Friday, March 4, 2011

Wala Na Si Paquito Diaz





































Si Francisco Bustillos Diaz, na mas kilala bilang "Paquito Diaz" sa mundo ng pag aartista ay pumanaw na kahapon Marso 3, 2011 sa edad na 73. Paghirap ng paghinga ang naging dahilan kaya binawian ng buhay si Paquito sa kanilang bahay sa Daraga Albay pagkatapos magkaroon ng malubhang sakit.






















Si Paquito ay nagsimulang mag artista noong dekada 70 at sumibol ng husto noong dekada 80 bilang pinaka matinik na kontra bida ng nagiisang hari ng pelikula na si Fernando Poe Jr. Bago naging artista si Paquito ay naging basketbolista muna ito ng FEU Tamaraws noong 1960's bago sumabak sa pelikula.


Nagsimula ang mahirap na buhay ni Paquito ng maistroke noong 2004 at maconfine ito sa Estevez Memorial Hospital. Pagkaraan nito ay nagkaroon ng brain surgery dahilan upang mas maging mahirap ang sitwasyon. Pitong taon pakikipaglaban ang hinarap ni Paquito, at kahapon ay tuluyan na siyang binawian ng buhay at inulila ang asawang si Nena, ang anak na si Cheska at Paquito na pwang artista rin.


Nakikiramay ang sambayanang pilipino sa paglisan ng nagiisang hari ng mga kontrabida sa mundo ng pelikulang pilipino. Nawa'y maging maligaya ka kung nasaan ka man ngayon. Salamat sa iyong malaking ambag sa pelikulang pinoy at sa iyong napagtagumpayan.























Paalam Manong Paquito.






3 Nakiusyoso sa usapan:

Kamila said...

Totoo lang.ngayon ko lang nalaman na siya pala si Paquito Diaz.. hahaha although alam ko mukha niya..pero di ko lam na yun pangalan niya..

Bino said...

isa namang haligi ang pumanaw.

Diamond R said...

siya lang kilala kong magaling na kotrabida. condolence sa pamilya niyang nasa bicol din.

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review