Sunday, April 17, 2011

Eksperyens Ng Pre Nup Sa Eco Park

Kahapon kahit puyat ay tuloy pa rin ang schedule g pre nup. Mag kahalong excitment at nerbyos ang nadarama ko kasi bak hindi maganda ang kalabasan. Bukod kasi sa pagiging puyat ko ay nagkaroon pa ko ng kulite sa mata. Pag minamalas ka nga naman oh, kung kelan may ganitong schedule eh tsaka pa nagkaganito.

Pero syempre tuloy pa rin. Dumating kami sa Eco Park ng mag aalas nwebe. Eksakto sa oras ng pinag usapan namin ng photographer. Nagantay kami, tumingin tingin muna sa itsura ng Eco Park kasi first time namin dito. Lanya, para kaming taga probinsya kasi first time hahaha.

May dumating, ma dalang camera, may dalang stand para sa SLR nayang camera. Akala namin yun na, sabi ko kay Mhay, "itext mo na sya, pag tumunog cp nyan meaning sya yun". Tinext nga, sabay tingin namin sa lalaki. Ayun bumunot ng cellphone at akala namin sya na nga. "Kuya ikaw ba si Harry?" ang sabi ni Mhay. "Hindi po, si Gerry po ako".

Toinks! Pahiya kaming dalawa! Hahaaha.

Pero magkatunog naman sya diba?

Ayun nag antay antay pa at may isa ulit na dumating. Dumeretso sa pag upo sa gilid. Tinignan namin kasi wala namang dalang cam eh pero may bag na malaki which is alam kong lalagyan yun ng isang DSLR na camera. Sabi ko kay mhay, "baka sya na" feel ko kasi lalagyan ng DLSR camera yan". Tinext ni mhay at eksakto. Sya nga ang nawawalang photographer! Hahaha.


Una, nagpakilalan lanan kasi hindi pa kilala eh, mukha syang mabait at di madamot sa karunungan. Nagtatanong tanong ako sa kanya ng mga hints na dapat gawin at di dapat gawin patungkol sa photography na yan. Tinuruan naman nya ko.

Maya maya ay sinabihan na kaming magbihis na at titingin tingin lang sya ng magandang pwesto kung saan magandang kumuha ng mga pictures. Syempre kinakabahan kasi sabi niya, "mamaya wag kayo mahiya ha? kasi papartehin ko kayo. wag nyo lang pansinin ang mga taong nasa paligid nyo".

What! naku po patay! lalo ata kong kinabahan ah.

Nung umpisa kinakabahan talaga ko. Kasi ang dameng tao, ang dameng tumitingin sa amin. Nakakahiya. Ang init pa naman at paulit ulit ang take nya ng pictures. Hay, wala kong ibang nasa isip nun kung hindi ang matapos agad ang paghihrap naming dalawa ni mhay. Pero syempre sana maganda pa rin ang kalalabasan.

Gutom na ko, paulit ulit ang take. Lipat duon, lipat dito. Angulo dito, angulo duon. Hay, gutom na talaga ako.
Inaya ko ang photographer na kumain muna pero ang sabi. "Magpalit na kayo ng damit muna, mamaya na hindi pa naman ako nagugutom".

Toinks! patay tayo dyan. Kakainin ko na tong photographer na to eh. Hahaha. Pero sinabi naman nya yun in a nice way kaya ok lang.

Ayun bihis ng damit, picture ulit dito, picture ulit doon.

Hanggang sa matapos na ang lahat lahat. Pero may isa pa. Duon daw kam magpicture sa may entrance kung saan maraming mga baging. Maganda daw ang view doon.

Pumunta kami duon at habang nagpipicture kami doon ay sinita kami ng guwardiyang masungit. "Ano ho yan pre nup? Sumagot naman ako sa pamamagitan ng pagtango. "May waiver ba kayo? Wala ho ang sabi namin. Nagbayad ba kayo? "Oho sa entrance ng P50" ewan ko kung ito yung sinsabi ng guard na bayad ha. Nasa isip ko kasi may bayad ba dito ang pre nup kaya nagtatanong tong guwardiya na to? "Sa susunod sabihin nyo sa photographer nyo na kumuha ng waiver ha?"

Di na kami umimik at tuluyan ng naglakad palayo sa masungit na guwardiya. Akala naman nya pagnanakawan namin ang Eco Park? Hello?! Etong gutom na ko baka kainin kita dyan! Hahaha.

At sa wakas natapos din! Umuwi kami ng pagod at gutom pero may ngiti pa rin sa mukha dahil naging maganda ang lahat sa tingin ko. Pwera lang siguro ang itsura ko! Hahaha.

Di ko pa nakikita ang mga pics pero syempre nagpicture picture pa rin kami ni mhay gamit ang aming cam. nakaw na sandali habang busy si photographer sa paghahnap ng view.

At eto ang ilan sa mga ito;



































































































































































































































































































9 Nakiusyoso sa usapan:

empi said...

Gusto ko ulit pumunta dyan.

LhanLhan said...

tara empi balik tayo! hehehehe...

Axl Powerhouse Production Inc, said...

yun oh... ganda ng eco park no hehehe :

yahm18 said...

ganda ng experience ntin dito! :D

isp101 said...

Lhan, ang ganda pala sa ECO PARK, kasi nag pre-nup kami dati sa Parks and Wild Life sa QC. Ang kuya ko naman dyan din nag pre-nup sa ECO PARK, mas ok daw! I'm sure excited na kayo sa wedding! Payong kaibigan lang, maglaan kayo ng at least, 1week na pahinga before ng wedding, dapat tapos na lahat ng mga dapat ninyong gawin, para 'di kayo ma stress at magahol sa oras! 'Di mo mapapansin, araw na pala ng kasal mo! Congratz sa inyo ni Misis, God bless! =)

Bino said...

di pa ko nakakapunta ng ecopark!!! punta tayo !!! pero pakasal muna kayo hehehe

Bino said...

uy lapit na kasal :D

LhanLhan said...

@isp101 - thanks po!
@bino - tara sama ko! picture picture ulit tayo!
@axl - hehe oo ayos dun maganda nga!
@empi - tara punta tayo nila bino!
@mahmine! - love you po!

Krincess Carl said...

Lhan, san ba yang ecopark na yan..? :)God bless...

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review