Friday, March 11, 2011

Panalangin

Panginoon,


Narito po kami sa inyong harapan upang humingi ng kapatawaran sa aming mga naging kasalanan. Hindi po kami nararapat sa inyo ngunit alam po namin kung gaano nyo kami kamahal. 

Panginoon lumalapit po kami sa inyo upang ihingi ng panalangin ang kaligtasan ng sambayanang pilipino laban sa galit ng aming kalikasan. 

Alam po namin kayo lang po ang may kakakayahang gumawa nito at tanging kayo lamang ang makapagliligtas sa amin. 

Patawarin mo po kami panginoon sa aming mga kasalanan na nagagawa laban sa aming kalikasan. Ilayo at gabayan nyo po kami sa galit ng kalikasan at sa kanyang panananalanta sa aming lugar. 

Huwag ninyo po sana kaming pababayaan at nawa'y maging dahilan ito upang matuto kami na mahalin ang iyong mga handog sa amin. 

Lubos po namin itong pinasasalamatan, at nawa'y huwag po kayong magsasawang biyayaan kami kahit na kung minsan ay nakakalimutan na namin itong pahalagahan.

Maraming salamat po panginoon, na Hari ng mga Hari, at nagiisa naming tagapagligtas.

Amen.

2 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

pray when there's disaster. Pray when there's no disaster :)

Kamila said...

Amen.. with all my heart

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review