Thursday, March 17, 2011

Photography Lesson




















Nitong mga nakaraang buwan at mga linggo ay nahihirapan kaming maghanap ng magiging kameraman sa aking kasal. Nariyan yung marami ngang nagtuturo na may kakilala sila pero di mo naman sure kung ayos ang mga kuha nya or magugustuhan mo ba pag nakita mo na. Tingin ko dati madali lang ang maging isang phtographer. Basta may maganda kang camera ok na, basta may magandang view picture agad. Hindi pala. Napagtanto ko kasi na gusto ko ring maging isang mahusay na photographer, hindi lang para kumita pero naapreciate ko yung mga kuha na simple pero alam mong pinag isipan at may konteksto ang pagkuha.


Sabi ko sa sarili ko na pupursigihin ko ang career na to kahit na sa ngayon ay wala pa akong camera na magagamit. Naalala ko kung may event sa city hall at nagpipicture ang isang kasamahan sa cityhall, sabi niya gusto niyo bang sumama sa mga seminar namin? Aba, syempre sumagot agad ako at sumagot ng oo sabay sabi ko mahal naman ata ang bayad diyan. Natuwa ako sa sagot niya kasi sabi niya, "walang bayad to, paseminar talaga natin to dito sa cityhall sa mga gustong magaral ng photgraphy. 

Sino ba naman ang aayaw sa ganoong minsanang oportunidad di ba? Sabi ko sa kanya na interesado ako at i mean it gusto ko talagang matuto nito. Sa 2nd week daw ng May ang start at 3 o 4 lang sa kada isang opisina ang kukunin dahil hindi rin pwede ang marami na masyado.

Sana makasama ako dito at sisiguraduhin kong unang linggo pa lang ng buwan ay tatawagan ko na sya para ipaalala na interesado ako dito. hehehe, Di kaya makulitan sa akin yun? San ka pa diba? Mahal kaya ang mga photography class ngayon sa mga eskwelahan. Ganoon din naman ang matututunan mo at mabilis pa, after noon sariling aral nalang bastat ang mahalaga ay matutunan ang mga basics at fundamentals nito.

Sana talaga makasama ako at matuto ako ng marami dito. Gusto ko maging photographer di lang pang dagdag kita pero isa rin sa mga hobby ko at gusto kong ginagawa. Sana lang talaga.



7 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

wala namang imposible :)

iamzennia said...

Good luck sa iyo at sa bagong hamon sa iyong buhay... :)

Axl Powerhouse Production Inc, said...

iuf u want u will do it...
di lang naman dlsr kamera ang basehan para makakuha ka ng magandang shoot eh,, basta alam mo ang the rule of third..

and goodluck on your seminar :D

empi said...

Wow! Sana makasama ka sa seminar. :)

isp101 said...

Very Nice, attend ka ng Seminar, LHAN, sayang eh! Kasi nag research ako about Basic Photography course, medyo mahal din, almost P10K ang tuition fee! May pinagiipunan din akong camera, gusto ko kasi maging pro-photographer, gaya ng uncle ko, meron silang video and photography business. Gusto ko lang pang sideline or business, kapag stable na! Good Evening!

rainbow box said...

go kuya lhan!!! :D

LhanLhan said...

oo itutuloy ko to. ^^ salamat sa encouragements!

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review