, kasi yung mga tao nga naman pag nakitang mahaba ang pila sa counter eh syempre tatamarin at hahanap na ng ibang fast food para makakain. Yung iba gutom, yung iba naman ayaw lang talaga ng masyadong hassle. So galing ng naisip nila. Hehehe..

Eto nga yung resibo oh, may serving no. pa.





















Tapos una kong nakita eh yung may libre silang charging ng cellphone. So syempre mas maiinganyo ang mga tao kasi may libreng charge pa. May wi fi din silang libre sa boung KFC.





















Tapos may pakulo pang libreng picture at makikita mo ang shot sa tv wall nila. Hehehe. Mukhang pinag isipan to ng KFC para mas mainganyo talaga ang mga tao.






















Hehehe si Mahmine sabik mag papicture oh. All in all, sa tingin ko mas naging maganda ang set up ng KFC ngayon. Bukod sa masarap talaga ang chicken nila eh maeenganyo ka talaga pag ganito. Ano pa hinihintay nyo kain na. Hehehe.



























8 Nakiusyoso sa usapan:

Kamila said...

nice... yun pala yung sinasabi nila na photobooth sa kfc..weeeeh

Nene said...

ayos ang komersyal dto ah.. hahaha!! khit cgro wlang ganitong bagong gadget s KFC, dto p rin ako kakain, khit ang pila ay ksing haba ng EDSA, dto p rin ako kakain hahaha!

Bino said...

totyal na ang KFC hehehehe

Ronster said...

hahaha, ayus ah. kakaibang KFC yan. mapuntahan nga this saturday...

Axl Powerhouse Production Inc, said...

wow sana may ganayan sa KFC Southmall :D

Ester Yaje said...

mukhang sosyal jan sa bagong kfc :)

Diamond R said...

ibang pakulo pero mukhang effective. daming gagaya niyan.

iya_khin said...

wow naging photo booth na rin pala ang KFC!!

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review