Monday, March 28, 2011

Panik





















Panik, ganyan tayo mag isip mga pilipino. Hindi pa alam ang dahilan ng kaguluhan ay panik na ang unang ngyayari. Maraming beses na kong nagagalit sa nanay ko kapag may kagukuhang nangyayari. Halimbawa na lamang ay ang sunog. 

Isang araw kasi habang natutulog ako ay bigla na lamang akong nagising bigla dahil sa taong mga nagkakagulo. Pagtayo ko nakita ko ang nanay kong namumutla na sa sobrang kaba at mabilisang nagtatatakbo palabas ng bahay.

Tinanong ko bakit? May sunog Lhan, bilisan mo kumilos dyan at buhatin ang mga kayang buhatin. Lumabas ako ng bahay, nakita kong may usok nga pero alam ko mismo kung dapat na ba kong kumilos para iligtas ang magamit at ang sarili. Nang makita kong maliit ang usok syempre kinabahan pa rin pero nanaig ang kaalaman ko pagdating sa mga ganitong sitwasyon. Pumasok ako ulit ng bahay, dali dali kong inangat ang telepono at tumawag sa aking opisina para ireport ang ngyayari. 


Alam na nila dahil may nagreport na kung kaya't mabilis na dumating ang fire truck. Pagdating nito ay naapula na rin ang sunog dahil sa pangyayaring nagtulungan ang mga magkakapit bahay para apulahin ito.

Matapos nito dali kong nilapitan si mama at pinagsabihan. Masyado syang nagpapanic. Ipinaliwanag ang mga dapat gawin bago sya magpanic. Sana bago sya nagpanic ay tumawag muna siya ng bumbero para mabilis itong makapunta. Anong nangyari, nag empake sya pero walang namang sunog na dba? Napagod lang sya, kung sana ay may kaalaman siya pagdating sa mga ganito ay hindi magiging ganito ang kanilang mga reaksyon.


Kanina ay umattend ako ng Emergency Preparedness Seminar na ginanap sa session hall ng Makati City Halll sa pangunguna ng aming mga bisor na naging mga speakers. Paulit ulit nilang sinasabi na ang pagpapanic ay walang mabuting maidudulot. Ito ang isang nagiging dahilan kung bakit mas dumadami ang mga namamatay kesa sa mga nakakaligtas.

Kakulangan sa kaalaman. Walang paghahanda. Ganyang tayong mga pilipino. Kung kelan nangyari na, tsaka gagawa ng paraan. Prevention is better than cure nga di ba? So bakit kelangan ngayon lang. Kapag may mga ganitong seminar naman ay binbalewala ng mga tao. Sasabihin lang, busy ako. Wala akong panahon para dyan.

Pero pag sa oras naman ng kalamidad. Gobyerno naman ang sisihin at sasabihing nagkulang. Nakakinis kasing isipin na kanina habang nagpapaliwanag ang mga speakers ay makikita mo yung iba na naututulog, nagkukwentuhan, naghaharutan o di kaya ay nagtetext oh naglalaro ng games sa cellphone. 

Sana pahalagahan ng mga tao ang mga ganitong oportunindad para matuto. Sana maging handa tayo sa mga kalamidad na darating. Sabi nga sa telebisyon ng isang kilalang tao. "Sa oras ng kalamidad, ano man to. Your on Your Own!" Ikaw mismo ang makakasalba sa sarili mong buhay at sa buhay ng mga mahal mo.


Yun ay kung may sapat kang kaalaman. 



Lagi nyong tandaan sa oras ng kalamidad.



PANIK.



P - pakiusap
A- alisin ang
N- nerbyos at 
I - Iwasan ang
K - kalamidad.



Lamang ang may kaalaman. Wag magwalang bahala. 







6 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

lagi ko'ng tatandaan yang meaning ng PANIK. nice post :)

LhanLhan said...

heheh salamat!

kringles said...

wala talaga magandang mangyayari kung magpapanic lang. dapat presence of mind lagi..

thanks for sharing lhan. :)

Axl Powerhouse Production Inc, said...

wow new info ha... PANIK :D

f e R r y j H o i said...

bwahaha!!! I used to become such a panic girl Lhan... Pero sa bagay hanggang ngaun pala ganon parin ako!!! hihi

Buti nalang at to the rescue kha!!! nakana!!!
ikaw nah!!!
Anong sabi ni mama moh?? siguro bongang balik sya ng mga gamit nyo noh??
tsktsk

>> one more thing, buti nalang at walang napahamak..

Kamila said...

hahahah ako din panic mode kaya..dati nagkasunog sa likod ng dorm namin.. dinala ko laptop ko at pera ko hehehhe at pumasok sa school.. pero ganun na nga..naiintindihan ko naman ang nanay mo.. pero tama ka.. dapat pa rin pilitin maging kalmado

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review