Friday, April 22, 2011

Kalbaryo 2011

Well, first time ko itong makaeksperyens ng pagpunta sa kalbaryo dito sa amin sa Brgy. Poblacion Makati. Sa mga di pa po nakakaalam, ang kalbaryo ay taunang selebrasyon dito sa Poblacion Makati. Bawat samahan sa iba't ibang street ay gumagawa ng "kalbaryo" sa tuwing sasapit ang araw ng Lenten Season. 


Huwebes ng gabi hanggang Linggo ay binubuksan na ang mga kalbaryo para ipakita sa mga taong bumibisita. Prosisyon sa hapon kung kaya't trapik na pahirap sa lahat ng mga sasakyan. Pero syempre minsan lang to sa isang taon kaya kung ayaw mong makunsume ay wag kang dadaan sa Makati sa araw na ito.


Ayun, nagsimula kaming maglakad ng alas nwebe para makita ang bawat kalbaryo na gawa ng kaniya kaniyang mga samahan. Bukod sa Lenten Season ay may hatid din itong papremyo sa pinaka magagandang gawa kung kaya't pagaaksyahan mo talaga ng panahon at oras.


Umabot kami ng hanggang alas onse ng gabi sa kakalakad patungo sa bawat isang kalbaryo. Syempre kasama na rito ang pagpapapicture kung kaya't umabot ng dalawang oras ang aming pagagala.


Para makita nyo naman ay isashare ko ang mga ito. At heto ang mga kuha ko sa kanila. Yung iba medyo malabo, camera lang kasi ng cp ko ang gamit ko. 























































































































































































































































































2 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

what a great way to celebrate holy week ah. tama ba ung term ko na celebrate. di ko makuha ung correct term

LhanLhan said...

ehehe. ako din di ko makuha yung tamang term eh. hehehe...

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review