Wednesday, May 25, 2011

Next Time Wag Ka Ng Mag Photographer!


























Ito ay isang kuwento na halaw sa aking tunay na karanasan hinggil sa photographer. Isang karanasan na masasabi kong kapupulutan ng aral kung plano o balak nyong maging isang tunay na photographer.
Ikaw, photographer ka ba? Matanong nga kita. 


Committed ka ba sa pagiging isang photgrapher mo? Maging amateur or professional ka na? O cge bago mo sagutin yan ay basahin mo muna ang maikling kuwento.



Bisperas ng aking kasal, excited na ako. Syempre kinabukasan na ang araw ng pagpapasakal ko este pagpapakasal pala. Tinext ko si Mhay, "Ayos na ba yung photographer mo? Nagtext na ba sa iyo?"


"Hindi pa nga eh, hindi pa nagpaparamdam. Naiinis na nga ako". 


Bungad na pagbasa ko sa txt ni Mhay na sinundan pa ng marami naming conversation. 


"Wag mo ng isipin yun, wag ka ng magpaka stress. Araw natin bukas. Ayokong panget ka sa araw ng kasal natin. Ako ng bahala".


Sa puntong iyon ay hindi ko lang ipinapakita kay Mhay ang inis at galit na nararamdaman ko. Ayoko kasing mastress pa ang bride. Hindi magiging maganda ang kasal kung panget ang bride ko. Ako na lang sasalo lahat ng inis at galit.


"J**, nasan na yung isa mong kasamang photographer? Tinext ko si Mhay hindi pa raw nagtetext yung kasama mo? Bakit hindi pa nagtetext? Baka kung kelan araw na ng kasal tsaka pa sya magtetext. Di na sya marereplyan nun pag bukas pa nagtext yun. Busy na si Mhay bukas." Nagreply naman sya agad at sinabing, "Ok na, magtetext na yun, magkasama kami kanina, sinabi ko at binigay ko ang number nya". So sumagot ako ng "Ok, ty".


Sa pag-aakalang ok na ay napalagay na ang kalooban ko. Wala ng problema at naayon na ang lahat sa aming plano.


Araw ng kasal, maaga akong nagising para kunin ang bulaklak sa gagamitin ng mga abay, ninang yung ilalagay sa kotse at para sa bride. Pagkatapos nun ay pinahatid ko sa pinsan sa bahay nila Mhay. 


Pag uwi ko, nagtext si Mhay, "wala pa rin yung photographer dito. Mine make-upan na ko". Anu ba yun?! Nainis na agad ako pagkabasang pagkabasa ko pa lang nito. Ano bang klaseng mga tao kausap to. Anung klaseng photographer to. Yan ang tumatakbo sa isip ko ng mga oras na yun. Buti na lang at nandun yung pinsan kong inutusan kong magdala ng bulaklak. May isang sony alpha dslr na cam dun at sya na lang ang kumuha kuha ng pictures kay Mhay.


Sinabi ko kay Mhay na wag ka ng mastress ako ng bahala. Itetext ko si J** para tanungin yung kasama nyang isa. Dalawa kasi silang photographer. Kinuha nya yung isa para dalawa sila, isa sa groom at isa sa bride na dapat ay habang mine make-upan ay nandun na para kuhanan ng mga pictures.


Ang alam ko kasi sa bride mas importante ay picture. Kasi bride yun eh, matagal magbihis yun at sya ang pinaka importante sa araw ng kasal. Ang groom secondary lang. Bride ang iportanteng makunan ng picture.


Alas otso pasado na at nagtext si Mhay. Galit na galit dahil ngayon pa lang angtetext mokong na photographer na to. "saan ang bahay nyo, panu ang pagpunta?" heto ang mga text. Nakakaloko diba? Ang sarap sapakin. Itinext sakin to ni Mhay. Tiyempong kasama ko yung isang photographer dahil nasa sasakyan na kami at papunta na ng simbahan. 


Sinabihan ko yung photographer at bakas sa mukha na nya ang pagaalala. Sinisisi nya yung kasama nya na "magkasama kami nyan kagabi at sinabihan ko na sya eh". Parang ipinagtataggol ang sarili at sasobrang kahihiyan. Pagdating namin sa gate 1 sa guadalupe nagsabi sya sa akin.


"Bababa ba ko dito Lhan. Magjijeep nako para mas madali. hahabulin ko si Mhay. Ako na lang ang pupunta". Sa puntong iyong naging pabor na sa akin at bahagyang nawala ang inis ko. Nagtext ulit si Mhay, galit na galit na at sinabing "pinadiretso ko na lang sa simbahan. Paalis na rin kami dito mea mea." Mas lalong nainis sya ng sabihin ng photographer na "san pong simbahan" at pano ang pagpunta". Grrrr! two points ka na sa akin!" Sa loob loob ko.


Biruin mo, photographer ka ikaw pa mahuhuli? Tapos kung kelan araw na nang kasal ay tsaka ka pa mag tatanong saan ang bahay at ang simbahan? 


Nagtext si Mhay, nandun na si J** at pinipicturan na sya. Buti nakahabol kahit papano.


Dumating ako sa simbahan, kasama ko sila papa, mama, tita ko, isang ninang at iba pang entourage. Pag akyat ko wala pang mga tao. Handa na ang lahat, yung ayos ng simbahan, red carpet, flowers, choir, at yung mga magaasikaso sa oras ng kasal.


May napansin lang akong isang tao. Nakatalikod. Naka "NIKON TEAM" na uniform at may nakasukbit na camera. Kapal ng mukha NIKON TEAM pa daw. "Eto na siguro yung photographer". Sinulyapan ko. Tinitigan ko muna baka kasi ibang tao lang. Katabi ko yung isang kasamahan kong abay. Binulong ko "eto na ata yung photographer, masasapak ko to".


Sabi nya sa akin, hayaan mo na kumain muna tayo nagugutom na ko. Kaya pala nya ko inaaya ay dahil para maiwas ang init ng ulo ko at baka kung anu pang magawa ko.


Hindi ako nakatiis. "Excuse me, ikaw ba yung photographer na kasama ni J**? tanong ko sa kanya. Tumango sya habang nagpupunas ng pawis sa noo. 


"Pare bakit ngayon ka lang nagtetext? Kung kelan araw na ng kasal tsaka ka magtetext? Maling mali ka naman sa diskarte mo eh.


Mabilis na sumagot ito at sinabing " Kulang kasi ko sa info". 



Nagpanting ang tenga ko. "Ano?! kulang ka sa info? Wala ka pa lang info sana kahapon pa lang oh kagabi nagtext ka na kung saan ang bahay ng bride at kung papano papunta dba? Tapos sasabihin mo kulang ka sa info?."  Kung ako sayo pre wag ka ng magphtographer next time. Baka masuntok ka lang ng kliyente mo." Pasalamat ka kasal ko ngayon at nakabarong na ko" 


Tumaas na ang boses ko sa mga oras na iyon. Sino bang di mahihigh blood sa sagot nya? Nakakpanginig nang laman.


Narinig iyon ng mga kasama ko at agad akong inawat. Pinaliwanag ko sa kanila kung bakit ako nagagalit at sila rin mismo sinasabing mali yung photographer.


Simula noon di ko na nakita yung phothographer. Hanggang matapos ang kasal namin ay isa na lang ang nagpipicture sa amin. Sa sobrang hiya siguro ay umalis na lang ang mokong.


Hay, ako hindi ako isang photographer pero alam ko naman siguro ang gagawin pag may mga commitments na mga ganito. Trabaho mo yan eh, dapat hindi mo pinababayaan, dapat iniisip mo ang ikagaganda ng mga gagawin mo. Pano ka marerefer sa iba kung ganyan ang service mo? Sa kaso nyang yun negative pa.


Aspiring din akong matuto ng photography. Nagiipon nga ko para dito. Nagahahanap ng mga seminars na pwedeng atenan para makakuha ng mga tips kahit papaano. Nagbabasa sa online at sa mga books ng mga styles at effects na nararapat sa ibat ibang uri ng mga shots. Yung mga ganun. Kasi alam ko ang photography, commitment ang kailangan, at tsaka may love and passion ka sa ginagawa mo. Maging hobby man yan oh ikinabubuhay mo.


Payo lang sa mga amateur at professional photographer. Wag nyo po sanag gawin ito sa mga kliente nyo. Maging committed tau sa mga schedules natin at maging priority natin ito. Sana sa mga ikakasal, wag nyong maranasan ang ganito. Piliing mabuti ang mga photographers nyo sa mga espesyal na okasyon sa buhay nyo. 


Minsan lang ang mga ganitong okasyon, sana naman sa mga photographer maisip nyo yon. Napaka importanteng araw ito at hindi na mauulit. 


Next time kung ganito kang photographer, payo lang. 




"WAG KA NG MAG PHOTOGRAPHER!"

10 Nakiusyoso sa usapan:

Cla said...

tsk tsk bad experience :(

Bino said...

eto pala un, kung bakit bigla kang nagtanong sa facebook regarding sa photographer. unprofessional naman. kung bihasa na sana ako, ako na! hahahaha

LhanLhan said...

@cla - really a bad expereince.
@ bino - yup eto yun. hahaha sobrang bad trip lang kaya nag tanong. ^^

empi said...

Very unprofessional! Tsk. tsk. tsk.

Kuya Kyle said...

commitment talaga ang mahirap and dapat may initiative nga siya para alamin lahat. im not a professional photographer pero that time, whenever may shoot kami ay one day before ay dapat okay na ang lahat para kung may magkaproblema ay may oras pang masolusyunan.

congrats pala lhan. :)

yahm18 said...

nakakaiyak sa inis mahmine 'tong post mu na 'to
bgla ku naalala mga nangyari..
nsan ang utak ng photographer na 'to?
minsan n nga lng aku ikasal ganito pa ngyari.. :(

tim said...

Ganda pg ka edit ah...

khantotantra said...

over sa pangyayari. dapat di nagcocommit sa ganun kung hindi nila kayang tumupad sa deal. eto ang isa sa hassle ngkasal.

pero wag na masyado magalit, kakakasal nio pa lang sir. dapat good vibes.

Congrats nga pala sa inyong kasal.

♂abrille• said...

Katanga ng photographer pero nangyari na eh,
Okay lang iyan.

isp101 said...

May comment ako dito na mahaba, I'm not sure if 'di ko na type yung Captcha codes ng maayos or it just went to SPAM. Anyway, ito yung pinaka malaking pagkakamali ng photographer na kinuha niyo. Sa lahat naman ng occasion bakit naman sa wedding pa sya pumalpak? Dapat nga eh ni meet pa niya kayo ulit or nagusap kayo the day before wedding for the final instructions. May malaking photo and video coverage business ang uncle ko, kaya alam ko how they treat and serve their clients. Buti nga, mabait ka pa, baka kung ibang tao yun, hindi lang ganun ang abutin niya. At least, kasal na kayo ngayon, at lesson na ito duon sa taong kinuha niyo, WAG NALANG SANA SIYA MAG PHOTOGRAPHER, dahil tiyak marami pa siyang araw at okasyon na sisirain! Ang mahalaga, kasal na kayo ngayon, yeheyyyyyy! =)

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review