Thursday, May 5, 2011

P500 All In Na Sa Manila Ocean Park





















Nakapunta ka na ba sa Manila Ocean Park? Ako kasi isang beses pa lang at yung unang punta ko doon ay gabi at magsasara na din dahil sa hanggang 10pm lang sila open. Naexperience pa namin na mahirap magpapicture dahil bawal naman ang gumamit ng flash ng camera. Noong nakapunta rin kami ay halos hindi pa rin ito tapos. Marami sa mga atraksyon dito ang on going construction at kakaunti lang ang mga pwedeng kainan. Pero syempre dahil sa first time ko yun ay sobrang nag enjoy pa rin kami dito.


Lunes ng umaga, may isa kaming kasahan na inalok kami ng ticket sa halagang P500 piso. Ang sabi ay may mga inclusive package ito at kasama narin ang entrance. Dati kasi ay P400 ang entrance, ngayon P500 na lang at may 6 pang mga package na kasama. Ito ay ang Oceanrium, Jellies, Fish Spa, Marine Life Shou, Marine Life Habitat, at Musical Fountain.

Kapag entrance ang binayaran mo ay iba pa yung bayad sa ibang mga attractions. Katulad na lang ng Jellies na P150 din kada isang tao. Ang Fishpa na P120 din per head ang Oceanarium naman oh ang entrance fee ay P400 para sa matatanda at P350 sa mga bata na hanggang 4 feet ang taas (libre ang bata na 2ft below ang taas). P250 naman pag week days sa Musical Fountain at P300 naman pag weekends at holidays.


So nakatipid nga ba kami? Sa tingin ko naman ay nakatipid nga kami dito. Gusto ko kasi makita yung mga bago rin sa Manila Ocean Park at the same time bday gift ko na to kay Mhay. Sana mag enjoy kame dito, sana mag enjoy si Mahmine ko sa bday gift ko sa kanya.

Manila Ocean Park, here we come again!



8 Nakiusyoso sa usapan:

Kraehe said...

san mo nabili ang 500 ticket? di pa kasi ako nakapunta sa ocean park ever. gusto ko masubukan with my siblings.

LhanLhan said...

@ krahe - dito ko to nabili sa ka officemate ko. may friend kasi sya na nagwowork sa ticketing office. until dec 2011 mo sya pwedeng magamit. ^^ contact me if you want. ^^

empi said...

nakakatipid ka nga. ayos!

yahm18 said...

yehey! magiging masaya ang birthday ku! thanks mahmine! aylabyu! mwah!

MOKS™ said...

hanngagang kelan yung promo parekoy? 2009 pa kasi yung huli ko ring punta dyan

Kench Alegado said...

astig gusto ko rin nyan, pwede malaman kung pano ma-avail yan?

LhanLhan said...

@ MOKS - hanggang DEC 2011 to pwede gamitin.

Bino said...

oi lhan! pabili naman ako nyan. textmo ko :D

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | WordPress Themes Review