Saturday, April 30, 2011

Basketball News : Heat At Celtics Sa Semis














Tinapos nila Dwane Wade, LeBron James at Chris Bosh ang laban sa Sixers sa limang (5)  laro sa playoffs. Samantalang ang Koponan ng Big 4 at tumapos ng apat na laro para isweep ang nakatapat na New York Knicks. Ngayong umpisa na ng semi finals, muli na namang maghaharap ang Miami at Celtics para pumasok sa East Finals. Noong nakaraang taon ay nasawi ang Heat sa kanilang ratsada sa season 2009-2011 at ngayon ay umaasang magiiba ang istorya matapos makuha at superstars na sina LeBron at Bosh. 


Tinalo ng Celtics ang Heat ngayon regular season sa record na 3-1. Hanggang ang unang tatlong  pagkakatapat ay napagwagian ng Celtics ang huli naman nito ay sa Miami. Ako bilang isang basketball fanatics ay umaasa sa napakagandang laban na ito. Si Wade ang gusto ko at gusto ko manalo ang Miami Heat at makatapat nila ang Bulls sa East Finals. Magandang laban na naman ito kung saka sakali.

Sa lunes (araw dito sa pilipinas) maguumpisa ang pukpukan ng Miami at Boston. Umaasa ang lahat ng basketball fans sa isang magandang laban sa pagitan ng dalawa.

Samantalang ang Bulls at Hawks naman ang magtatapat sa isa pang East Semis, Memphis at Oklahoma sa West at Lakers laban sa Maverics.



4 Nakiusyoso sa usapan:

kikilabotz said...

naniniwala rin ako na mganda ang laban na yan, as well as the hawks and the bulls.

Bino said...

syemre di ko napanood hehehehe. update ka lagi nito parekoy!

LhanLhan said...

@kikilabotz - uu magagandang laban talga yan.
@bino - hehe syempre.. basketball fanatis ako eh hahahaha

klomster said...

anong channel ba nakakapanood ng live? puro replay nakikita ko! haha

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review