Wednesday, May 4, 2011

Magsipag Sa Halip

Mag aalasdyes sa aking trabaho at wala akong magawa. Pang gabi kasi kaya medyo kakaunti ang gagawin. Habang nakaupo ako sa harap ng isang kumpyuter ay bigla na lang pumasok sa isip ko ang isang tula. Tinatamad kasi ko. Ayun nakasulat ako ng tula tungkol sa pagkatamad ko. hahaha. Ewan ko kung maganda, kayo na lang ang magbasa. Baka tintamad din kayo dyan eh. Baka pag nabasa nyo tamarin kayong lalo. Lol. 

Haha. Sige basa na.



Magsipag Sa Halip

Alas Sais nang umaga
Umpisa na ng bagong pag asa
Pero ano tong aking nadarama
Tinatamad na naman ako ngayong umaga

Bago ako matulog kagabi
Nasabi ko lang sa aking sarili
Bukas maaga akong gigising
Para sa pag asenso, at sa aking sariling paglilining

Gigising, papasok at magtatrabaho
Yan lagi ang istorya sa pag alis ko
Uuwi kakain at magpaphinga
Ito naman sa tuwing pagdating ko

Oh katamaran umalis ka sa aking kalamnan
Wala kang puwang, sagabal ka sa aking pagyaman
Tuwing madarama kita, laging walang laman
Ang bulsa ko, tuwing akinse at katapusan

Kailangan magsipag, kailanganmagtiis
Kung gusto nating umasenso at nang tayo'y may makamit
Pamilyang umaasa, palagiang isa-isip
Kung tatamad tamad ka, gutom ang kapalit
Kaya't magbanat ka ng buto, At magsipag nalang sa halip!



Rholand Matias© 05-03-11




















5 Nakiusyoso sa usapan:

Bino said...

graveyard shift ka pala ngayon hehehee. galing ah! nakagawa ng tula. astig!

empi said...

Galing ng tula! Natamaan ako. Hahaha!

Kraehe said...

pareho tayo, minsan nakakatamad din ang paulit ulit ng takbo ng buhay. parang rewind rewind rewind. pero kailangan talaga kumayod para sa kinabukasan. kailangang labanan ang katamaran.

newstartleah said...

Sa panahon ngayon, dapat maging masipag.
Bawal maging tamad.
Wala kang makukuha at wala kang mararating
kung lagi ka na lang tatamarin.

Kaya nga etong si Juan Tamad
na laging nagbibisita sa aking tahanan,
Deadma na lamang ako,
hindi ko wini-welcome.

Ngek-ngek nya noh?

Hehe.. Hello Lhan. Gandang morning. :)

My Tasty Treasures
Ako si LEAH.
I am LEAH.

LhanLhan said...

hehehe.. slamat sa lahat!
@bino - heheh kagbi langyun, tomorrow umaga ko ulit.
@empi at krahe - hehe tinamaan tayo!
@leah - salamat sa comment leah ^^

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review